Chapter 19: REBELation

691 28 7
                                    

-19-

Mira's POV

"Apo, kumain ka naman kahit onti! Makakasama yan sa iyo. APagagalitan pa ako ng mama mo." sabi ni yaya Lita.

"Ya, pwede niyo po ba muna akong iwan mag-isa. Gusto ko lang pong mag-isip isip."

"Mira....."

"Ya, sige na po. Kakain na po ako, promise. Hayaan niyo po muna akong makapag-isa. Please po."

"Hay bata ka." sabi niya sabay tayo sa kama ko.

Andito lang ako buong mag-hapon. Di ako pumasok.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot, kaba, lungkot, pagkadismaya at kung anu ano pa.

Nagpadala ako sa galit pero wala eh. Anjan na yun. Nagawa ko na. Nagawa na niya. Nagawa na namin.

May mga nasaktan. May natuwa. May nagalit. May naghihirap.

Shete! Ayoko na!

"Nga pala Mira, pina-aabot nga pala ito ng ate mo. Ikaw na daw ang mag-hulog sa account mo. Busy daw kasi siya." sabi ni yaya sabay lapag ng isang white envelope sa side table ko.

Please, give me enough strength! I heard my phone rang

"Oh Claire, napatawag ka?"

["Sissy, nabalitaan ko yung nangyari. Are you fine?"]

"Di ko pa alam, Claire. Ang bigat ng pakiramdam ko. Di ko alam kung ano yung mga nagawa ko kahapon."

["Mira, nabigla ka lang siguro. Maiintindihan din yun ng ate mo."]

"Nasampal ko siya. Sa tingin mo ba mapapatawad niya ako?"

["Oo naman. Ate mo yun eh!"]

"Hindi din, Claire. Lahat ng nasabi yata ng mama ni Xander, nabalik ko sa kanya."

["Kung di ka man niya mapatawad, ikaw na magpakumbaba. Magsorry ka. Baka yun sakali, mabawasan ang galit niya."]

"Sana ganun kadali lang yun. She needs space. We need space. Galit ako sa kanya, and so she was to me."

["Basta, wag kang mawawalan ng pag-asa, okay?"]

"Oo."

["Tumawag nga pala si Xander kay Gabby kanina. Nag-eavesdrop ako. Galit na galit daw parents niya."]

"Ewan ko ba, Claire. Di ko alam kung ako ba o si Xander ang may kasalanan."

["Actually, I'm on your side. Ayaw mong lumaban siya pero siya tong mapilit. Kaya kung tutuusin, siya ang may kasalanan."]

"I can't blame him though. Masyado nga kasi siyang nagpapaka-kuya. Ayan napala niya."

["Shh ka lang ha? May narinig pa akong balak niya daw maglayas or the other term of it, mag-rerebelde siya sa parents niya."]

"Tapos ako na naman ang sisisihin? Utak niya kaya, nasan?"

["Pag-nakita ko, ibabalik ko na lang sa kanya. Uh, sorry. Serious topic nga pala 'to "]

"Thank you Claire at tumawag ka pero gusto ko munang mag-isa. Malaki rin naitulong mo. Salamat talaga. I'll hang up na, okay? If you don't mind?"

["Ah, oo. Sige. Bye-bye! Kayang kaya mo yan! Girl power! Aja!"]

Bestfriends with Promises I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon