19

235 17 0
                                    


Hindi dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, hindi 'din dahil sa tilaok ng manok dahil inulam na namin 'yung manok nila Lolo noong isang araw. Nagising ako dahil ang buong akala ko ay naging totoo ang sinabi ng tinderang babae sa palengke kahapon at may sakuna nang nangyayari.

Rinig na rinig kasi dito sa kwarto ang  mataginting na wala sa tonong tunog ng strings na mula sa gitara. May kumakanta 'din na katulad ng gitara ay wala sa tono na na mukhang nagmula pa sa ilalim ng lupa kaya hindi mapigilang magtaasan ng mga balahibo ko sa mga braso ko, sa batok ko, maging mga balahibo ko sa singit.

"Gago naman!" Iritado kong bulalas dahil tuloy-tuloy ang pagkanta ng lamang lupa sa lumabas.

Bwisit akong bumangon at gigil na nagkusot ng mga mata ko para tuluyan akong magising.

Kaagad akong lumabas ng kwarto para kumprontahin ang naggigitara na 'yon na alam ko namang si Troye. Nang makalabas ako ng kwarto ay sakto naman ang bigla niyang pagbirit sa kinakanta niya kaya kaagad ko siyang sinigawan para isalba ang mga salamin na mababasag sa bahay at mga eardrums namin dahil sa boses niya.

"Hoy, tumigil ka nga!" Sigaw ko sa kaniya kaya naman napatigil siya at sinamaan ako ng tingin. "Akala ko end of the world na dahil sa boses mo, bwisit." Sita ko pa sa kaniya at tinapatan ang masama niyang tingin.

"Pakialam mo ba? Tumutugtog ako dito e, paepal ka talagang bwisit ka." Bwelta niya.

"Hindi ka tumutugtog, nag-iingay ka lang." Banat ko pa. Napansin ko naman ang paglabas ni Jade sa kwarto niya na dumiretso sa kusina at mukhang nagising din sa ingay ni Troye. "Kita mo na? Ikaw talaga panira ka ng umaga e, dagdag mo pa 'yang boses mong nakaka-trauma."

"Gago ka, kapag ikaw hinampas ko na gitara hindi ka mato-trauma, maco-coma ka." Banta niya sabay akma ng hampas ng gitara sakin.

"Hindi ka nakakatawa, bobo!" Sigaw ko sa kaniya habang nakatingin ng masama sa kaniya. "Akala mo naman nakakatawa 'yang joke mong pambobo!" Dagdag ko pang sigaw.

Napatigil naman kami nang pumasok si Lolo mula sa front door.  Mukhang may ginagawa siya sa labas at naririnig ang sigawan namin ni Troye.

"Mga apo, bakit kayo nagsisigawan diyan? Para kayong nasisiraan ng ulo, sigaw kayo ng sigaw magkaharap lang naman kayo." Sita naman niya sa'kin pagkapasok.

Kaagad naman akong umiling para magpalusot at hindi siya magalit. "Wala po 'Lo, sumisigaw lang po kami para malinaw po namin malaman kung sino ang may pinakapangit na mukha sa'ming dalawa. Troye, sige na ikaw na panalo." Sagot ko kay Lolo at pilit na tumawa kaya nagtataka niya akong tinignan. "Sali ka ulit sa isa pang round, 'Lo?"

Napa-iling nalang si Lolo dahil sa pinapagsabi ko. "Sige kayo nalang. Mga bata kayo, puro kayo kalokohan."
Wika nalang ni Lolo at umalis dahil sa konsumisyon.

Nang makaalis si Lolo ay naiwan ulit kami ni Troye na dalawa. Muli sana akong magsasalita para inisin siya pero nang lumingon siya sa'kin ay nakahanda na ang gitarang hawak niya para ihampas sa'kin sakaling magsalita ulit ako.

"Sige, magsalita ka pa at hahampasin kita nito." Aniya habang nanlalaki ang mata na nakahandang ihampas sakin ang gitara.

"Gago, ihahampas mo pala sakin 'yang gitara kapag nagsalita ako e bakit ako magsasalita." Sagot ko naman pero nang pumasok sa isip ko na nagsalita din ako ay mabilis akong kumaripas ng takbo paalis bago pa ako hambalusin ng gitara ni Troye.

Dumiretso ako sa kusina para sana maghilamos at mag-ayos ng sarili.

Pero nang makarating naman sa kusina ay naabutan ko si Jade na nakita kong lumabas  sa kwarto kanina dahil sa pagi-ingay ni Troye. Nakita ko siyang nakatayo sa likod-bahay mula sa nakabukas na back door kaya kunot noo akong lumapit sa kaniya.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon