Chapter 36: Traumatic night

506 26 1
                                    

AND's part: Okay, kids. Another ethpege ahead. I'm just telling 'ya. 9th ave nga pala yung nasa photo.

-39-

Mira's POV

"Basta ibigay mo na lang sakin yung copy ha?" sabi sakin ni Xyriel.

"Oo. I-se-send ko sayo yung isa through email."

"Okay, bye!"

"Sige."

Nakakainis talaga! Sabay sabay ang projects, long tests and exams! Inabot tuloy kami ng ala-sais dito. Asssaaaaaarrrrrr!!! Grr!

Niligpit ko yung gamit ko at dumiretso sa locker room. Andito yung hiniram kong history book sa library. I need to return it immediately. Pinagalitan ako kung bakit wala akong ID and my reason was this! Hindi kasi ako mabigyan ng matinong sagot ni Google eh!

When I close my locker, tumambad sakin si Jacob na naka-sandal din sa kalapit na lockers.

"Kainis ka! Ginulat mo ako!"

"Sorry. Hey, may lakad ka pa?" he asks.

"Wala na eh. I need to go home by now. Baka magalit si ate. Hindi pa naman ako nakapag-pa-alam."

"Ah, ganun ba. I just thought of asking you to hang out kahit saglit lang."

"Naku Jacob, wala na akong panahon sa mga hang-out hang-out na yan. Hell week na kaya natin!"

"Oo nga, sabi ko nga."

"Ikaw? Wala ka bang ginagawa?" I asked as I locked my locker.

"Uhm, meron."

"Meron naman pala eh! Hang out ka pa jan! Ano bang ginagawa mo? Projects din?"

"Hindi."

"Ha? Eh, ano?"

"Tinitignan ka?"

Napatingin naman ako sa sinabi niya.

Okay, that was a corny one.

"A-ahh, ganun?"

"Uuwi ka na ba? Hatid na kita."

"O sige. Saglit lang ha?" sabi ko.

Hinabol ko pa yung library. At buti naman naka-abot ako.

"Akala ko, aangkinin mo na to eh." sabi ni Ms. Margie.

"Sorry po talaga Miss. Pinapagalitan na rin po kasi ako ng teachers ko eh."

"O sige. Isa ka lang naman sa mga suki ko dito eh."

"Sige po. Una na po ako."

Tumakbo ulit ako pababa. Grabe! Ang haggard ko na!

Nakita ko si Jacob na nasa corridor na mukhang may ka-text.

"Jacob! Tara na?"

"Saglit lang ha?"

"Sige."

Lumayo siya ng onti at sinagot ang tawag yata yun?

Naramdaman ko naman na vibrate yung phone ko, naka-silent kasi.

"Hello?"

["Mira?! Asan ka?!?"] tiningnan ko yung ID caller. Si Xander? Bat kelangang sumigaw?

"Uhh, nasa school. Bakit?"

["Stay there! Don't move!"]

"Huh?"

"Mira! Okay na, tara?" tawag sakin ni Jacob.

["Sinong kasama mo?!"]

I signalled Jacob to wait for me.

Bestfriends with Promises I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon