Napagpasyahan namin ni Troye na pumunta sa Northwoods para magbakasyon. Para sana gumala ng gumala at mag-enjoy sa isla. Pero nitong mga nakaraang araw, bukod sa palengke ay wala na akong napuntahan. Palagi lang ako nandito sa bahay. Na hindi 'din naman masama dahil madalas man nasisira ang ulo ko tuwing kasama ko si Jade, natutuwa naman ako at nae-enjoy ko na kasama siya. Mukha ngang mas enjoy pa ako na kasama si Jade kaysa kasama si Troye. Si Troye na hampaslupa na gumagala mag-isa na hindi man lang ako inaaya.Kaya para sa araw na ito ay gusto kong gumala. Alam kong taga dito sa isla si Jade pero gusto ko na makasama siya sa paggala.
Hindi ko naman alam ang mga lugar sa isla na masusulit ang oras kong puntahan kaya napagdesisyunan kong magtanong kila Lolo.
Sakto naman nang magising ako ay naabutan ko si Lolo na nagka-kape sa kusina pagkalabas ko ng kwarto.
"Natuto ka na talaga gumising na maaga, hano apo?" Nakangiti nitong bungad sa akin.
"Oo nga po." Wika ko at bahagyang napatawa.
Naupo ako sa harap ni Lolo at nagtimpla ng kape para sakin.
"Kamusta naman ang paglalagi mo sa Northwoods nitong mga nakaraang araw?" Tanong niya sa akin bago humigop sa hawak niyang kape.
"Okay naman po, 'Lo." Nakangiti kong sagot. "Pero gusto ko po sana gumala ngayon." Wika ko pa at hindi mapigilang matawa. "May alam po ba kayo na dito ko lang sa Northwoods makikita?"
Hindi naman siya kaagad nakasagot at tila napaisip sa tanong ko. "Bukod sa mga ilog at dagat na sigurado namang madalas kang makakita," Panimula niya matapos mag-isip. "May alam akong talon na makikita sa gitna ng gubat. Ah, may isang kuweba 'din na maliit malapit d'on kung saan nagnining ang tubig." Aniya kaya hindi mapigilan na manlaki ang mga mata ko.
"Talaga po?" Bulalas ko. "Puwede niyo po sabihin 'Lo kung paano makakapunta 'don?" Tanong ko sa kaniya.
"Kung gusto apo sasamahan na 'din kita. Malawak kasi ang gubat, baka maligaw kayo." Wika pa niya kaya malaki akong napangiti.
"Salamat po 'Lo." Malaki ang ngiti kong sabi.
"Gisingin mo na ang pinsan mong si Troye apo." Aniya. "Mainam na ngayon na tayo pumunta hanggang maaga."
"Sige po, 'Lo." Sagot ko. Pero bago tuluyang umalis sa kusina ay muli akong lumingon kay Lolo. "Ah, 'Lo?Puwede po natin isama si Jade?" Tanong ko kaya muli kong nakuha ang atensyon niya.
Kaagad siyang tumango. "Oo naman apo, syempre. Gisingin mo 'din siya para makapaghanda tayo saglit bago umalis." Sagot niya. Napangiti nalang ako at tumango.
Katulad ng sinabi ni Lolo ay naglakad na ako papunta sa kwarto kung saan kami natutulog ni Troye. Siya muna ang gigisingin ko dahil alam kong mahihirapan akong gisingin siya.
Nang makapasok sa kwarto ay bumungad sa'kin si Troye na nakanganga pa at nakataas ang kamay. Alam kong napakahirap niyang gisingin dahil hindi lang tulog mantika ang ginagawa nito dahil talo pa nito si sleeping beauty kung matulog.
Kaya para sa halik na magpapagising sa kaniya, kinuha ko ang bag na dala ko dito sa isla na nakalagay sa kama na tinutulugan ko at inihulog sa mukha niya.
Kaagad siyang napabalikwas sa pagkakahiga sa oras na tumama sa mukha niya ang bag. "Ano 'yon!?" Bulalas niya at litong-lito na tumingin sa akin.
"Wala 'yon. Baka nanaginip ka lang. Gusto mo bang sumama? Aalis kami ni Lolo para mamasyal sa gubat." Tanong ko sa kaniya na parang wala akong ginawang kagaguhan.
Hindi naman siya kaagad nakasagot dahil naghihilot siya ng mukha. "Sige sasama ako. Magaayos lang ako saglit." Sagot niya at tuluyan nang tumayo sa hinihigaan niya.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...