GRAY EVANS
***
Napailing na lang ako ng muling makatanggap ng isa pang article mula kay Troye. Nag-reply na lang ako ng isang malutong na mura sa kaniya para sa panibagong kabobohan na isinend niya sa'kin. Pinatay ko na 'din ang cellphone at ibinalik sa bulsa ko. Dapat noon palang ay ini-block ko na ang gunggong na 'yon.
"Bakit, anak? Bakit napapailing ka?"
Mukhang napansin ni Mama ang pag-iling ko kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. Mabilis naman niyang inalis ang tingin sa akin dahil siya ang nagda-drive ng kotse.
"Wala po, 'Ma. Pag-iling nalang po kasi talaga ang nagagawa ko sa sobrang kabobohan ni Troye." Sagot ko kaya hindi niya mapigilan na tumawa. Kung hindi niya siguro hawak ang manibela ay hinampas na niya ako ng malakas dahil sa sinabi ko.
"Napaka-loko mo talaga sa pinsang mong bata ka." Natatawa naman niyang wika sa akin. Tumawa nalang ulit ako ng bahagya para may kasabay siyang tumawa. Gan'on ako kabuting anak.
Pero kahit hindi kapani-paniwala ang mga sine-send sa akin na mga articles ni Troye, hindi ko mapigilan na magbukas ng usapan kay Mama tungkol dito.
"'Ma, narinig niyo na po ba 'yung mga kuwento-kuwento sa Northwoods tungkol sa mga taong lobo?" Hindi man naniniwala, hindi ko mapigilan na maging curious sa mga kuwento-kuwento katulad ng mga articles na natanggap ko mula kay Troye.
Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. Maging si Mama ay hindi naniniwala base sa pagtawa niya.
"Noong bata pa ako, pinantatakot na sa amin mga kuwento tungkol sa mga taong lobo. Epektibong panakot sa amin ng mga kalaro ko iyon noon. Pero habang tumatanda ako, hindi na ako naniniwala dahil hindi naman nakita ng mga mata ko." Wika ni Mama sa akin. "Akala ko ay nawala na ang mga kuwentong 'yon sa ngayon. Hindi ko naman akalain na maging hanggang sa ngayon ay umiikot pa 'rin ang mga kuwento ng mga taong lobo sa isla ng Northwoods." Aniya pa at muli nanamang tumawa.
Tumawa nalang 'din ako at inilipat na ang tingin sa daan. Naging tahimik na ang pag-byahe namin ni Mama pagkatapos ng usapan naminang hanggang sa ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pier.
Isinukbit ko ang dala kong bag sa mga balikat ko at lumabas na ng kotse. Sinalubong ako ng maingay na pier. Lumabas 'din si Mama at tumabi sa akin. Inilabot ko naman ang tingin ko upang hanapin si Troye. Ang sabi niya kasi sa akin kanina ay naghihintay na siya dito.
Sa ilang sandali sa pier ay hindi 'din nagtagal nang may tumawag sa pangalan ko na isang pamilyar na boses. Boses bibe.
"Gray!"
Napalingon ako sa sumigaw at nakita ang pinsan kong si Troye na kumakaway sakin mula sa di kalayuan. Madami nang tao sa pier pero napansin ko siya kaagad dahil mukha siyang tumpok nang tae.
Mabilis siyang naglalakad kaya hindi nagtagal ng tuluyan siyang makalapit sa amin ni Mama. Matagal na noong huli kaming nagkita na mag-pinsan kaya kaagad kaming nag-highfive nang makalapit siya sa amin.
Inilipat naman niya ang tingin sa katabi kong si Mama na siyang nag-hatid sa'kin dito sa pier.
"Hello po, tita." Nakangiting lumapit sa kaniya si Troye at humalik sa pisngi ni Mama matapos nitong bumati.
Hindi 'din nagtagal ay narinig na namin ang tunog ng ferry na siyang patungko sa Northwoods tanda na malapit na itong umalis.
"Tara na hoy. Ayan sumasakay na yung nga tao, mauubusan tayo nang upuan." Singit ko sa kanila kaya hindi na kami nag-aksaya ng oras ni Troye.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...