Tuluyan na akong nataranta. Marahas na ang bawat galaw ko para matanggal ang pagkakatali ng lubid sa mga pulso ko sa poste.
Nakatingin lang ako kay Jade na diretso lang 'din na nakatingin sa akin. Pinapalabo man ng mga dugong tumutulo mula sa noo ko ang paningin ko ay hindi naman nakakatakas sa mga mata ko ang mga mata ni Jade na tila naga-apoy na sa galit.
Kaagad akong umiling nang umiling sa kaniya para iabot sa kaniya ang nais kong sabihin. Kailangan niyang magpigil, hindi siya maaring magbagong anyo ngayon. Madaming mga baril ang nakatutok sa kaniya na naghihintay lang sa oras na magbago siya ng anyo.
Naibaling ko naman ang tingin ko nang magsalita si Roman. "Sige, ipakita mo sa kanila ang tunay mong anyo halimaw." Narinig kong mahinang wika ni Roman sa sarili. Hindi siya malayo sa akin kaya dinig na dinig ko ang bawat diin sa bawat salitang binitawan niya.
Muling humarap si Roman at muli akong hinampas ng tranquilizer na hawak niya. Sa bawat hampas ng ginagawa niya sa'kin ay mas lalong lumalaki ang ngisi sa labi niya.
Matalim ko siyang tinignan at nakita niya 'yon dahil nang-aasar siyang tumawa. "Totoo ang nakita ko noong gabi na 'yon at papatuyan ko 'yon ngayon sa lahat." Madiin niyang wika at hindi na ako binigyan ng pagkakataon na sumagot dahil muli niya akong hinampas ng tranquilizer na hawak.
"Gawin mo na halimaw! Ipakita mo na sa amin ang tunay mong anyo!" Sigaw ni Roman na tila naiinip na bago niya ako muling hampasin ng tranquilizer. Ngayon ay mas malakas at gigil na gigil.
Sa bawat hampas naman ni Roman ay muli akong tumingin kay Jade.
"Jade!" Sigaw ko para agawin ang pansin niya. "Jade, tumingin ka sakin!" Natinag naman ang matalim na tingin ni Jade kay Roman at tumingin sakin. "Okay lang ako, Jade. Okay lang ako, huwag kang magaalala." Pagpapakalma ko sa kaniya pero nag-alab ulit ang mata niya ng hampasin ulit ako ng malakas ni Roman ng tranquilizer. "Gago ka kapag ako nakatakas dito papalamon ko sayo 'yang tranquilizer na yan!" Sigaw ko habang matalim na ring nakatingin kay Roman na malaki parin ang ngisi.
"Gawin mo, puro ka satsat e." Banat niya at hinampas ulit sakin ng malakas ang hawak. Kay Jade niya ulit itinuon ang pansin at tinapatan ang matalim na tingin. "Ayos ba?" Aniya at malakas na humalakhak.
"Jade, okay lang, Jade kalma ka lang." Wika ko Jade, mahina na ang boses ko dahil sa panghihina.
Umiiyak na si Lola sa isang gilid dahil sa akin. Duguan na ako at nanghihina habang nakatali pa din sa poste, napapalibutan ng apoy na nagiging dahilan na paghapdi ng mga sugat ko na nagagawa ng paghampas sakin ni Roman. Sa init kasi ng apoy ay pinagapawisan pa ako at tumutulo 'yon sa mga sugat ko.
Minsan pang ngumisi si Roman at mga kabarkada at mga tanod tumingin.
"Ihanda niyo na mga baril niyo, magsisimula na ang tunay na palabas." Tatawa-tawa niyang wika kaya ang mga baril na nakalabas kanina ay nadagdagan.
Naglabas na rin ang mga tanod ng baril at ang mga magulang niya. May dalawang baril pa rin na nakatutok kila Lola pero ang karamihan ay nakatutok kay Jade.
Dahil sa nakakatutok na baril sa kanila ay walang magawa sila Lola kung hindi ang panoorin ang nangyayari. Hawak lang sila ni Troye na nakakuyom na ang kamao.
"Tigilan niyo na ang ginagawa niyo sa apo ko!" Sigaw ng humahagulgol na si Lola pero wala siyang nakuhang sagot kung hindi ang ngisi ni Roman.
Si Jade naman ay hindi natitinag si Jade sa pagkakatayo. Wala siyang pakialam sa madaming baril na nakatutok sa kaniya. Matalim lang ang titig niya kay Roman na sinusundan niya ng tingin saan man 'to magpunta.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...