27

193 16 0
                                    

Nabato ako sa kinatatayuan dahil sa sobrang gulat. Hindi ako makapaniwala habang unti-unting kong nakikita ang pagbagsak ng tanod sa lupa. Puno ng sarili nitong dugo ang paligid kung saan siya na tumamba. Para akong nanghina sa nakita. Si Jade, ito ang unang pagkakataon kong makita na gawin ito ni Jade.

"D-demonyo!" Walang nagawa ang asa ng kapitan kung hindi ang mapatili.

Hindi na nakatapak si Roman sa ulo ko dahil napaatras 'din siya sa nakita. Kaagad kong binawi ang sarili ko sa gulat at ginamit ang pagkakataon na 'yon para piliting tumayo.

Pero hindi pa tuluyang nakakatayo, mukhang nakabawi na din sa gulat si Roman dahil narinig ko ang pagtunog ng tranquilizer na hawak niya niya tanda ng pagbaril niya gamit 'yon.

Si Jade ang una kong tinignan kaya kitang kita ko ang pagtama ng bala ng tranquilizer sa braso niya. Hindi pa tumigil si Roman at muling binaril ng pampatulog si Jade. Tumama naman 'yon sa leeg ni Jade.

Tila hindi naman natinag si Jade sa mga pampaptulog na tumama sa kaniya. Kaagad niyang tinanggal ang bala ng tranquilizer sa braso at sa leeg niya at galit na tumingin kay Roman na siyang bumaril sa kaniya.

Mabilis naman na kumilos si Jade. Sa sobrang bilis niyang kumilos ay hindi na siya nasundan ng mga mata ko.

Kaagad kong inilibot ang tingin at nagulat na sa isang iglap ay sakal sakal na niya si Rey na nahihirapan ng ngayong huminga.

"Anak!" Dahil sa sigaw na 'yon ay kaagad akong napatingin sa nanay ni Roman. Sa oras na dumapo ang tingin ko sa kaniya ay siya namang pagpapaputok niya ng baril na nakatutok kay Jade kaya ako naman ang napabulalas.

"Jade!" Sigaw ko sa pangalan niya para ipaalam na sa kaniya nakatutok  ang putok ng baril. Kasunod ng sigaw ko ang malakas ng tunog ng totoong bala ng baril na dumaplis sa braso ni Jade.

Napakabilis ng mga nangyayari dahil matapos matamaan ng bala si Jade sa braso ay nakita ko nalang na lumilipad na sa ere si Roman papunta sa direksyon ng nanay niya dahilan para pareho silang matumba sa lupa nang tuluyang lumanding si Roman.

Hindi na din nag-aksya ng oras sa panonood ang kapitan. "Patayin ang halimaw na 'yan!" Malakas ns sigaw ng kapitan kasunod ng pagpapaputok ng mga tanod ng hawak nilang baril.

Mabilis na kumilos si Jade para iwasan ang mga ito. At sa isang kisap-mata ay nakita ko nalamang na nakatumba ang lahat ng tanod dahil sa pag-atake ni Jade gamit ang sobrang bilis niyang paggalaw.

Nakatumba na sa lupa ang lahat ng taong kanina lang ay sinisindak kami dahil sa hawak nilang mga baril. Mga nakatumba na sila sa lupa, dumadaing ng sakit ng katawan. Ang isa'y duguan at mukhang wala nang malay.

Kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon na tuluyang bumangon at pumunta sa gawi ni Jade na malalim ang mga paghinga.

Hindi ako makapaniwala sa nakita nang makalapit ako sa kaniya.
Kung noong unang pagkakataon ay ang pagpapalit anyo lang ni Jade bilang isang taong lobo ang nasaksihan ko, ngayon ay mukhang masasaksihan ko rin ang pagiging tao niya sa ilalim ng buwan na unti-unti nang natatabunan ng mga makakapal na ulap.

"Jade," Pagtawag ko sa kaniya nang makarating ako sa harap niya. Halatang nanghihina na siya dahil sa malalim niyang paghinga.

"Gray, apo!" Kaagad naman akong napalingon dahil sa sigaw na 'yon. "Tara na, umalis na tayo dito!" Sigaw ni Lolo na nakasakay na ngayon sa driver seat ng isang patrol car. Nakasakay na 'din sa patrol car sila Lola at Troye. Habang nakatingin sa akin kanila ay hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila sa nasaksihan. Pero wala akong nakita tungkol d'on, ang reaksyon nila sa mukha ay ang pagpapabilis sakin para maakalis na kami sa lugar na ito.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon