17

235 15 6
                                    

Ilang araw na nakalipas matapos ang nangyari sa kuweba. Katulad ng sinabi ko kay Jade ay kakalimutan ko na ang nangyari noong araw na 'yon. Bukod naman kasi na hindi nagsasalita si Jade, hindi ko 'din binabanggit ang nangyari kaya walang nagu-usap patungkol d'on dahil kaming dalawa lang naman ni Jade ang may alam sa nangyari. Minabuti kong hindi sabihin kila Lolo at Lola ang interaksyon namin sa isang lobo sa kuweba dahil alam kong kasunod n'on ay uusisain nila kung paano kami nakatakas sa asong lobo. Maging si Troye ay hindi na 'din kumukibo patungkol d'on, takot niya lang na malaman nila Lola na tumakbo siya palabas ng kuweba matapos niyang makita ang asong lobo at iniwan kami d'on ni Jade.

Pilit ko nang tinatanggal ang nangyaring 'yon sa isip ko. Hindi na 'yon nangyari para sa akin. Walang nangyari na gan'on sa kuweba sa gitna ng gubat kung saan kami pumunta.

Matapos umalis ni Lolo sa gubat para umuwi at magkainom ng gamot ay nagtampisaw lang kami ng mga kamay namin sa talon. Pagkatapos ay nagbabad kami ng mga paa namin sa kulay asul na pool of water sa kuweba na nahirapan pa kami sa paghahanap.
Bago dumilim ay napagpasyahan na naming tatlo na umuwi ng magkakasabay. Walang asong lobo. Walang kulay pulang pool of water. 'Yon ang itinatak ko sa isip ko na mga nangyari. Dahil kapag hinayaan kong isipin nang isipin ang nangyari ay madaming konklusyon ang iikot sa isip ko.

Gusto kong mapanatili ang tingin ko kay Jade na isang anghel na bumagsak sa lupa para pasakitin ang ulo ko.

"Hoy, huwag SPG 'yang palabas!" Bulalas ko nang makita ko ang pinapanood ni Jade kaya kaagad kong hinagilap ang remote para ilipat ang channel ng TV.

Kaagad ko namang binato kay Troye ang remote ng TV dahil alam kong siya ang nanonood ng pelikula na nagpe-play sa TV. Nagulat naman siya nang tumama sa kaniya ang remote at inalis ang tingin sa niyang cellphone kanina. "Bakit ba? Gago Gray, kaaga-aga." Puno ng pagtataka niyang tanong.

"Bwisit ka, kung ano-ano pinapapanood mo kay Jade!" Sigaw ko sa kaniya at inakmaan pa siya ng suntok.

Inilipat naman niya ang TV na nakalipat na sa cartoons bago natatawang tumingin sa'kin. "Bakit, pelikulang pilipino naman ang pinapanood ko kanina?" Tila walang alam niyang sabi kaya matalim ko siyang tinignan.

"Na may kasamang bold, bugok ka?" Wika ko habang masamang nakatingin sa kaniya. "Gawin kong pa-italic 'yang ulo mo sa leeg mo e, manyak ka talaga."

"Hindi ko alam tanga." Natawa nalang siya sa sinabi ko bago niya muling ituon ang atensyon niya sa hawak na cellphone.

Masama ko nalang siyang tinignan kahit hindi siya nakatingin at umupo na sa tabi ni na nakatutok lang ang tingin sa TV. Hindi naman niya yata alam kung ano pinapanood niya kasi wala siyang reaksyon n'ong linipat ko 'yung channel.

"Oy," Pagkalabit ko sa kaniya pagkaupo ko sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin. "Kapag nga nauna kang magising sa akin, gisingin mo na din ako okay?" Wika ko sa kaniya. Napasarap kasi ang tulog ko kaya nahuli akong magising tapos ang bumungad sa'kin ang bastos na palabas sa TV na pinapanood ni Jade. Dapat yata talaga i-Mike Enriquez ko siya at tutukan ko siya 24 oras para palagi ko siyang nababantayan.

Hindi naman sumagot si Jade at muling inilipat ang atensyon sa TV. Hindi ko 'din siya in-istorbo sa panonood at nanonood nalang din ng cartoons.

Tahimik lang kaming nanonood. Magkatabi kami ni Jade na hindi ko pa 'din alam kung natutuwa sa pinapanood. Si Troye naman ay nasa kanan ko habang apura ang pindot sa cellphone niya. Nitong nakaraang araw ay hindi ko nanaman nakikita si Troye at mukhang gumagala nanaman na hindi ako kasama. Hampaslupa talaga. Hindi pa nadala sa nakita naming asong lobo at hindi pumirmi sa bahay.

Habang nanonood ay naalis ang atensyon ko sa TV nang makitang lumabas si Lola sa kusina dala ulit ang bayong niya.

"Lola, pupunta ka ulit palengke?" Tanong ko nang makarating siya sa sala dahil dala niya ang bayong niya noong huling pumunta kami sa palengke noong isang linggo.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon