23

207 11 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang gabi na muntik na kaming magkapatayan ng anak ng kapitan na si Roman. Ang gabi kung saan nakita ko nakita ang pagpapalit ng anyo ni Jade.

Hindi pa 'din ako makapaniwala na totoo ang mga kwento-kwento sa Northwoods. Hindi ako makapaniwala na totoo ang mga pinipilit sa akin na kwento ni Troye bago kami makarating dito.

Hindi ako makapaniwala na hanggang sa panahon ngayon ay may natitira pang nabubuhay na kagaya ni Jade. Isang werewolf. Isang taong lobo.

Simula noong gabi na nakita mismo ng mga mata ko na maging taong lobo si Jade ay hindi ko maiwasan na bahagyang magbago ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi kasi ito katulad noong araw na nakita ko siyang sunggaban ang asong lobo sa kuweba. Iba ngayon na nalaman ko ang katotohang isa siyang asong lobo.

Madalas ay pinipilit kong iwasan si Jade dahil sa nalaman ko kahit pinangako ko sa sarili ko na dapat ko siyang protektahan. Katulad ngayon na nakaupo ako malayo sa kaniya habang nakaupo siya duyan. Tahimik niyang pinapanood ang mga batang naglalaro sa labas ng kalsada.

Madilim na ang langit pero buhay na buhay ang paligid. Mapapansin ang ipinagbago ng kalsada. Madami kasing banderitas ang nakasabit sa mga puno at mga poste ng kuryente dahil fiesta ng bayan nila ngayong linggo.

Nakatingin lang ako kay Jade nang lumabas si Lolo sa bahay. Kaagad niya akong nakita kaya lumapit siya sa'kin.

"Gray apo, kamusta ang sugat mo?" Bungad niyang tanong ng makalapit siya sakin.

"Okay na po 'Lo, unti-unti na po na naghihilom. Paminsan-minsan pa pong kumikirot pero kaya ko naman na pong maglakad at gumaw ng mga bagay-bagay." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

Mukhang nakita niya naman na tinitignan ko si Jade kanina kaya saglit niya itong nilingon at muling itinuon ang atensyon sakin. "May problema ba kayo ni Jade, apo? Nitong nakaraang araw napapansin ko na hindi na kayo katulad ng dati." Wika niya kaya hindi ko naman mapigilan na malungkot dahil sa sinabi niya.

Kaagad akong umiling bilang sagot. "Wala po, 'Lo." Pagsisinungaling ko.

"Kung gan'on bakit hindi na kayo magkasama palagi katulad dati? Noong hindi ka nakakatayo sa papag dahil sa sugat mo, palagi kang binabantayan ni Jade kapag natutulog ka sa gabi. Kapag umaga naman parang hindi kayo magkakilala. Si Jade apo kulang sa tulog kaya alam kong pagod 'din siya. Dapat ikaw ang nagpapagaan ng mood niya at hindi ka dapat nakaupo malayo sa kaniya katulad ngayon." Nakangiting wika ni Lolo kaya hindi ko mapigilan ang pangigilid ng luha ko dahil sa sinabi niya. "Masyadong magulo ang mundo para kay Jade, iho. Kaya dapat protektahan mo siya para hindi na ulit mangyari ang nangyari noong nakaraang gabi." Wika pa niya.

Dahil sa lahat ng sinabi ni Lolo ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang mahigpit siyang yakapin. Napakadaming emosyon ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Natutuwa ako, nalulungkot, galit ako sa sarili kung bakit hindi ko siya naprotektahan noong gabi na 'yon. Tama si Lolo, dapat ay protektahan ko si Jade para hindi na ulit mangyari ang nangyari noong isang gabi. Kailangn kong tuparin ang pangako ko sa sarili ko na po-protektahan ko siya kahit anong mangyari.

"Salamat po, Lolo." Wika ko habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. Tinapik niya naman ako sa balikat.

Pero dahil sa mahigpit kong pagyakap kay Lolo ay napadaing ako ng kumirot ang sugat ko. Natawa naman ng bahagya si Lolo bago siya bumitaw sa yakap. "Sige na apo, samahan mo na si Jade sa panonood sa mga bata. May gagawin din kasi ako." Aniya kaya tumango ako bago niya muli akong tapikin sa balikat at maglakad na paalis.

Katulad naman ng sinabi niya nag-ipon ako ng lakas ng loob para lumapit kay Jade.

Naglakad ako papunta sa kaniya at tumigil sa harap niya. Nang itaas niya ang tingin niya sa'kin ay sumilay ang ngiti sa labi ni Jade. Hindi ko din mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa mukha niya. Malayong malayo ang mala-anghel niyang mukha sa nakita ko noong isang gabi.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon