04

453 32 16
                                    


Pinanood lang namin ni Troye ang babae sa pagkain nito habang pareho kaming nakatayo sa gilid ng lamesa. Baka lalong magalit si Lola kapag iniwan namin siya dito sa kusina kaya hanggang ngayong matatapos na siya kumain ay naka-tanga pa 'rin kami sa gilid niya. Hindi pala masaya manood ng mukbang sa totoong buhay lalo na at alam namin ni Troye na sa amin dapat ang ulam na kinakain niya.

Habang pinapanood namin siya, bigla nalang siyang tumingin sa akin kaya pilit akong ngumiti sa kaniya. "Sarap kumain, no?" Wika ko sa kaniya pero kaagad nawala ang pilit na ngiti sa labi ko nang hindi niya pansinin ang tanong ko at nag-iwas na ng tingin sa akin.

"Ako na nga ngumiti sa'yo kahit kinain mo ulam ko tapos a-attitude-an mo pa 'ko?" Asik ko kahit wala naman siyang pakialam sa akin dahil tinuloy na niya ang pagkain niya.

Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang natapos sa pagkain. Hinintay namin ni Troye ang sunod niyang gagawin. Dahil naman sa gulat dahil parang kukutkutin niya ang ngipin niya gamit ang madudumi niyang kuko ay natampal ko ang kamay niya. Mukhang hindi naman siya natuwa sa ginawa ko dahil matalim nanaman akong tinignan ng ma-attitude na babae.

"Sige, bahala ka na sa buhay mo." Pagsuko ko nalang at napaiwas ng tingin nang tuluyan na nga siyang nagkutkot ng ngipin niya gamit ang medyo mahaba at madumi niyang kuko na parang nagti-tinga. Kumain ka ba naman ng ulam na hindi para sa'yo, talagang matitinga ka.

"Kababoy ng babae na 'to." Bulong ko nalang kay Troye habang naka-iwas ng tingin sa babae.

"Babae ba talaga kasi yan?" Wika niya kaya hindi namin napigilang dalawa na tumawa. Dahil naman sa pagtawa namin ng malakas ay napunta ulit sa amin ang tingin ng babae.

"Huwag mo kaming intindihin. Sige kain lang." Mabilis kong sabi dahil feeling ko kahit anong oras kakagatin na naman niya ako. Feeling aso kasi.

"Tanga, ubos na pagkain niya." Natatawang turan ni Troye.

"Hayaan mo siya, ngatngatin niya lahat nang gusto niyang ngatngatin." Sagot ko kaya nagsimula nanaman kaming tumawa na dalawa.

Pero kaagad 'ding kaming napatigil sa pagtawa nang pumasok na ulit sa Lola  sa back door ng kusina. May hawak siyang mga dahon ng bayabas kagaya ng sinabi niyang kukuhanin niya kanina.

"Nakakain na ba siya?" Tanong niya habang nakatayo katabi namin ni Troye at nakatingin sa babae. Hindi na kami sumagot dahil nakikita naman ni Lola ang mga kalat at mugmog sa lamesa. "Hindi niyo naman nasiguro dinagdagan ang katangahan niyo 'no?" Wika niya pa kaya napakamot nalang ako sa batok. Napansin ko naman ang pagkamot din ng babae sa batok niya at ginaya ang ginawa ko kaya nakakunot ang noo ko siyang tinignan.

"Problema nito." Mahina kong bulong.

"Pakuluaan niyo 'to at isunod niyo sa'kin sa banyo mamaya." Sa direksyon ko inilahad ni Lola ang mga dahon ng bayabas kaya wala akong nagawa kung hindi kuhanin 'yon sa kaniya. Nang makuha ko ang dahon ng bayabas sa kaniya ay lumapit na siya sa babae. "Halika na, iha. Maligo ka muna bago ka umuwi. Gagamutin ko na din ang mga galos mo." Wika ni Lola dito habang pinapatayo ang babae. Ayaw pa nga nito sumama at mukhang may balak pa yatang magwala kaya hinatak na ito ni Lola papunta sa banyo para paliguan. Mukhang magiging mahirap ang gagawin ni Lola dahil kailangan ibabad sa clorox yon para matanggal ang libag sa katawan.

Matapos makaalis ni Lola ay nagsalita si Troye. "Mukhang taong gubat 'yong babae na yon no?" Tanong niya habang nakatingin sa direksyon ng banyo. Naririnig pa nga namin ang mga sigaw ni Lola sa babae dahil mukhang ayaw niya maligo.

"Mukha nga. Tignan mo baka kamag-anak mo 'yon." Sagot ko nalang kaya masama niya akong tinignan.

"Makatulog na nga lang ulit. Ikaw na bahala diyan na maglaga sa dayon ng bayabas. Bilisan mo at dalin mo kaagad kila Lola." Utos ng bwisit at naglakad na pabalik sa kwarto niya. Hindi na ako nabigla na hindi niya ako tutulungan sa paglalaga ng mga dahon ng bayabas na 'to.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon