Chapter 15: State the truth✔️

652 29 10
                                    

-15-

Xander's POV

Masakit pa rin ng katawan ko pero hindi kasing sakit tulad nung dati. Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko. Lagi lang akong tulog, gumigising lang ako para kumain. Anong nangyari kay Daniel? Malay ko. Say that I am unfair, but I got no choice. Diba parang mas lamang pa yung ginawa niya sakin?

"Manang Bening, makikihingi po ng tubig." tawag ko

3 minutes passed pero wala pa rin. Bukas naman yung sliding door kaya impossibleng hindi niya ako marinig.

"Manang? Makiki-hingi po ng tubig!" nilakasan ko ng kaunti ang boses ko, baka sakaling hindi niya ako narinig.

Narinig ko ang biglang pag-sara ang pinto ng kwarto. Narinig ko rin ang ilang footsteps ng flip flops. Nag-tataka ako kasi hindi naman nag-susuot ng ganun si Manang.

Dahan-dahan akong umupo ng maayos pero masakit pa rin talaga. Sht!

Bumukas naman yung sliding door at nagulat ako sa nakita ko.

"Mira?!"

"Hi! Buti naman at kilala mo pa ako." she said sarcastically.

"What are—"

"Manahimik ka. Stay put!"

Nag make face lang ako. Nilapag niya yung take out na dala niya. "For sure, sawa ka na sa pagkain nila dito. Ano ba naman yung one month na pag-stay mo dito, diba?"

"Mira, ano bang ginagawa mo dito? Sht! Sabi ko kay manang—"

"Well, wala siyang magagawa sa isang makulit na nilalang na tulad ko." she said while unloading the foods.

"Mira, kasi—"

"Save your explanation later. For now, kumain ka muna. Mainit pa yan and for Jollibee's sake, first time kong mag-order sa fast food chain dahil sa'yo."

"Sinabi ko bang mag-order ka? Mira, alam mo—"

"Kain na sabi e!"

I don't want her to see me in this freaking state. Ano bang ginagawa nitong babaeng 'to dito?

"Wala kang bantay ngayon." sabi niya

"Anong tawag mo sayo?"

Inirapan niya lang ako. "Pina-day off ko muna yung mga kasama mo. Kung 'di mo sila bayaran, ako nang bahala."

"Nasan sila?"

"Kumain ka na."

"Mira...."

"Kakain ka o ako pa magpapakain sayo?"

"Tsk!"

Edi kumain! Sht lang. Kahit masakit yung katawan ko, pinilit kong kumilos na parang walang iniinda. Damn, it still hurts!

Hindi ko rin naman masisisi si Manang. Tama nga siya. Walang binatbat ang pagiging strikto ni manang kung isang Mira Jane Vega ang katapat.

Ang daming tanong ang gusto kong itanong sa kanya. 1 month daw na akong nandito? Bakit parang hindi naman. You're comatose, stupid! Sa mga panahong yun, na-bu-bully pa kaya siya?

I admit, na-miss ko siya nang sobra. Yung mukha niya, yung mata niyang singkit, yung ngiti niya tuwing sinusundo ko siya sa kanila at yung boses niyang putak ng putak. My day is literally not complete without seeing her. Pinilit ko ang sarili ko na makuntento muna sa picture niya dahil ayoko rin naman siyang tawagan.

Bestfriends with Promises I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon