Mahigpit ang pagkakayakap ko kay Jade. Hindi ako kumikibo habang mahigpit na nakayapak sa kaniya. Hindi man magsalita ay alam kong ramdam niya ang labis kong pag-alala sa kaniya dahil sa mahigpit kong yakap. Nakasiksik lang siya sa gilid ng treehouse, hindi ko alintana na naiipit na niya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya.
Matapos ang ilang sandali ay bumitaw na ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin habang nakasiksik sa isang sulok kaya iniharap ko siya sa akin. Hindi ko alintana ang mga dugo sa bibig niya dahil sa pagkagat niya sa asong lobo kanina at ngumiti sa kaniya. Alam kong hindi makatingin sa akin si Jade dahil sa nakita kong ginawa niya sa asong lobo kanina, alam kong alam niya na ang ginawa kong pag-iwas sa kaniya kanina noong iniaabot niya sakin ang cellphone ko ay dahil d'on. Pero hindi na mahalaga sa akin ang lahat ng nangyari kanina, ang mahalaga ay nasa harap ko na ulit si Jade ngayon.
"Okay ka lang ba?" Nakangiti kong tanong habang nakatingin sa mukha niya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin kaya muli ko siyang iniharap sa akin. "Hindi ako galit, huwag kang magalala. Hindi ako natatakot sa'yo dahil sa ginawa mo kanina." Paninigurado ko sa kaniya bago alisin ang mga hibla ng dugo na nakadikit na sa mukha niya dahil sa dugo ng asong lobo na natutuyo na.
Upang linisin ang mga dugo sa mukha niya at maging sa mga kamay niya ay napagpasyahan kong bumaba. "Huwag ka na ulit aalis, okay? Dito ka lang, kukuha lang ako ng panlinis mo." Wika ko habang pinasadahan ang mukha at kamay niyang may dugo. "Ano ba kasing pumasok sa utak mo-ay wala ka nga pala yatang utak. Ano ba kasing trip mo, bakit ginawa mo 'yon?" Tanong ko sa kaniya pero hindi ako nakakuha ng sagot. "Psh." Usal ko dahil wala naman siyang tugon. "Freeze ka muna dito. Please? Sobra na akong nag-alala kanina, huwag ka na ulit umalis." Pakiusap ko sa kaniya at muling ngumiti sa kaniya bago muling bumaba at dumiretso sa loob ng bahay.
Nang makarating sa pinto ng bahay ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. Maingat ang bawat hakbang ko habang naglalakad papuntang kusina. Nasa loob na yata ng kwarto sila Lolo at Lola kaya ginamit ko 'yong pagkakataon para makaiwas sa paguusisa nila. Mabilis akong kumuha ng maliit na planggana at kaagad na nilagyan 'yon ng tubig.
Matapos lagyan 'yon ng tubig ay didiretso sana ako sa kwarto namin ni Troye para kumuha ng bimpo. Pero nang papasok palang ako sa kwarto ay mabilis akong napahinto nang marinig ang boses ni Lola mula sa likod ko.
"Oh, Gray? Nandiyan na pala kayo. Nasaan si Jade?" Kaagad kong ipinatong ang may tubig na planggana sa drawer sa gilid ng pinto ng kwarto bago lumingon kay Lola.
Naghihintay si Lola ng sagot ko habang si Troye ay nasa likuran niya at tila hindi mapakali. "Hoy gago, nakita mo na ba?" Napansin ko ang buka ng bibig ni Troye na walang boses para hindi mahalata ni Lola.
"Ah si Jade po, 'La?" Wika ko at kinakabahang ngumiti kay Lola. "Nasa treehouse po pinapanood ang sunset."
"Ano naman 'yung dala mo? Nakita kong may bitbit ka kanina e." Muling pagu-usisa ni Lola kaya napalunok ako.
"Totoo?" Pagbuka ulit ng bibig ni Troye mula sa likod ni Lola kaya pasimple akong tumango sa kaniya ng isang beses bilang sagot.
Kinakabahan man dahil hindi alam ang isasagot kay Lola. Pilit akong nag-isip ng paraan para makatakas sa mga tanong niya habang nakatingin kay Troye na bumuntong hininga sa likod niya dahil sa pagsagot ko kung nakita ko na ba si Jade. Dahil siguro katulad ko ay napanatag na ang loob niya kaya inakmaan niya pa ako ng suntok. 'Yon ang naging hudyat ko para makaiwas kay Lola nang pumasok ang isang ideya sa utak ko.
"Lola, inaakmaan po kayo ng suntok ni Troye sa likod niyo, oh!" Bulalas ko kaya kaagad napalingon si Lola kay Troye. Pinigil ko ang sarili na matawa nang mahuli siya ni Lola na nakataas pa ang nakakuyom niyang kamao.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
Roman d'amourI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...