18

224 14 0
                                    

Nang makarating sa palengke ay bumaba na kami kaagad sa tricycle. Matapos makapagbayad ay naglakad na kami sa bungad ng palengke.

Nagtataka ko namang tinignan si Jade nang bigla nalang siyang huminto kahit hindi pa naman kami nakakapasok sa loob. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Nagtataka ko siyang tinignan pero hindi naman siya sumasagot at nakatingin sa lang sa lupa.

Hanggang sa bumalik sa isip ko ang nangyari noong huling beses na nagpunta kami dito. 'Yung bigla nalang nagtatakbo si Jade at nagtago sa isang bodega.

Tinignan ko siya at nukhang 'yong pangyayari nga na 'yon ang dahilan kung bakit siya huminto sa paglalakad dahil nakatingin lang siya sa lupa at mukhang nakaiwas ng tingin sa loob ng palengke.

Wala 'din naman akong bibilhin sa palengke kaya napagpasyahan ko nang magpaalam kay Lola para hindi na kami pumasok sa palengke at dumiretso na sa tindahan ng mga cellphone. "Lola, sa bilihan na po kami ng cellphone didiretso ni Jade." Wika ko kay Lola na nakahinto 'din dahil sa biglang pagtigil ni Jade.

"Hindi na kayo papasok sa palengke?" Tanong niya.

"Hindi na po." Sagot ko nalang kaya tumango sa'kin si Lola. "Magkita nalang po ulit tayo dito sa harap ng palengke mamaya."

"Sige." Aniya at may tinuro sa likuran namin ni Jade. "Ayon 'yung bilihan ng mga cellphone." Aniya kaya ako naman ang tumango.

Tumalikod na si Lola at pumasok na sa palengke. Naiwan kami ni Jade na sa lupa pa 'din nakatingin kaya lumapit na ako sa kaniya.

"Tara na Jade, hindi na tayo papasok sa palengke." Wika ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya bago siya hilahin patalikod sa palengke.

Tumawid kami sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan may tindahan ng gadgets.

Nang makarating sa harap ng tindahan ay kaagad namang bumungad sa'kin ang tindera ng tindahan na kanila lang ay nakikipag-kuwentuhan sa kasama niya.

"Ano 'yon, iho?" Tanong ng tinderang babae sa akin habang tumitingin-tingin ako sa mga gadgets na paninda niya. Si Jade naman na katabi ko ay nilalaro 'yung palakang nakadisplay sa harap ng tindahan na may nakaipit na piso sa bibig.

"May yelo po kayo?" Mahina kong bulong habang tumitingin-tingin pa rin sa mga cellphone na nakadisplay sa istante ng tindahan niya.

"Ano, iho?" Tanong ulit ng tindera kaya nakangiti nalang akong umiling-iling.

"Cellphone po sana," Wika ko habang nakangiti sa kaniya.  "Nawala po kasi 'yung sa'kin."

"Ah, ganoon ba? Sige, pili ka lang diyan ng gusto mo." Aniya at itinuro sa'kin ang mga naka-display na cellphone. Muli itong tumalikod sakin at nakipagkwentuhan na ulit sa tinderang kasama niya sa store niya.

Hindi ko naman gustong makinig sa kwentuhan nila pero bukod naman sa malalakas ang boses nila, wala namang sarahan ang tenga ko kaya naririnig ko ang sinasabi nila.

"Napanood ko sa balita na dalawang fullmoon daw ang mangyayri ngayong buwan na 'to. Hindi kaya pahiwatig na 'yon ng langit na may dadating na sakuna? Sa susunod na araw yata 'yung isa eh, kinakabahan tuloy ang sa mangyayari." Wika ng tinderang kausap ko kanina kaya hindi ko mapigilan na mapairap sa isip ko. Ang buong akala ko ay sa KMJS lang ako makakarinig ng katangahan na puro masasamang mangyayari nalang lagi ang iisipin kapag nakarinig sila o nakakita ng mga bagay-bagay na hindi naman kakaiba kung iisipin, pati pala dito sa Northwoods meron.

Parang nawala tuloy ako sa mood na pumili nang bibilhin kong cellphone dahil narinig kaya umayos na ako ng tayo. Nang magtaas ulit ako ng tingin ay napansin ko na may maliit na shop din pala sa likod ng gadget shop na 'to at mukhang 'yung kausap ng tinderang babae na kausap ko kanina ang may ari.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon