Ramdam ko ang kirot sa tagiliran ko nang muli akong magkaroon ng ulirat. Bumungad sa mga mata ko makalat na kuwarto namin ni Troye. Wala na ako sa kalsada at liwanag na ng araw mula sa bintana ng kwarto namin ang bumungad sa'kin nang idinilat ko ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang panghihina dahil sa natamo kong saksak kagabi.
Inilibot ko ang tingin sa kwarto at puno ng pagtataka kung paano ako nakauwi dito sa bahay nila Lola. At 'yung nangyari kagabi...
Natigil ako sa malalim na pagi-isip nang mapansin ang pagpasok ni Troye sa kwarto. Rumehistro ang gulat sa mukha nito nang makitang gising na ako. "Lola, gising na po si Gray!" Bulalas niya at nagtatakbo ulit paalis para tawagin sila Lolo at Lola.
Pagkatapos ng ilang sandali ay muling pumasok si Troye sa kwarto at mabilis na lumapit sa gilid ng papag kung nasaan ako. "Hoy gago, ano bang nangyari sa inyo ni Jade kagabi?" Nagaalala niyang tanong. Pilit ko namang inisip ang nangyari kagabi. Dahil naman sa pagbanggit niya ng pangalan ni Jade at magkakasunod na bumalik sa isip ko ang nangyari.
Hinarang kami ng grupo ni April. Sinaksak ako ng kuya niya sa tagiliran. Si Jade...
"Nasaan si Jade?" Kaagad ay tanong ko sa kaniya nang maalala ko kung anong nangyari kay Jade kagabi.
Nanghihina man at unti-unti nang nawawalan ng ulirat kagabi, kitang kita ko ang pagpapalit ng anyo ni Jade kagabi bilang... taong lobo.
"Huwag mong alalahanin si Jade at ikaw naman ang nasaksak, tanga." Wika ni Troye.
Dahil hindi ko alam kung paano kami nakauwi kagabi ay kaagad na akong nagtanong sa kaniya. "Paano ako nakauwi ni Jade kagabi? Nasaan ba siya? Wala bang nangyaring masama sa kaniya?" Magkakasunod kong tanong dahil sa pagaalala.
"Ikaw nga ang dapat kung tanungin kung bakit ka duguan at walang malay kagabi? Si Jade naman buhat-buhat ka tapos sira-sira rin yung damit niya. Ano bang nangyari?" Seryoso niyang tanong at alam kong nag-aalala siya sa nangyari samin.
Dahil sa sinabi niya ay may maikling pang alalala ang pumasok sa isip bago ako tuluyang mawalan ng malay kagabi. Pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya kagabi ay napasubsob na ako sa lupa at nagaagaw-malay. Pero ramdam ko pa ang pag-angat ko sa lupa at tila may nakakagat sa damit ko na dahilan kaya ako umangat sa lupa.
Si Jade. Si Jade nga ang dahilan kung paano kami nakauwi kagabi.
Naputol naman ang pagu-usap namin Troye nang muling nabaling tingin namin sa pinto ng kwarto dahil pumasok d'on si Lolo at Lolo.
Kaagad silang lumapit sa akin. Hinaplos pa ni Lola ang pisngi ko.
"Diyos ko, sa wakas nagising ka na apo!" Bulalas ni Lola at bakas sa tono ng boses niya ang labis na pag-aalala. Umupo si Lola sa gilid ng papag kung saan ako nakahiga. "Ano bang nangyari inyo ha? Sinong may gawa sayo niyan?" Galit namang dagdag ni Lola habang nakaturo sa sugat sa tagiliran ko. May tela na na nakabalot sa bewang ko at mukhang nagamot na nila Lola.
"Oo nga, apo. Alalang-alala kaming lahat kagabi dahil duguan ka tapos si Jade nanaman sira-sira ang damit na suot. Ninakawan ba kayo?" Nag-aalala namang tanong ni Lolo na nakatayo sa gilid ni Lola.
Hindi ko naman pinansin ang mga tanong nila. Nandito na kaming lahat sa kwarto maliban sa isa. "Si Jade po?" Tanong ko. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakikita na ligtas siya.
Kung iisipin, ngayon alam ko na ang mga sagot sa mga tanong ko tungkol kay Jade na hindi pa nanasagot. 'Yung araw na nagtatakbo siya matapos makakita ng silver bullet na inaalok ng tindero sa palengke. Noong bigla nalamang niyang sinunggaban 'yung asong lobo sa kuweba.
Dapat ay hindi siya ang nasa isip ko. Dapat ay matakot 'din ako sa kaniya dahil sa nakita ko kagabi. Dapat ay lumayo ako sa kaniya ngayon katulad ng ginawa ko noon sa kuweba. Pero hindi ko kayang gawin.
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...