32

207 7 0
                                    


Dapat ay buma-byahe na kami sa pier kung saan namin hihintayin si Troye dahil 'yon ang napag-usapan namin. Na susunod kami kaagad sa kaniya para kapag dumating siya ay aalis na kaagad kami.

Pero sinisimulan palang namin ang plano ay pumalpak na kaagad kami na isakatuparan 'yon.

Hindi kasama sa plano namin ang mga pulis na nasa labas. Hindi 'din namin inaasahan ang pagdating ng mga ito.

Matapos maisara ang pinto ay mabilis ko 'yong ni-lock para hindi makapasok ang mga pulis dahil sa pagkataranta.

Kailangan naming gumawa ng paraan. Kailangan naming makalusot.

"Lolo, may mga pulis po sa labas." Wika ko kila Lolo na nagtataka akong tinignan dahil sa ginawa ko. Pinilit kong kumalma pero wala akong magawa kung hindi ang mag-panic.

Kaagad 'ding rumehistro sa mukha nila Lolo at Lola ang pagkabigla dahil sa pagkabigla.

Mas lalo kaming nataranta nang marinig na naming kumatok ang mga pulis sa pinto.

Hinawakan ko ang kamay ni Jade ng mahigpit na waring hindi alam na may mga pulis na sa labas para hulihin siya. Pilit kong pinapaniwala ang sarili na makakalusot kami. Na makakaalis kami ni Jade sa lugar na 'to.

Pero pwersahang pinapaglaho ng papalakas na mga katok ng mga pulis sa pinto ang pag-asa ko. Para akong nawawala sa sarili dahil sa sobrang pagkataranta. Hindi ako makagalaw dahil sa posisyon namin habang nakahingin lamang sa pinto na hindi nawawala ang pagkatok.

Bumalik lang ako sa katinuan nang hawakan ni Lolo ang balikat.

"Apo," Pagtawag niya sa'kin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Sa likod ng bahay kayo dumaan, dalian niyo." Madiin niya sabi.

"P-po?" Hindi nakikisama ang isip ko dahil sa pagpa-panic.

"Sa likod kayo ng bahay dumaan. Bilisan niyo na. Pumunta na kayo sa pier, sa pinsan mo, at umuwi na kayo sa Maynila. Apo, kilos na!" Untag niya sa'kin na hindi kaagad naproseso ng utak ko.

Kinain na ako ng pagkataranta kaya hindi na ako makapag-isip ng maayos.
Pero nang sigawan ulit ako ni Lolo at itulak palayo ay bumalik ang katinuan ko sa katawan. "Gray, kumilos ka na kung ayaw mong mahiwalay sa'yo si Jade!"

Muli akong nabuhayan ng lakas ng loob dahil sa ginawa ni Lolo.

Bago kami tuluyang umalis ay mahigpit kaming niyakap ni Lola. Hinalikan 'din niya kami ni Jade sa mga noo namin. "Mag-ingat kayo mga apo."

Muli pa akong tumingin kila Lolo at Lola, ayaw namin silang iwanan sa ganitong sitwasyon pero nang sinenyasan nila kaming umalis ay wala na kaming nagawa ni Jade kung hindi ang tumalikod sa kanila.

Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Jade at hinila siya para tumakbo kami ni palabas sa back door ng bahay.

Dahan-dahan kong binubuksan ang back door upang hindi kami makaagaw ng atensyon dahil tuluyan nang pinagbuksan nila Lolo ng pinto ang mga pulis.

"Officer, bakit napaka-aga niyo naman yatang manggulo sa bahay namin?" Narinig kong wika ni Lolo. Alam kong pilit na pinapakalma nila Lolo ang sarili nila sa pamamagitan ng pagbibiro. Pero bakas pa 'din ang sarcasm sa boses niya upang palabasin na galit siya sa napakagang pambubulabog ng mga ito.

"May nagsampa po ng reklamo tungkol sa apo ninyong babae," Rinig kong wika ng pulis. "Isuko niyo po ang apo ninyong babae dahil siya lang po ang pakay namin para po wala nang mangyaring gulo."

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon