Chapter 39: Missing Piece

419 22 3
                                    

-39-

Xander's POV

"Promise, naniniwala akong hindi natin siya makaka-usap." - Claire

"Wala ba kayong tiwala sa'kin?"

"Hindi mo ba binasa yung sinend ko sayo?" - Gabby

"I did."

"O? It says their that she needs time to recover."

"Yeah. Sabi nga."

"E bakit pinipilit mo pa siyang makita ka? Ayaw ka nga niyang makita diba?"

"But it also says there that she should communicate the experience with family and close friends."

"Maybe she already did. Anjan ang ate niya, and maybe anjan na rin ang mga magulang nila." - Patrick

"What about that 'Spend time with others to avoid becomingwithdrawn, even if you do not feel up to it.' Kaya niya tayong harapin, promise. Maniwala kayo sa'kin."

"Nung umalis po tayo sa ospital at iniwan si Mira sa ate niya, they already did spent time with each other by just talking." - Claire

"Even if she do not feel up to it?"

"Gabby, i-explain mo nga sa bob0ng yan nang makaintindi!" - Patrick

"She already did those, lahat ng mga prescribed na gawin ng isang na-trauma, sa ospital pa lang, nagawa na niya 'yon. But the point is, she wants to do all of it with the people whom she trust the most."

"Bakit? Hindi ba niya tayo pinag-kakatiwalaan?"

"She do trust us, but you cannot change the fact that whenever she sees each one of you, the event that she's been into kept on playing back inside her head. Nandoon kayo nung mga panahong balak siyang galawin."

"So you were saying that whenever she see even just one of us, maalala niya ang nangyari?" - Patrick

"Yeah."

"How 'bout you Bie? You were not there at that time. Is it possible that she may be a lot more comfortable to talk to you?" - Claire

"Exactly. Kung sakali mang medyo maka-recover na siya at she can talk now to other people, except her family, more likely mapapa-lapit siya sa mga taong hindi makaka-pag-paalala sa kanya ng nangyari."

"Para mo namang sinasabi na pag-naka-recover na siya, ikaw lang ang kakausapin niya." sabi ko

"Possible. Plus the fact that Bie is her classmate too." - Claire

"Ah basta! Mag-hintay kayo, haharapin tayo ni Mira ngayon."

"Sana nga..."

Kasalukuyan kaming nasa loob ng bahay nila Mira. Mabuti nga at wala ang ate niya dito dahil kung andito man, siya hindi kami makakapasok. Strikto na siya, kahit na sa'min. Mabuti nga at nadaan namin sa matinong paki-usapan ang yaya nila at pinapasok kami dito.

Ang kaso, halos nakaka-sampung minuto na mula nang inakyat ni yaya si Mira, pero wala pa ring lumalabas. Baka nga ayaw pa niya kaming makita.

Hanggang sa nakarinig kami ng mga kalabog sa taas.

"Ayoko nga sabi e!!!"

"Told you.." bulong ni Claire sa gilid

"Sinabing hindi nga ako tumatanggap ng bwisita! Kung sino man yang gung-gong na yan, pwede paki-alis na lang?!"  narinig naming sigaw ni Mira mula sa taas.

Bestfriends with Promises I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon