Walang nangyari noong sinubukan kong turuan si Jade na sabihin ang pangalan niya noong nakaraang araw. Kaya ngayong araw, iba naman ang susubukukan kong ituro sa kaniya.
Bitbit ang isa sa mga plastic na binili ko kahapon sa palengke, dumiretso ako sa sala kung nasaan si Jade na nanonood lang TV.
"Jade, tayo ka diyan dali." Wika ko sa kaniya at hinatak na siya para tumayo. Tumingin siya sa'kin na tila nagtataka hhabang naglalakad kami papunta sa kusina kaya nginitian ko lang siya.
Halos kakagising lang naman namin kaya ngayon ang tamang oras para ituro sa kaniya ang plano kong ituro sa kaniya ngayong araw.
Nang makarating kami sa lababo ay inilabas ko na ang laman ng plastic. Tinignan lang ni Jade ang mga toothbrush at toothpaste na inilabas ko sa plastic pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
"Okay class, ngayong araw ay tuturuan ko kayo kung paano ang tamang pagsisipilyo." Wika ko gamit ang tono ng isang guro kahit si Jade lang naman ang kaharap ko. "Toothbrush tayo Jade para hindi maging kaamoy ni Troye ang mga hininga na'tin, okay? Ayaw mo namang magkaroon ng amoy ng pabango ni Troye sa bibig mo 'diba?" Sabi ko sa kaniya habang nakakatitig lang sa akin. "Ako 'din, ayoko. Kaya ngayon, kailangan mong matuto kung paano ang tamang pagtu-toothbrush."
Kinuha ko na ang bagong biling toothbrush para makapagsimula na kami. Bahagya ko 'tong binasa at parehong nilagyan ng toothpaste.
"Gagayahin mo ako, okay?" Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kaniya. Hawak ko na sa kamay ko ang gagamitin kong toothbrush kaya inilagay ko na 'din ang sa kaniya. Inayos ko pa 'yon sa kamay niya para makapag-toothbrush siya ng maayos. Ayoko namang mag-toothbrush siya gamit ang hawakan ng sipilyo.
"Ganito, Jade." Pagkuha ko sa atensyon niya at inilagay na sa bibig ko ang sipilyo. "Lagay mo sa bibig mo tapos brush ng left right left right." Pagbibigay ko ng direksyon sa kaniya. Napangiti naman ako dahil nakatingin siya sa ginagawa ko at mukhang nakikinig sa sinasabi ko.
Mas lalo akong napangiti nang nakatulong ang pagiging gaya-gaya niya ngayon dahil ginaya niya ang ginagawa ko. 'Yun nga lang, mabagal
ang ang pagto-toothbrush niya."Good job, Jade." Wika ko pa 'din at binigayan siya ng pat sa ulo at hinaplos ang buhok niya. "Okay, next,"
Para sa susunod na step ay kumuha ako ng dalawang baso at parehas 'yong nilagyan ng tubig.
"Ganito, mumog ka," Wika ko sa kaniya bago humigop na tubig sa hawak kong baso. Mimumog ko 'yon sa bibig ko ng ilang sandali bago idura sa lababo. "Tapos dura. Kuha mo?"
"Oh, ikaw." Para makasunod siya sa ginawa ko ay pinahigop ko siya sa basong para sa kaniya. "Ngayon, imumog mo." Sabi ko habang ginawa ko ang pagmumog kahit wala na akong tubig sa bibig.
Napabulalas nalang ako nang makita ko ang paglunok niya ng hinigop niyang tubig. "Hala baliw, bakit mo nilunok! Mumog lang sabi ko e." Wika ko at napatampal nalang sa noo ko.
Habang pino-problema ko ang pagtuturo ko kay Jade ng pagsisipilyo, isang mas malaking probema pa ang dumating sa kusina.
"Brush brush brush three times a day, brush brush brush to keep cavities away."
Napalingon kaming dalawa kay Troye dahil sa pagkanta niya. Nakatingin pa ito sa amin na parang nang-aasar.
"Nagtoothbrush naman kami, bakit may cavity pa dito? Kumakanta pa." Banat ko sa kaniya kaya masama niya akong tinignan. Dahil naaala kong palagi siyang umaalis na hindi ako sinasami ay hindi ko mapigilan na sumbatan siya. "Saan ka nanaman ba nagga-gala? Hindi mo ako sinasama, bwisit ka?"
Dahil naman sa sinabi ko ay kunot-noo niya 'kong tinapunan ng tingin. "Tanga, palagi kayong magkasama niyan e." Wika niya habang nakaturo kay Jade. "Kaya ako nalang magi-isa ang chicks. Sorry ka."
BINABASA MO ANG
Howling Moon
RomanceI. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need to live with them. She doesn't talk, she doesn't even tell them her name. So he gave her one; Jade...