05

406 29 10
                                    


Sinubukan kong pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso nang makita ang maamo niyang mukha. Nakaka-panibago. Ngayon lang naman ako nakaramdam ng ganito.

Minabuti ko na hayaan muna na nakatayo ako na may kalayuan sa kaniya. Hindi naman niya inaalis ang tingin niya sa akin katulad kanina kahit siya ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali.

Hinawakan ko ang dibdib ko at pilit 'yong pinakalma sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit bigla ka nalang bumibilis ang tibok mo?" Pagka-usap ko sa puso ko habang nakatingin sa dibdib ko. Hinampas ko pa ang dibdib ko pero napadaing lang ako dahil sa ginawa ko.

Muli akong tumingin sa babaeng nakaupo sa duyan. "Wait lang ha." Wika ko sa kaniya para humingi ng oras na kumalma.

Ilang sadali nang tuluyan kong mapakalma ang puso ko ay lumapit na ulit ako sa kaniya. Naiilang pa ako ng muli akong umupo sa harap niya pero hindi ko pinansin ang pagka-ilang ko at sinuklay na ang buhok niya.

Magkaharap lang kami sa isa't isa kaya magkalapit lang ang mga katawan namin. Kitang-kita ko ang maamo niyang mukha habang marahan kong sinusuklyan ang buhok niya.

Para hindi kainin ng ilang, sinubukan ko siyang kausapin katulad ng sinasabi ni Lola kanina.

"Ayaw mo ba talaga sabihin kung saan ang bahay niyo?" Tanong ko sa kaniya at tumingin ng diretso sa kaniya pero kaagad 'din akong umiwas ng tingin. "Sabihin mo na sakin, hindi ko naman ipagkakalat." Muli ko pang sabi pero hindi naman siya nagsasalita. "Oy? Saan nga? Hindi ko naman malalaman kung titignan mo lang ako. Lakas ng krung-krung mo ah."

Hindi naman siya sumasagot kaya itinuloy ko nalang ang pagsusuklay sa kaniya. Sinusubukan kong tumingin sa kaniya habang sinusuklay siya pero napapaiwas kaagad ako ng tingin dahil sa sobrang pagkailang. Diretso nalang ang tingin ko sa buhok niya na sinusuklay ko.

Matapos ang ilang sandali ay sinubukan ko ulit siyang tanungin. "Ano nalang pangalan mo?" Tanong ko pero hindi pa 'rin ako nakatanggap ng sagot niya. Muli ko siyang tinignan sa mukha at napansin na nakapikit na ang mga mata niya at mukhang tinulugan na niya ako. Napangiti nalang ako dahil sa kaniya. Itinigil ko na ang pagsuklay ko sa buhok niya at akmang tatayo para ihiga siya sa duyan nang bigla nalamang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko.

"Oy." Nai-wika ko dahil sa gulat. Bahagya ko pang inalog ang balikat niya pero mukhang natutulog nga siya dahil hindi siya umaalis sa pagkakasandal ng ulo niya sakin.

Narinig ko pa ang mahina niyang paghilik kaya hindi ko na siya ginising at hinayaan ang ulo niya sa balikat ko. Napagtanto ko nalang 'din na hinahaplos-haplos ko na ang buhok niya para mas lalong mapa-himbing ang pagtulog niya. Hindi na mukhang taniman ng kamote ang buhok niya katulad kanina, mabango na ito at malambot.

Habang itinutuloy ang paghaplos ko ng marahan sa buhok niya ay hindi ko mapigilan na kausapin siya. "Hindi mo ba talaga natatandaan kung saan ang bahay niyo? Eh, 'yun pangalan mo hindi mo ba talaga matandaan? Hindi ka ba sanay magsalita?" Magkakasunod kong tanong kahit alam kong tulog siya.

"Eh kung bigyan kaya kita ng pangalan para hindi babae, miss, o hoy, ang tinatawag namin sa'yo?" Wika ko pa kaya napangiti ako sa ideya. "Dapat simpleng pangalan lang. Temporary name kumbaga." Huminto ako para mag-isip. "Uhmm.. Kung blacky kaya o whitey?" Bulong ko at mahinang napatawa dahil sa mga pangalan ng aso na binanggit ko.

Muli akong huminto para mag-isip hanggang sa isang pangalan ang pumasok sa isip ko.

"Jade! Jade nalang kasi ang simple lang pakinggan. Ano sa tingin mo?" Muli kong tanong sa kaniya. Dahil tulog siya ay mahinang paghilik niya lang ang nakuha kong sagot. Tinanggap kong sagot ang mahina niyang paghilik bilang oo. "Okay, simula ngayon Jade na ang itatawag ko sa'yo." Natutuwa kong wika at muli nang itinuloy ang paghaplos sa buhok niya.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon