-7-
Mira's POV
Kanina pa 'ko tahimik habang nasa loob ako ng kotse ni Xander. Hindi din niya kasi ako iniinimik mag-mula kanina. Na-o-awkward tuloy ako. Kaya sa sobrang tahimik, hindi ko namalayan na naka-tulog ako sa buong byahe pauwi.
It was just for awhile hanggang nagising ako dahil pakiramdam kong naka-tigil ang kotse. And I was right. Andito kami sa tapat ng bahay at mukhang kanina pa kami nandito. Nilingon ko si Xander sa tabi ko at nakita ko ring natutulog siya. I woke him up para mag-paalam at para maka-uwi na rin siya.
"Xander, gumising ka na. Papasok na 'ko sa loob."
Unti-unti siyang nag-mulat, "Hmm."
"Bakit hindi mo man lang ako ginising na andito na pala tayo. Sana naka-uwi ka na." sabi ko
"I was about to wake you up but I heard you snore. Mahina lang naman, kaya okay pa."
"Tch. I don't make such sounds when I'm sleeping."
"Believe me, you did."
"Ewan ko sayo. Gusto mo pa bang pumasok?" pag-aaya ko
"Hindi na. Gabi na rin. Uuwi na 'ko, baka nag-aalala na si manang."
"Sige, ingat ka." I smiled a little bago ko binuksan ang pinto.
I walked towards the gate and just as I was about to open it, tinawag ako ni Xander. Lumingon ako at nakita kong lumabas siya sa kotse at tumayo dun.
"Just like what I said a while ago, promise me that you won't change. That's the least thing you can do to me."
Tumango ako, "I will. Akala ko magiging maayos ang lahat kung iiwasan kita pero hindi pala. Someone also told me to follow my heart and listen to what it says."
"Ano bang sabi ng puso mo?"
Ngumiti lang ako at umiling, "I think that's already personal so I won't answer that. Pero ang masasabi ko, ayokong nalalayo sayo. Hindi ko kaya."
"Same to me, Mira. Same to me." he smiled and waved goodbye.
I waved back and waited him to depart bago ako pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ni yaya at kaagad akong pinag-hain. I was busy eating my dinner when I heard footsteps on the staircase. It was my sister.
"What a lovely scene I just witnessed." she said.
Tinigil ko ang pag-kain at lumingon sa kanya, "It's not your business anymore."
"Let me remind you one thing, Mira. Your business is my business too. Every single thing that concerns you."
"Oh please, Ate. Hindi na 'ko bata para pakialaman mo pa ang mga desisyon ko. And same goes with Xander. Nga pala, don't you ever do that again. Wala kang karapatan na sabihan siyang layuan ako o kung ano pa man."
"Iniiwas lang kita-"
"Ayan na naman po tayo. Alam mo Ate, parehas lang tayong maraming iniisip. Why don't you just settle on those things kesa nakikisawsaw ka pa?"
"Fine. Do whatever you want, and I'll do whatever I want too. And that also means, I can do whatever matters to the both of you."
Hinampas ko yung table at pabalag na tumayo while throwing dagger looks at her. She never fails to insult me, isn't she? She simply smiled as she walk out of the room. Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at umakyat na sa kwarto. I took a quick shower and laid on the bed.
Naalala ko bigla yung mga pinag-gagawa ko. Ni hindi ko nga talaga kayang mag-tagal na hindi siya pansinin o makasama. At ngayon, wala na 'kong pakialam kay Ate. It would also be better kung hindi na rin kami papakialaman ni Ate pero knowing her? Tch, impossible!
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises I [COMPLETED]
Novela JuvenilLife was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, changed the way she looked at it, protected her and stayed with her, no matter how against the odds are fo...