-31-
Mira's POV
"Ugh! Nakaka-inis talaga!!!! Hindi naman dapat tayo pagawain nito eh! Were fresh from vacation pa kaya! Eh~~" - Jannel
"Eh ano pang i-e-expect mo diba? After ng bakasyon, trabaho agad. Ganyan naman talaga ang mga teacher eh!" - Xyrel
"Kayo talaga~ sige na, sige na. Tapusin na natin 'to nang matapos na." sabi ko na lang.
Pano ba naman kasi, matapos ang Christmas vacation, pag-kapasok na pag-kapasok, pinag-prepare ba kami for Sports fest. Kasabay ng finals ng UAAP palagi ang Intrams namin. I'm not a sporty kiddo kaya sa mga booths lang ako active. At ang booth ng section namin ngayon ay ang Marriage booth. Samin napunta 'to kasi kaming mga Seniors ang kayang humandle nito.
"Alam niyo, na-ko-kornyhan talaga ako sa booth na 'to. Like hello? Nag-ur-urge lang 'to for so much PDAs."
"Tss. Bitter ka lang Jana. You want, kami na bahala sa marriage niyo? Hihi!" - Junnielyn
"Tse! Hayaan mo na siya sa syota niyang hipon!"
Napa-tawa na lang kami sa reaksyon ni Jana. She is really pretty compared to that—uhh—hipon? At ipinag-palit lang siya. Bakit kaya may mga ganung lalaki noh? Yung kayang ipag-palit lahat within a blink of an eye.
Nag-start na kami sa pag-gupit ng kung ano-ano. One week ang Intramurals namin, 3 days for sports and booths, and 2 days for Foundation day.
Matapos ang ilang pag-gupit, dumating naman si Sabrina para ibigay ang mga Marriage certificate kuno. Siya ang SC president namin.
"Sinong head niyo?" she was pertaining to the acting leader when the booth is already open.
Nag-tinginan naman sila at parang nag-kaisa ang mga iniisip nila.
"Si Mira!"
"Oh? Bat naman ako? Iba na lang~"
"Kaya mo na yan. Suporta lang ang kaya namin ibigay. Ahaha! Please?"
"Anubayan! Tch. Sige na nga!"
"Okay. Kailangan niyo pumunta mamaya sa office namin for the stamp. Importante ang stamp na yun para ma-confirm na meron nga kayong kinita. Okay?"
"O sige. Ano pa bang ibang dadalhin?"
"Siguro, yung mga kakailanganin niyo. Kailangan naming i-check lahat yun at i-document yun. May mga bawal gamitin diba? Kaya ayun."
"Miss pres, syempre, marriage booth 'to. May ilang sapilitan at pinag-tripan lang. Pwede bang gumamit ng posas?"
"Posas? Pwede din pero isa lang. Ah basta, i-settle na lang natin samin ha? Una na 'ko. Aasikasuhin ko pa yung ibang booths."
"Sige. Salamat."
Inayos namin ang iba pang kailangan. Dumating na rin si Lea dala ang posas. Pulis kasi ang tito niya.
Nang makuha na namin lahat ng kailangan, inayos ko na para dalhin sa SC Office. Medyo madami at nag-pabigat pa ng onti yung posas.
Half day lang ang classes ngayon. Basta, nag-hahada lang ang lahat. Sa monday na kasi ang opening. They gave us a week to prepare.
Pa-akyat ako ng fourth floor nang bigla na lang ako naka-rinig ng mga yabag ng paa. Hindi simpleng yabag pero tunog ng nagtatakbuhan mula sa malayo. Papalapit ng papalapit hanggang sa makarating sila sa posisyon ko. Mukhang nag-hahabulan. Tuloy tuloy lang sila at nasigi pa ako dahilan para mahulog ako for about two steps of the stairs. Nag-kalat din yung mga dala ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises I [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsLife was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, changed the way she looked at it, protected her and stayed with her, no matter how against the odds are fo...