31

188 9 0
                                    

GRAY EVANS

***

Mabilis ang pagkilos ko habang inaayos ang laht ng gamit namin ni Troye na dala namin noong pumunta kami sa Northwoods. Hindi ako nagaaksaya ng oras sa pagi-impake kaya mabilis kong isinisilid ang mga gamit namin sa bag.

Ngayong madaling araw ay babalik na kami sa Manila para makalayo. Kailangan naming bumalik sa Manila bago pa lumala ang mga nangyayari.

Hindi si Jade ang isasama ni Troye. Nandito siya sa kwarto kasama ko. Parte ng plano namin ang lahat ng nangyayari.

Isasama ko si Jade sa Manila. Hindi ako papayag na maiwan siya dito. Hindi siya ligtas dito. Kailangan ko siyang ilayo ko siya sa lugar na 'to.

"Apo, bilisan mo na." Wika ni Lola na nakatayo sa gilid ko kaya mas binilisan ko pa ang kilos.

"Hindi po ba kayo talaga sasama sa'min sa maynila? 'Lo, 'La?" Tanong ko nang mabilis kong ibaling ang tingin ko sa kanila. Napagpasyahan nila Lolo at Lola na magpaiwan. Alam ko namang magiging ligtas sila dito dahil hindi naman sila ang pakay ni kapitan at ng mga tauhan nito pero gusto ko 'ding lumayo sila sa lugar na to.

"Huwag na paulit-ulit apo, bilisan mo na at baka maiwan pa kayo ng ferry." Wika naman ni Lolo.

Katulad ng sinabi niya ay mas binilisan ko pa ang kilos. Kinakabahan man sa mangyayari pero kailangan naming subukan. Kailangang gumana ang binuo naming plano para makaalis sa lugar na 'to.

Nakabukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kami kaya nang huminto si Troye na palabas na ng bahay buhat ang ginawa naming parang duplicate ni Jade na nababalutan ng kumot ay lumingon ako sa kaniya.

Tumango siya sakin tanda nang pagsisimula ng plano.

Tumango din ako sa kaniya. "Mag-ingat ka." Wika ko sa kaniya kaya ngumiti siya sa'kin bago siya muling maglakad.

Naglakad na siya palabas ng bahay kaya mabigat ang binitawan kong buntong hininga. Umaasa na sana ay gumana ang plano na ginawa namin dahil ito nalang ang pag-asa namin na makaalis sa lugar na ito.

M

atapos ang ilang sandali ay narinig na namin ang pag-andar ng owner jeep na sasakyan ni Troye tanda nang pag-alis nito kaya nagmadali na din kami sa pagiimpake ng gamit.

Ang plano namin ay dapat kailangan habang nililibang ni Troye si kapitan sa transaksyon na magaganap ay nakarating na kami sa pier para kapag dumating siya doon ay diretso alis na kami.

Walang oras na hindi kami nag-aasaran ni Troye. Madalas ay nagkakapikunan kami.

Pero sa pagkakataon na katulad nito, napatunayan ko na kahit mukhang wala kami sa tamang pagiisip na dalawa ay malapit ang relasyon naming dalawang magpinsan.

// FLASHBACK

"Kung papipiliin ka Gray, milyon-milyong halaga ng pera o isang bagay na hindi mo alam ang tunay na halaga?" Tanong ni Troye kaya kinunutan ko siya ng noo. Natawa naman siya dahil sa naging ekspresyon ko pero sumeryoso rin agad ang mukha niya. "Sigurado ka na bang isasama mo si Jade sa Maynila?"

Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa tanong niya. "Huwag mong sabihin na pati ikaw tutol sa pagsama ko sa kaniya sa maynila?"

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon