THIRD PERSON
***
Matapos maghintay ng ilang sandali sa pagtayo para maghintay sa labas ng hospital ay naka-para na ng tricycle si Troye. Mabilis siyang sumakay at sinabi ang lokasyon ng bahay ng Lolo at Lola niya. Katulad ng utos ng Lolo niya ay kailangang umuwi ni Troye para kumuha ng damit nila na pamalit. Mas lalo na ang damit nila Gray at Jade dahil sira-sira ang mga suot nila na nakapaloob sa hospital gown nilang suot.
Nang makasakay sa tricycle ay kaagad 'yong pinaandar ng driver. Bagama't tahimik at walang kibo si Troye habang binabagtas ng tricycle ang daan papuntang bahay ng kaniyang Lolo't Lola ay madaming umiikot sa isip niya. Malalim ang pag-iisip niya. Nalilito siya sa mga nangyari nitong mga nakaraang mga gabi. Hindi man niya aminin sa sarili pero kinakabahan 'din siya, natatakot.
Masyadong madami ang nangyari noong nakaraang gabi at talagang nabigla sa mga 'yon. Lalo na ang nasaksihan niyang pagbabagong anyo ni Jade. Sa harap mismo ng mga mata niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot kay Jade o dapat ba siyang matakot sa mga taong maghahanap kay Jade upang panagutin sa ginawa nito sa tanod noong nakaraang gabi.
Dapat ay sinusulit nila ang kanilang bakasyon. Nage-enjoy, nagsasaya. Pero sa puntong ito, hindi niya mahabol ang takbo ng mga pangyayari dahil sa sobrang bilis nito. Parang kahapon lang noong nabangga nila ang isang misteryosang babae, pero nakarating na sila sa puntong ito na nalaman nila ang pagbabagong anyo nito bilang isang taong lobo.
Lumilipad ang isip niya, pero bumalik siya sa kasalukuyan nang biglang huminto ang tricycle na sinasakyam niya. Wala pa naman sila sa tapat ng bahay ng Lolo't Lola niya pero huminto na ito.
Nagtataka niyang tinignan ang driver dahil sa ginawa nito. "Bakit, manong?" Puno ng pagtataka niyang tanong.
Nakatingin lang sa harap ang driver kaya tinignan niya 'din ang tinitignan nito. Hindi na nito kailangang magsalita dahil nasagot na ang tanong niya.
Huminto ang tricycle dahil nakatayo sa gitna ng kalsada ang kapitan. Naglakad ito papunta sa tricycle habang malaking nakangisi.
"Troye, iho!" Masigla nitong bati habang naglalakad papunta sa kaniya. Ilang sandali ay nakalapit na ito sa sidecar kung nasaan siya. Nang makita siya ng kapitan ay ngumiti ito, waring masayang makita ang binata. "Kahapon pa kita hinihintay!"
Alam na ni Troye na bawat lalapit ang sinumang miyembro ng pamilya ng kapitan ay may gulong mangyayari kaya hindi niya magawang ngumiti. Malinaw pa sa ala-ala niya ang katunayan nito kung saan dinukot ng lalajing anak ng kapitan ang pinsan at ang lahat ng nangyari noong nakaraang gabi na sila ang lahat ang may pakana.
"Mukhang wala ka pang sapat na tulog, iho. Tara muna sa loob ng bahay at magkape." Pag-imbita ng kapitan sa kaniya. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.
Nagdadalawang isip man, alam ni Troye na hindi niya magagawang tanggihan ito. Wala nang nagawa si Troye kung hindi ang bumaba sa tricycle at sumunod sa kapitan na mas lalong lumaki ang ngiti nang tanggapin ni Troye ang imbitasyon niya.
Madaming naglalaro sa isip ni Troye noong oras na 'yon. Pero sa isip-isip niya, hindi naman si siguro siya nila papatayin ng mga ito dahil wala naman siyang atraso sa kanila.
Nang makapasok sa bahay ang kapitan ay bumungad sa kaniya sa sala ang pamilya nito. Nakangiti at nakangisi ang mga ito na tila inaasahan nila ang pagdating niya.
Dumiretso sila sa mga ito, naupo naman ang kapitan sa tabi ng asawa niya. Sinensyasan namn siya nito na maupo sa harap nilang lahat, katabi ni April habang nasa gilid niya nakaupo Roman, na siya namang ginawa.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...