13

246 19 2
                                    


Sinulit namin nila Troye at Jade ang ganda ng natatagong ganda ng Northwoods. Dahil picture perfect ang talon na nasa harap namin ay hindi ka tumitigil na kumuha nang kumuha ng litrato nito. Kagaya ni Troye na feel na feel ang pagse-selfie ay nag-selfie 'din kami ni Jade ng maraming beses. Hindi naman kami makapagtampisaw sa tubig ng falls dahil nakasapatos kaming lahat. Kaya para ma-feel ang tubig ng talon ay umupo kami sa malaking bato sa gilid kung saan umaagos ang tubig at pingtampisaw ang mga kamay namin. May mga isda pa nga kami na nakikita dahil sa sobrang linaw tubig.

"Jade, tignan mo 'yung isdang lumalangoy." Natutuwa kong wika kau Jade habang nakaturo sa isdang naglalangoy lang sa gilid namin. Nabigla naman ako ng akma niyang dadakmain ang isda pero naging alisto naman ako na pigilan siya dahil malulublob siya sa tubig kapag natuloy ang paghuli niya sa isda. "Hoy,  mababasa ka. Baliw ka talaga." Sita ko sa kaniya at hindi mapigilan na matawa.

"Puwede bang inumin ang tubig ng waterfalls na 'to?" Narinig kong tanong ni Troye na kagaya namin ni Jade ay nakaupo sa bato sa gilid ng talon kaya napalingon ako sa kaniya.

"Depende kung nginunguya mo ang tubig." Pambi-bwisit na sagot ko sa kaniya kaya kaagad naging matalim ang tingin niya sa'kin.

"Hindi na ako nakakuha ng matinong sagot sa'yong bwisit ka." Naiinis niya sabi kaya hindi ko nalang napigilan na humalakhak.

Nagtagal kami ng ilang oras sa gilid ng waterfalls sa gubat. Tinanggal ko ang lahat ng stress ko dahil kay Troye habang nagmumuni-muni. Walang maririnig sa tahimik na gubat kung hindi ang mga lagaslas ng tubig ng talon. Pati na 'rin ang minsang pagkanta ng bwisit na si Troye.

"Kanta ka nang kanta Troye, mamaya naka-feature ka na sa KMJS dahil sasabihin nila nakakarinig sila ng pagkanta ng engkanto sa gubat." Wika  ko kay Troye habang pinipigilan ang pagtawa.

"Oo nga 'no?" Aniya naman at maging siya ay natawa dahil sa sinabi ko. Akala niya siguro sinabi ko sa kaniya 'yon kasi masyadong tanga ang ibang tao nakarinig lang o nakakita ng kung ano, kababalaghan na kaagad. 'Di niya alam na sinabi ko 'yon kasi boses lamang lupa siya. Tanga.

Matapos ang ilang oras na pamamalagi sa gilid ng talon ay napagpasyahan na naming magsitayuan para umalis. Pinatayo ko na 'din si Jade na mukhang ayaw pa umalis.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Troye kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Tanga. Ano ginawa mo dito, nagpunta lang para magpicture kasama ang falls para pang-profile picture?" Sita ko sa kaniya at inilibot ng tingin ang mga mata sa paligid ng falls. "'Diba sabi ni Lolo may kuweba na malapit dito na may tubig na kumikinang sa sobrang linis? Hanapin na natin para masulit ang pagpunta natin dito."

"Eh, alam mo ba kung nasaan yung kweba na sinasabi ni Lolo?" Tanong naman niya kaya bagot ko siyang tinignan.

"Kapag ba hahanapin mo alam mo kung nasaan?" Sa halip ay tanong ko kaya napakunot ang noo niya.

"Bakit nagtatagu-taguan ba tayo ng kweba at tayo ang taya?" Aniya, takang-taka halatang tanga.

"Alam mo Troye, huwag mo muna ako kausapin at baka maubos ang braincells ko dahil sa'yo." Bagot kong wika sa kaniya kaya matalim niya akong tinignan. "Mata mo nalang muna ang pagganahin mo dahil 'yung utak mo may aberya."

"Gago." Bulalas niya at inakmaan ako ng suntok. "Tara na nga at hanapin na natin para makauwi na kaagad tayo!"

Katulad ng sinabi ni Lolo kanina na malapit lang ang kweba sa talon kung saan kami nanggaling ay nilibot namin ang paligid ng falls. Nakarating na kami kung saan-saan, medyo malayo na ang hinanapan namin pero wala naman kaming kuweba na nakita. Matagal kaming naghanap-hanap at naglakad-lakad pero hindi pa 'rin namin nakita ang kweba na sinasabi ni Lolo.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon