Sa mga nakalipas na araw ko dito sa Northwoods ay hindi kapani-paniwalang natuto ako na gumising ng maaga. Ngayong araw nga ay naunahan ko pa yata ang mga manok na tumilaok nang nagising ako. Kaya para gumanti sa pambi-bwisit nila sa akin noong mga unang araw ko dito sa isla kung saan kailangan kong gumising ng maaga dahil sa ingay nila, binuksan ko ang bintana ng kwarto kung saan ako natutulog at huminga ng malalim bago malakas na tumilaok.Napatawa nalang ako dahil sa katangahan kong ginagawa at napagpasyahan nang lumabas ng kwarto para simulan na ang araw.
Nagkukusot pa ako ng mga mata habang papalabas ng kwarto nang makasalubong ko si Lola. May bitbit siyang bayong at mukhang aalis. "Saan po kayo pupunta, Lola?" Tanong ko.
"Pupunta ako sa bayan para mamelengke, apo? Gusto mo bang sumama sakin?" Tanong niya naman sa akin.
Hindi ko pa nagagawang sumagot kay Lola nang mabaling ang tingin naming dalawa nang bumukas ang pinto ng isa pang kwarto sa gilid namin at lumabas d'on si Jade na gulo-gulo ang buhok. "Diyos ko, iha. Ano bang mukha 'yan?" Bulalas ni Lola na mukhang nagulat sa itsura ni Jade.
Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa itsura ni Jade at sa naging reaksyon ni Lola. "Kabalahurang babae." Natatawa kong wika at lumapit kay Jade. Hinatak ko siya at pinaupo sa silya para naghanap ng suklay na nakita ko naman sa ilalim ng kahoy na lamesa sa sala.
"Diyos ko ka talagang bata ka, ayusin mo nga sarili mo." Natatawa ko pang sabi at inabot sa kaniya ang suklay. Tinignan niya lang 'yon kaya habang hawak niya pa 'rin ang suklay ay hinawakan ko ang kamay niya at sinuklay ang buhok niya. "Ganito ang gagawin mo para hindi nakasamburay ang buhok mo. Okay?"
Itinuloy ko ang pagsusuklay sa kaniya nang marinig ko na nagtanong si Lola sa likod ko. "Iha, gusto mo bang sumama sa palengke?" Tanong ni Lola kay Jade.
Dahil hindi naman siya sumasagot ay ako na sumagot para sa kaniya. "Sige po 'La, sasama po kaming dalawa. Baka po sakaling mahanginan ang utak nito at bumalik sa katinuan."
"Pero mamasaheros lang ako, ha. Madami kasing ginagawa ang Lolo niyo kaya hindi na ako magpapahatid. Okay lang ba sa inyo 'yon?" Paliwanag ni Lola sa amin.
"Si Troye po kaya? Gigisingin ko po para ihatid tayo sa palengke?" Wika ko naman na marahas niyang inilingan kaya hindi ko mapigilan matawa kung bakit tutol na tutol siya na si Troye ang magda-drive para samin.
"Huwag na, baka makabangga nanaman. Mamasaheros nalang."
Oh. Napatawa nalang ako sa sinabi ni Lola at nahihiyang ngumiti.
"Sige na, bilisin niyo na mag-ayos. Hihintayin ko nalang kayo sa labas, lumabas na lang kayo kung handa na kayong umalis." Aniya pa at lumabas na ng bahay.
Binilisan ko na ang pagsuklay kay Jade. Dumiretso 'din ako sa kusina para uminom. Pati si Jade ay pinainom ko 'din ng tubig dahil sumunod din siya sa kusina at inaagaw ang baso sa akin noong uminom ako.
Bahagya ko 'ding sinuklay ang buhok ko pagkatapos ay inaya ko na si Jade palabas.
"Tara na ba?" Bungad samin ni Lola na naghihintay sa amin sa labas.
"Opo, 'La." Sagot ko at nilingon si Jade na hindi pa nakakalabas ng bahay. "Oy Jade, tara na." Wika ko sa kaniya at muling pumasok sa bahay para hilahin siya palabas.
"Jade ba ang pangalan niya?" Tanong ni Lola kaya hindi ko nalang mapigilan na matawa. Katulad kasi ng reaksyon ni Lolo ang reaksyon niya nang banggitin ko ang pangalan ni Jade.
Natatawa nalang akong tumango.
Naglakad na kami palabas ng bakuran para maghintay ng tricycle na masasakyan. Pero hindi pa kami tuluyang nakakalabas ay hindi ko mapigilan na magulat nang mapadako ang tingin ko sa mga paa ni Jade. Nakatapak siya at walang kahit anong sapin sa paa. "Lola tignan niya po si Jade, wala manlang suot kahit tsinelas!" Bulalas ko.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...