03

487 35 6
                                    


Hindi mapigilan ng mga kamay ko na manginig habang natataranta akong bumaba ng tricycle para kaagad lumapit sa babae.

Nang tuluyang makalapit, yuyuko na sana ako para tignan ang lagay niya pero mabilis akong napatigil nang bigla na lamang idilat ng babae ang mga mata niya. Napaatras 'din ako ng bahagya dahil baka bigla nalamang siya tumayo sa pagkakahiga at bigla akong sakalin para i-chokeslam katulad ni Undertaker.

Tinignan ko lang ang babae. Idinilat nga niya ang mga mata niya pero hindi naman ito gumagalaw kaya hindi ko ulit mapigilan na kabahan.

"Miss, okay ka lang ba--Ang baho." Yumuko ako para i-check siya pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay napatakip na ako ng ilong ko dahil sa mabahong amoy. Mabaho si Troye pero mas malala ang isang 'to.

"Gray, mukhang taong grasa 'yan e, hayaan mo na 'yan. Hindi na'tin 'yan nabunggo, bigla nalang siya humiga sa kalsada." Bulong sakin ni Troye na nasa likod kaya kaagad ko siyang sinipa.

"Bakit ikaw, mukha kang taong grasa? Iniwan ba kita sa kalsada ha?" Sabi ko sa kaniya kaya nakatanggap ako ng pagbatok sa kaniya. Muli kong ibinaling atensyon ko sa babae. "Miss? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa babae pero diretso lang ako nitong tinignan. Napatingin ako kay Troye at napalunok dahil sa takot. "Troye, lagot tayo. Mukhang napuruhan ang utak nito."

Maging si Troye ay halatang kinakabahan 'din nang tumingin siya dito.

"Miss? Hoy babae!" Sigaw ni Troye sa babae pero tinitignan niya lang kami at hindi manlang kumukurap. "Oo nga, gago. Naparuhan yata 'yan, tara dalhin natin kay Lola at hindi naman natin alam ang hospital dito!"

Takot man na mapatay kami ni Lola sa nagawa namin, mas takot akong mamatay ang babaeng 'to dito na mabaho.

Dahil mabilis na umalis si Troye at bumalik sa tricycle ay masama ko siyang tinignan bago akayin ang babae.

"Miss, tara na." Hahawakan ko sana ang siya para akayin siya papunta sa tricycle pero bigla nalamang siyang tumingin sa akin kaya hindi ko mapigilan na magitla. Hindi ko 'din mapigilan na mapaatras ng bahagya dahil sa tingin niya sakin ay parang handa na siyang sumunggab.. "Sandali, chill. Kalma, ako lang 'to, si Natoy na mahal na mahal ka." Sinubukan ko na hindi siya takutin sa pag-approach ko sa kaniya. Pero sino namang niloloko ng isang 'to, ako nga ang dapat matakot sa kaniya dahil sa itsura niya.

Sinubukan kong tantsahin ang babae bago ko siya muling lapitan. "Tara na." Mahinahon kong wika habang mabagal na lumapit sa kaniya. Nang muli ko siyang hinawakan ay hindi na niya ako tinignan katulad kanina. Mabilis ko siyang inalalayan na tumayo at inalalayan para sumakay sa tricycle.

Takip ko ang ilong ko nang tumabi ako sa kaniya sa sidecar. Mabilis na pinaandar ni Troye ang tricycle pauwi kila Lola habang tinitiis ko na tatlong beses lang na huminga kada isang minuto.

"Gray, tignan mo kung humihinga pa 'yan." Malakas na sabi ni Troye sa sakin habang nagdadrive siya pabalik sa bahay ni Lola.

"Humihinga pa 'to, mabaho nga e." Sagot ko. Tinignan ko ang babae na ngayon ay nakatulala nanaman. "Oy, miss. Okay ka lang ba? 1+1?" Baling ko sa babae pero tinignan niya lang ako. "Hoy miss sumagot ka! Nagka-amnesia ka na ba? Ano pangalan mo? HOY SAGOT!"

Inalog-alog ko siya habang sumisigaw dahil mukhang hindi na kakayanin nang utak nito at tuluyan nang mabaliw. Mukhang napalakas ang untog nang ulo nito.

Ginawa ko nang alugin ang babae at baka sakaling bumalik ang utak nito sa dati nitong puwesto dahil baka na-gulo lang ang puwesto ng utak niya sa ulo pero wala namang nangyari. Nakatulala pa 'rin kapag tumititig sa akin.

Nag-isip ako ng ibang paraan hanggang sa may plano na pumasok sa utak ko. Oh, brilliant idea!

Nakatulala na siya sa harap ng tricycle kaya naghanda ako para gawin ang planong naisip. Humarap ako sa kaniya at hinampas ko ang ulo niya para sa pag-asang tumino ang pag-iisip niya pero napasigaw ako nang bigla niya akong kagatin sa braso.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon