-45-
Mira's POV
Maaga kaming nagising kasi tanghali ang departure ni Xander.
Sa totoo lang, kung idadagdag ko pa yung mga nangyari kagabi, sobrang namamanhid na ako. Hindi ma-sink-in sakin na eto na, aalis na talaga siya. Parang ambilis lang ng panahon na dumaan. Na ginagawa pa naming biro ang pag-alis niya.
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Claire
Marahan akong tumango. Ambigat pa rin ng mata ko dahil sa pag-iyak. Kahit matagal akong naka-pikit dahil nahimatay ako. Oo, nahimatay ako nung nag-iiyakan kami ni Xander sa may rooftop. Natakot nga daw si Xander non. Akala niya may koneksyon yun sa trauma ko. Kaya nung magising ako, nag-aalangan siyang lumapit at nat-tanong kung okay lang ba ako. Matapos nun, hindi na niya ako inimik. Si Claire na lang ang lagi kong nakaka-sama mula pa kanina.
"Claire, namamanhid ata ako." mahina kong sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko, "Nararamdaman mo bang hinawakan kita?" Tumango ako. Kinurot niya yung braso ko, "Aray!"
"Oh? Nasaktan ka. Hindi ka manhid. Pero sa loob mo, gusto mong mamanhid kasi hindi mo na kaya tanggapin ang lahat."
"Mali bang iniwasan ko kayo ng matagal?"
"Hindi. Dapat mo lang gawin yon kasi part yun ng recovery mo."
"Pero bakit nakokonsensya ako na iniwasan ko kayo. Na parang hinayang na hinayang ako sa mga araw na nasayang."
"Hindi ko na alam ang isasagot ko jan kasi sarili mo nang nararamdaman yan. Pero kung ako ang tatanungin, tama lang na nag-sinungaling sayo si Xander. Kung ikaw, nasasaktan ngayon, si Xander pa kaya na ilang araw na niyang nalaman na aalis na siya."
"But I feel so unfair. I mean, alam ko namang aalis siya pero I didn't know na ganto ka-aga. Dun ako mas nasasaktan."
"Hindi natin hawak ang desisyon ng mga magulang ni Xander. Wala tayong magagawa kundi umayon na lang sa desisyon nila."
Tumulo na naman ang mga luha ko. I don't why but I feel like crying. Pero kahit anong iyak ko, hindi nababawasan ang sakit. Ganun pa din. Niyakap ako ni Claire at niyakap ko siya pabalik. "Ang sakit Claire, ang sakit talaga." Pinakalma niya lang ako pero wala pa ring epekto.
Nakarinig kami ng katok at sumilip sa pinto si Gabby.
"Kunin ko na mga gamit niyo."
Tinulungan namin siyang mag-bitbit ng mga gamit namin. We took a last glimpse on the room bago kami tuluyang pummunta sa elevator. Pag-kadating namin sa ground floor, lumabas kami sa entrance at hinintay ang van nila Claire. Inuwi na daw kagabi nila Patrick ang mga kotse nila. Yung kotse ni Xander, hindi ko alam kung anong gagawin don.
"Galit ba siya sakin, Gabby?"
"Si Xander? Ba't naman yun magagalit sayo?"
"Ayaw niya kasi akong pansinin mula pa kanina."
"Natakot lang, 'to naman. Ikaw ba namang may kasamang nahimatay at kaka-galing lang sa trauma eh."
"Kaka-usapin ba 'ko nun?"
"Ayan, tanungin mo."
Napa-tingin ako sa likod at nakita ko si Xander at Patrick na nasa tabi namin, nag-hihintay din. Lumayo ako at tumabi kay Claire. Bigla naman akong nailang.
Pag-kadating ng van, agad akong sumakay sa may likuran para sana iwasan si Xander, ang kaso, sumunod naman siya at tumabi sakin. Naman eh! Pero kahit naiilang ako, hindi maalis sa isip ko na ang byahe namin, pa-airport na, dahil aalis na siya.
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises I [COMPLETED]
Teen FictionLife was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, changed the way she looked at it, protected her and stayed with her, no matter how against the odds are fo...