Hindi ako nag-aksaya ng oras at kaagad na sinundan ang tumakbong si Jade. Sumisigaw sa kaniya ang tindera sa ginawa nito, maging ako nga sinisigawan nito at pinababalik nang mapansin siguro na magkasama kami ni Jade pero hindi ko na siya pinansin."Jade!" Pagtawag ko sa kaniya. Wala na akong pakialam kung nakakasagi ako ng mga tao, kailangan kong maabutan si Jade bago pa siya mawala sa paningin ko.
Hindi ako tumigil sa paghabol sa kaniya kahit dahil sa dami nang tao ay unti-unti na siyang nawawala sa mga mata ko.
Tuluyan siyang nawala sa paningin ko kaya wala akong ibang nagawa kung hindi sundan ang direksyon na tinahak niya. Hindi naman naging mahirap sa'kin 'yon dahil sa mga taong nadadaanan kong dumadaming tanda na sa direksyon nga nila dumaaan ang nagtatakbong si Jade.
Dumiretso ako sa direksyong tinakbuhan niya hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa parte ng palengke na tila isang bodega.
Nagtataka man ay pumasok ako d'on. Bumungad sa akin ang mga kahon at mga plasticwares na nakakalat. "Jade? Jade nandito ka ba?" Pagtawag ko sa kaniya habang ninilibot ang tingin sa bodega na may kadiliman.
"Jade?" Muli kong pagtawag. Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang makarinig ako ng mga kaluskos at pag-hinga na tila hinihingal.
Sinundan ko mahihinang paghinga at malalim na napabuntong hininga nang makita ko siya na nakasiksik sa mga nakakalat na kahon. Nakadukdok siya sa tuhod niya at parang bata na nakakita ng multo. "Oy, ano bang nangyari? Okay ka lang ba?" Mahinahon kong tanong at tumalungko sa harap niya. "Sa pendant ka ba natakot o sa mukha ng tindero?"
Nang itaas niya naman ang tingin sa'kin ay sa akin naman siya sumiksik nang sumiksik. Isindal ko ang ulo niya sa dibdib ko. At para huminahon siya, hinaplos-haplos ko ng marahan ang buhok niya at inalo. "Okay lang, Jade. Nandito na ako sa tabi mo." Mahinahon kong wika sa kaniya. "Ano ba talagang nangyari Jade? Bakit bigla ka nalang nagtatakbo? Hindi ko alam kung anong nangyari sayo." Dagdag ko pang sabi sa kaniya.
Itinuloy ko ang paghaplos sa buhok ni Jade. Malalim pa 'rin kasi ang bawat pag-hinga niya. Hindi ako kumikibo, nagtagal kami sa gan'ong puwesto ng ilang mga minuto. Hinahaplos ko lang ang buhok niya para hayaan siyang huminahon. Nag-hum pa ako para mas mabilis na mawala ang takot niya habang itinutuloy ang paghaplos sa buhok niya. "Huwag ka mag-alala, Jade, hindi na tayo dadaanan sa tindero na 'yon. Bigla-bigla nalang kasi nangugulat ng paninda niya sa mukha ng mga dumadaan." Wika ko pa para pagaanin ang loob niya sa pagaakalang natakot si Jade dahil sa bigla nitong pag-sulpot sa isang gilid at kulang nalang ay ingudngod sa mukha ni Jade ang tinitinda niya.
Nagtagal kami sa gan'ong puwesto. Inaalo ko siya at hinahaplos ang buhok hanggang sa maramdaman kong tuluyan na siyang huminahon.
"Tara na, Jade. Lumabas na tayo dito at hanapin na si Lola." Wika ko sa kaniya pero hindi naman siya nagaangat ng tingin. "Hmm?" Hindi pa 'rin ako nakakuha ng sagot kaya ako na ang dahan-dahang nag-angat ng ulo niya sa dibdib ko. Bahagya nalang akong napangiti nang makita siyang nakapikit at natutulog na pala siya. "Kantulog talaga."
Hindi ko na siya ginising. Para tuluyan na kaming makaalis sa bodega na 'to ay ipinasan ko siya likod ko.
Habang pasan siya ay lumabas na ako sa bodega para hanapin si Lola. Mukhang wala na siya sa tindahan ng gulay kanina dahil kung nand'on siya siguradong susundan 'din niya kami dahil sa nangyari. Isang parte lang sa palengke ang pumasok sa isip ko kaya naglakad na ako papunta d'on. Nagbaka-sakali ako sa tindahan ng isda at tama nga ako na nandoon si Lola. Hindi ako nagkamali nang pinuntahan. Naabutan ko pa siyang nakikipagtawaran sa tindera ng isda.
"Oh, bakit pasan mo siya? Anong nangyari?" Nagtataka niyang tanong habang nakatingin kay Jade na natutulog sa likod ko nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
عاطفيةI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...