-32-
Mira's POV
"Dito? Okay na ba yan jan?"
Tumango ako. Pwede naman dun sa kanina pero pwede na din jan. Aish! Pang-gulo kasi 'to eh.
"Jacob, bumaba ka na nga jan! Malaglag ka pa, masisi pa ako kapag di ka naka-laro sa intrams."
"It's my pleasure to help you."
"Okay. Pero, marami naman kaming pwedeng mag-tulong-tulong dito so, if you don't mind? Kami nang bahala."
"Okay. Dito lang muna ako. Hintayin kita."
Pinipigil ko lang ang inis ko. Kasi, lagi siyang nasa paligid-ligid. I mean, hindi naman sa pambabastos, pero mild sprain lang ang nangyari sakin, grabe na siya makapag-alala.
"Sabihin mo nga Mira, dun lang ba talaga kayo nag-kakilala ni Jacob sa clinic?" - Jannel
"Oo. Madami lang siyang alam sa buhay at palaging naka-aligid."
"Eh parang iba na eh. Para kang nililigawan na ayaw maunahan..." - Junnielyn
"Ano?"
"Oo. Yung din napansin ko eh. Yung hindi niya hinahayaang umalis ka mag-isa."
"Parang siya na ang pumalit kay Xander sa pag-babantay sayo..."
Siya namang pag-sang-ayon ng iba naming kasama. Well, totoo naman talaga. May iba jan sa lalaking yan. I can sense na hindi lang tungkol sa pag-kakaroon ng sprain kung bakit yan andito.
Humanap ako ng tyempo kung kelan siya pwedeng maka-usap.
"Jacob, pwede ka naman nang umalis. Baka may kailangan ka pang gawin..."
"Wala naman akong gagawin eh."
"Lakad. Baka may lakad ka?"
"Wala rin."
"Wala ka ba ng ibang gagawin sa buhay mo bukod ang umupo jan at hintayin kaming matapos?"
"Hintayin KANG matapos. Yung ang kasalukuyan kong ginagawa."
"Bakit mo naman ako hinhintay?"
"Kasi gusto ko."
"Bahala ka nga jan!"
Iniwan ko ulit siya dun. Ang kulit! Bahala na siya sa buhay niya, malaki na siya.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng booth namin for marriage booth. We still have four days to go, including the weekend. Naalala namin yung last year na seniors ang humawak sa booth na 'to. Walang masyadong pumunta sa booth kasi kailangan daw hindi pinilit at kusa. So, where's the thrill diba? Kaya mas ginawa naming exciting, kaya may posas.
We also added some new stuff like official wedding rings, different wedding coats and gowns saka veils. Kaya sana, kumita talaga kami.
~Moments later
"Ilang finishing touches na lang, tapos na tayo." - Jannel
"Siguro pwede tayong mag-dagdag pa ng iba pa?" - Xyriel
"Ano pa bang idadagdag?"
"Feeling ko kasi may kulang pa."
"Bukas na natin ulit pag-usapan. Pagod na 'ko."
"Sige, sige na. Umuwi na tayo para makapag-pahinga na."
Kinuha na nila ang mga gamit nila at siyang alis. Ako naman, tinakpan ko lang ng isang malaking tela ang mga kailangan takpan. Tapos, kinuha ko na ang mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises I [COMPLETED]
Teen FictionLife was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, changed the way she looked at it, protected her and stayed with her, no matter how against the odds are fo...