-35-
Xander's POV
Kanina pa 'ko dito sa parking. Iniisip pa rin ang mga nangyari kahapon.
"Busangot mukha natin ngayon ah?" salubong agad sa'kin ni Patrick
"Si Mira kasi eh!"
"O? Anong meron?"
"Nililigawan na siya nung Jacob na yun!"
Saglit siyang natigilan tapos maya-maya, biglang tumawa.
"At nagawa mo pa talagang tumawa?"
Humina ng bahagya ang tawa niya, "Naunahan ka?"
Hinagis ko nga kung ano man ang nahawakan ko. Isa pa 'tong bwisit eh!
"Tawa pa."
At ang g*go, lalo pa talagang tumawa. Bwisit!
"Anong meron dito?" - Gabby
"Eh pano... pfft! Nabu-bwisit yan. Naunahan na kasi, may nanliligaw na kay Mira. Eh siya naman 'tong may pagkakataon noon. Ngayon, ano ka? Uwi ka na!"
"Sige lang, tumawa ka pa. Baka mabangasan na kita!"
"Sino nanliligaw?"
"Sino pa ba? Edi yung mokong na Jacob. Kailan lang naman niya nakilala 'yon."
"Parang ambilis na manligaw ngayon no? Parang galawang-Gabby lang." - Patrick
"Anong galawan?" - Gabby
"Mabilis naging kayo ni Claire diba? May galawan kang unique eh!" - Patrick
"Baka bigwasan kita?" - Gabby
"Kahit na ba. Kung i-ku-kumpara mo kay Gab, 'di hamak na tumagal sila ng isang buwan bago niya niligawan si Claire. Eh yung mokong na yun, wala pa yatang limang araw na nag-kakakilala agad sila. Tapos, malaman-laman ko, liligawan siya nun? Sinumbong ko nga." sabi ko
"Ang tanong, sayo ba kampi Ate ni Mira?"
"Malamang naman!"
Saglit kaming natahimik. Pero agad ding nag-salita si Gab.
"Hindi mo ba sinundo si Mira?"
"Hindi. Sabi niya, ate niya mag-hahatid sa kanya."
"Ate nga ba?"
Napa-tingin ako sa kanya, "What do you mean?"
Itinuro naman niya si Mira na kakababa lang sa kotse ni Jacob.
"Ate pala ah?" - Patrick
"What the fck?" umayos ako ng tayo at pupuntahan ko na sana pero pinigilan ako ni Gab, "Ano ba?!"
"Let it go first. Maya mo tanungin si Mira."
Bigla na namang nag-init ang ulo ko. Don't tell me na hinayaan lang ni ate na mangyari 'to?
Hinayaan muna namin silang maka-alis bago kami sumunod.
"Pero kinukutuban pa rin ako sa g*gong 'yan." - Patrick
"Sino ba namang hindi diba?" - Gabby
Hindi na muna ako nag-salita. Kampante ako na papagalitan pa ni Ate si Mira tas ito makikita ko?
Kahit kapag nag-babantay ako sa booth namin, wala ang isip ko. How come na naging close sila agad? Lately ko rin napapansin yan. Kapag pinupuntahan ko si Mira sa booth nila, wala siya dun. Nanonood daw ng game. Mira's never been into sports actually. Maybe board games and such but not ball games. Nalaman ko rin na siya ang leader ng booth, tapos kadalasan, wala siya dun?
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises I [COMPLETED]
Teen FictionLife was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, changed the way she looked at it, protected her and stayed with her, no matter how against the odds are fo...