Chapter 32: Watching him play

403 23 4
                                    

-34-

Mira's POV

Now's the day of the opening of the Intrams. Maaga kaming nag-bukas ng booth, mga 8am. Nalaman ko kasing marami ang non-players sa lahat ng year. At isa ang marriage booth sa mabenta sa kanila.

"Bes!!! Ang gwapo!!!!" pa-talon-talon pang pumunta sa pwesto namin si Xyriel.

"Sino?" - Jannel

"Yung basketball player ng grade 12!! Yung may jersey na 8."

"Tss, mangga naman eh!"

"Tse!"

Napa-tawa na lang kami. Kakatapos lang ng opening ceremony ng Sports fest. Matapos nun, andami na agad ang nag-palista sa'min.

"Pwede bang mahiram muna si Mira?"

Napa-angat naman ang tingin ko dun sa nag-salita. I saw Jake along with his other teammates.

"Bakit?"

"We're the first game, remember?"

Ay, oo nga pala! Patay! Kung ba't ba naman kasi ako nag-promise pa. Andaming tao at nakaka-hiya naman kung iiwanan ko lang sila dito.

"K-kasi... Ano eh..."

"Miss, ayaw niyang pumunta sa court nang hindi ka kasama." sabi nung isa niyang teammate.

"Ayaw naming ma-loser by default. Kaya sumama ka na, Miss." sabi pa nung isa.

Alanganin naman akong tumingin sa mga kasama ko.

"Sumama ka na, Mira. Kami nang bahala dito." - Jannel

"Sigurado kayo?"

Marahan naman silang tumango. I heaved out a deep sigh as got up to get my things. Nag-bilin pa ako saglit sa kanila, saka na ako sumama kila Jake.

"Amina yan." tinutukoy niya yung mga gamit ko.

"Okay lang. May dala ka na, mabigatan ka pa. "

"I insist." bigla niyang kinuha ang bag ko.

Mahilig siyang mang-agaw ng bag. Parang ewan...

Dumaan kami sa lobby papuntang dugout nila. Andaming fan girls sa paligid. Yung iba, ang sama ng tingin sa'kin. Hinigit ako ni Jake papalapit sa kanya at inakbayan.

"Don't mind those eyes. Just walk." sabi niya sakin.

Tumango ako habang inaalis yung akbay niya. Nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad. Nang nakarating kami sa mismong dugout nila, hindi na ako sumunod. Puro sila lalaki sa loob at ang panget tignan na andun ako.

"Dito na lang muna ako."

"Okay. Give me a minute. Wait for me."

I gave him a nod as a sign na pwede na siyang umalis. Pumaiba naman ako ng tingin. Halos busy lahat sa kani-kanilang dugout. Nakita ko rin ang Schedule of games nila dun. Grade 10 PM ang makaka-laban nila Jake. Parang mali nga eh. Dapat sa PM ako kumakampi and not to AM section. Eh wala eh. Ang mga mananalo, mag-a-advance sa places kung saan per grade level na ang mag-lalaban

I sometimes find it unfair, yung mga juniors kalaban ang seniors. Matic na kung mas maliit at bata ang dehado. Well, we can never tell. Pero kung titignan ang nga players na nag-kalat, anlalaking tao din naman.

Bigla namang lumakas ang ingay sa paligid. Nanggagaling sa mismong court.

"Mira, tara na!" narinig kong tawag ni Jake.

Sumunod ako sa kanya at dumaan kami sa gilid kung saan may babaeng naghihintay.

"Rainne, samahan mo siya ah?"

Bestfriends with Promises I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon