-29-
Mira's POV
Magpasang-hanggang ngayon, busy pa rin ang lahat. Sa mga nakaraang araw kasi, kabi-kabilang party ang in-attend-an namin. And all of that, business related. I guess, I need to get used to these.
Tulad ngayon, nag-pe-prepare kami for celebration of New Year. Ambilis! Parang kelan lang Pasko tas ngayon, eto na, another year to welcome.
And as a promise, saglit akong kakain samin at didiretso na 'ko kila Xander. Nung una, muntikan na akong hindi payagan. Pero, in-explain kong wala kasi siyang kasamang mag-celebrate. Hayst! Nagiging rebelde ako nang wala sa oras. Well, could you call this as rebellious? Ewan!
Nag-be-bake ako ngayon, brownies. Bet ko mga chocolatey sweets ngayon. Balak ko rin bumisita sa Sweet Children ngayon. Na-mi-miss ko na rin sila. Mag-dadala ako ng marami sa kanila. Saka mga ilang maliliit na bears. Para hindi na sila nag-aagawan. Excited na akong makita sila ulit.
"Do you need more containers?" nagulat ako nang makilala ang boses sa likod ko. Its mommy.
"Ah, opo. Pero ako na pong bahala." I answered her with a smile.
Pa-unti unti natatanggap ko na rin na sila na ang magulang namin. Mabait sila at maalaga nang sobra. I thank God for letting us meet them.
"I want to help. Do you know that I love baking too? Its my hobby when I was still at your age." sabi niya at tinulungan ako sa paglilipat ng brownies sa mga containers.
"Sabi ko nga, magiging hobby namin ng anak ko ang pag-be-bake. Ang kaso, di rin naman natuloy." she said and smiled, one that didn't reached her eyes.
Bigla naman akong naawa dahil dun. Hindi na niya nagawa ang mga 'yon. Bigla kong naisip na parehas kaming may kulang sa buhay namin na pwedeng punan ng isa't isa.
Hinawakan ko ang kamay niya na naka-hawak sa isang maliit na container.
"Parehas lang naman po tayo eh. Ako nga po, sa picture ko lang po nakita si Mama at Papa. Minsan iniisip ko po kung ano kaya ang mga pwedeng nangyari kung sakaling buhay pa sila? O kaya naman, kung hindi na lang kaya ako nabuhay, mas magiging masaya ba sila nila ate?"
She suddenly pulled me into a hug. Sobrang higpit ng yakap niya sakin. I somehow felt comfort by that hug.
"Don't cry, my dear. You have us, me. Tahan na..." dun ko lang na basa na pala ang mga pisngi ko.
Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko.
"Don't you ever think na mas magiging masaya ang ibang tao maski ang pamilya mo kung wala ka. There are reasons why you lived."
"Dahil po sakin kaya namatay si Mama..."
"Its not your fault. Think of this, what would Mina feel if she was alone and left behind?"
Hindi ako sumagot. Alam kong kaya ni ate ang sarili niya kahit wala ako. Actually, pabigat nga ako sa kanya eh. Si ate din ang tipo ng tao na magaling mag-tago ng sikreto.
Ngumiti na lang ako at tumingin ulit kay mommy, "I guess we can fill each other's spaces? Ngayon po, aamin ako na hindi ko pa rin kayo tanggap bilang magulang ko. But I guess, I have to accept it now. Kasi kayo po ang sumalo ng reponsibilidad. In return, I could be a daughter to you. We can have the hobby you want to soend with your daughter. Pwede naman po nating gawin yon, diba po?"
She smiled at hugged me again, "Thank you Mira. Thank you."
"Ako po dapat ang mag-pasalamat." I hugged her back.
After that, pinag-patuloy namin ang pag-be-bake. Dahil dun, hindi lang brownies ang nagawa namin. Cookies, cupcakes, at cake. Damihan ko na daw para walang maubusan. After that, niligpit na namin at inayos para maka-alis na ako agad.
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises I [COMPLETED]
Novela JuvenilLife was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, changed the way she looked at it, protected her and stayed with her, no matter how against the odds are fo...