GRAY EVANS
***
Ramdam ko kaagad ang hindi ko komportableng posisyon nang muling bumalik ang ulirat ko. Ramdam ko ang sakit ng ulo ko dahil sa kemikal na nalanghap ko kanina. Maging ang buong katawan ko ay masakit lalo na ang mga kamay ko. Kakaiba 'din ang pakiramdam ng buong paligid ko. Ramdam kong pawis na pawis na ako dahil sa init. Sobrang init.
Madami mang kumikirot sa buong katawan ko ay unti-unti kong binuksan ang mata ko.
Hindi ko mapigilan na mapasinghap dahil sa gulat nang malaman kung bakit tila napakainit ng paligid ko at kung bakit masakit ang mga kamay ko.
Nakatali ang mga kamay ko sa isang poste sa isang madilim na lugar. Sa gubat. Nakatali ako sa isang poste sa gitna ng bakateng parte ng gubat. Nagbibigay liwanag sa paligid ang buwan pero ang talagang nagpapaliwanag sa paligid ay ang apoy na nakapalibot sa poste kung saan ako nakatali. Pinalibutan ako ng mga kahoy na siyang pinanggalingan ng apoy.
Nagsisimula na akong magpanic pero pinilit kong pakalmahan ang sarili ko
lalo pa nang bumalik sakin ang nangyari kanina. Alam ng dumukot sa akin na nasa perya kami dahil nagawa niya akong takpan ng nakakahilong panyo sa ilong ko at sakto pa na mag-isa lang para bumili ng pagkain namin nila Ja–sila Jade!
Nang maalala na kasama ko sa perya sila Troye at Jade kanina ay muli akong nataranta. Sinubukan kong kalagin ang lubid na nakatali sa mga kamay ko pero hindi ko magawa.
Pinilit ko ulit na kumalma at inalala ang natutunan ko noong minsang naging volunteer ako sa school para sa isang outdoor recreation seminar. Hindi ko akalain na makakatulong pala talaga sa'kin ang mga gan'on. Pinilit kong isipin ang itinuro sa'kin noon kung paano magtanggal ng pagkakatali ng lubid pero habang sinusubukan ko ay nakarinig ako ng kaluskos ng paa.
Kaagad kong inilibot ang mga mata ko at mula sa malayo ay napansin kong may papalapit sa gawi ko.
Mabilis akong nag-isip ng gagawin at nauwi ako sa desisyon na magkunwari ulit akong walang malay. Pumikit ako pero nag-iwan ako ng maliit awang sa tulikap ng mata ko para makita ko kung sino ang paparating.
Napa-tiim bagang ako nang makita ang lalaki sa harap ko. Si Ramon habang nakangisi. "Tignan mo nga naman 'tong weak na to."
Siya lang mag-isa ang lumapit sa akin pero armado siya. Pilit kong sinipat mabuti ang hawak niya. Akala ko ay baril ang hawak niya pero nang makita kung ano talaga yon ay hindi 'din mapigilang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Isang high equip tranquilizer ang hawak ni June para sa mga hunter na katulad niya.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko at nag-isip ng paraan kung paano ko mabilis na tatangalin ang kamay ko na nakatali sa posteng sinasandalan ko ngayon.
Alam kong gagamitin ni Larry ang tranquilizer na hawak niya kay Jade kaya pinilit kong makawala ang mga kamay ko sa lubid na nakatali sa mga pulso ko bago pa matuloy ang plano niya.
Ilang sandali ang lumipas ay nakita ko sa maliit na awang sa mga mata ko ang pagdating ng dalawang patrol vehicle. Bumaba ang mga sakay n'on pero 'ko makilala ang bumaba d'on. Hindi naman nakatingin sa'kin si Ramon kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para buksan ang mga mata ko. Nagulat ako nang makita sina Lolo at Lola na bumaba sa isang patrol car na kasabay ng patrol car kung saan nakasakay ang mga magulang ni Ramon at ng mga tanod.
Pagkababa nila Lola sa patrol ay kaagad itong napabulalas nang makita niya ako. "Gray, apo!" Sigaw ni Lola at akmang lalapit sa akin pero pinigilan siya ng dalawang tanod.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...