EPILOGUE

462 21 6
                                    

Sa hindi malamang dahilan, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso habang pinapanood ko ang unti-unting paglapit ng ferry kung saan ako nakasakay sa daungan ng pier. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan lalo na nang tuluyan nang dumaong ang ferry.

"We have arrived to our destination! Welcome to the island of Northwoods everyone!" Sigaw ng isang staff sa mikropono. Pamilyar. Parang narinig ko na ang mga salitang binaggit niya noon.

Matapos i-aanounce na nakarating na kami sa destinasyon ng ferry ay mas bumilis ang tibok ng puso. Hindi ako mapakali. Dahil ba ito sa tagal na hindi ako nakapunta sa lugar na ito?

Nagsimula nang magsibabaan ang mga sakay ng ferry. Upang makababa ay na 'din ay isinukbit ko na ang bag na dala ko sa mga balikat bago ako tuluyanh bumaba ng ferry katulad ng iba.

Nangyari na ito noon. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na kasama si Troye. Ako lang mag-isa ay nagpunta sa isla. At sa pagkakataon 'din na ito ay hindi ako masusundo nila Lolo at Lola.

Naglakad-lakad ako sa pier. Hindi ko alam kung may pinagbago ito dahil bukod sa hindi na ako nag-abala na ikutin ng tingin ang lugar na ito noon, masyado akong walang pakialam sa mga bagay na nasa paligid ko noon dahil sa sobrang pagod ko sa biyahe noong araw na 'yon.

Hindi na ko naghintay ng pagdating nila Lolo at Lola katulad noon, dahil katulad ng sinabi ko ay hindi nila ako masusundo. Walang pupugpog sa akin ng halik katulad ng ginawa sa akin ni Lola noon, walang magtatanong ng edad ko katulad noon.

Dahil walang susundo sa akin ay dumiretso na ako sa tolda ng tricycle para may masakyan ako papunta sa lupain nila Lolo't Lola.

Madaming nag-iba sa pagkakataong ito pero hindi katulad noon, inililibot ko ang tingin ko sa buong paligid habang bumabyahe ang tricycle na sinasakyan ko.

Habang inililibot ang tingin sa paligid ay hindi ko mawari kung may pinagbago ba ang lugar. Masyado nang matagal na panahon ang lumipas kaya hindi na malinaw sa isip ko ang itsura ng lugar. Hindi ko na maalala ang itsura nito noong umalis ako.

Masyado akong nage-enjoy sa pagtingin sa paligid kaya hindi ko na napansin na nakarating na pala kami. Huminto na ang tricycle kaya mabilis akong bumaba at nagbayad.

Sa oras na tignan ko ang bahay sa harap ko ay ang pagbabalik ng mga memorya ko dito. Hindi pa ko nakakatapak sa loob, nandito pa ako sa labas ng bakuran pero binabaha na ako ng mga alaala.

Kaagad na nakuha ng isang sign sa labas ng bakuran ang pansin ko. Sign na siyang dahilan kung bakit ako bumalik dito.

'HOUSE AND LOT FOR SALE.'

Wala nang nakatira sa bahay sa harap ko. Simula noong umalis kami sa Northwoods ay hindi ulit pa bumalik sila Lolo at Lola dito. Napagpasyahan na nila na sa Manila manirahan base na 'din sa desisyon ng mga anak nila.

Dahil d'on, napagpasyahan na nila na ibenta ang buong lupain na ito. Dala ko na ang mga papeles at nandito ako dahil maya-maya lang ay dadating na ang bibili sa lupain na ito. Oras kasi na marinig ko ang tungkol sa araw na ito ang araw na ipagbibili ang lupain na ito ay kaagad akong nag-prisinta para pumunta at pumira sa kontrata. Kahit sa huling beses man lang ay mabalikan ko ang mga ala-ala sa lugar
kung saan ito naganap.

Nakatutok lang ang tingin ko sa bahay nang mapagdesisyunan ko nang pumasok dito. Malakas pa 'din ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Huminga pa ako ng malalim bago ako ng maglakad papasok sa bakuran ng bahay.

Sampung taon.

Hindi ako makapaniwala na sampung taon na ang nakalipas noong huli akong nakatapak sa lupa na ito kung saan nagsimula ang lahat.

Howling MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon