Chapter 1

360 9 0
                                    

JANESSA's POINT OF VIEW ★

Toinks!

"Aw Sapol!" Sigaw ng mga lalakeng naglalaro ng basketball sa court na nadaanan ko matapos akong tamaan ng bola sa ulo.

Letche! Nasaan na ba kasi ang boarding house na 'yon? Kanina pa ako paikot-ikot dito pero hindi ko pa rin makita.

Haysttt!

"Ale, pwede ho bang magtanong?" Tanong ko sa isang babaeng nakita kong nagwawalis sa tapat ng upahang bahay na yon.

''Ano iyon iha?" Tanong niya sakin.

"Dito ho ba ang boarding house ni aleng Fely? Kanina pa po kasi ako paikot-ikot dito e hindi ko po matagpuan."

"Iha dito nga iyon." Gulat na sambit niya, "Ikaw ba iyong tumawag sa akin kahapon? Kanina pa kita hinihintay, halika pasok ka na sa loob at ipapakita ko sayo ang tutuluyan mo." Yaya ni aling Fely sa akin.

"Pasensya na ho aling Fely kung nag hintay kayo, hindi ko po kasi agad natagpuan itong bahay niyo e. " Paliwanag ko

Wow! Saktong-sakto lang pala para sa akin 'tong kwarto na to.

"Maraming salamat po aling Fely."

"Walang anuman iyon iha atsaka Tita Fely na lang ang ang itawag mo sa akin, masyadong matanda pakinggan kapag aling Fely e." Nagtawanan kaming dalawa.

"Oh sige iha, maiwan na kita dito, ikaw na ang bahala ha, nandoon lang naman ang bahay ko sa kabila kung may kailangan ka." Sabi ni tita sa akin

"Sige ho maraming salamat po."

    Hello everyone, kanina pa pala ako salita ng salita dito pero hindi niyo pa pala ako kilala. Ako nga pala si JANESSA FUENTABELLA, 20 years old at ako ay maganda! HAHAHUHU pero ako lang ang nakaka alam hihi.

 Nag-aayos ako ng mga gamit ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hoy babae!" Sigaw ng tumawag sa 'kin, si Kheiara 'yon bestfriend ko.

Bakit kaya napatawag 'to?

''Hoy babaeng mukhang bakla!" Sigaw ko din sa kanya.

"Ay grave siya oh, mukhang bakla pero maganda HAHAHA hmmm aminin, Maganda ako 'no? Maganda? " Pamimilit pa niya.

"OO, maganda ka pero kapag madilim HAHAHA!"  panigurado nakasimangot 'to.

"Bakit ka ba napatawag?" Tanong ko, "Nag-aayos ako ng bahay e alam mo namang kakalipat ko lang."

"Ipapa-alala ko lang sayo, bukas tayo mag-eenroll baka naman makalimutan mo pa, Naku! Tatamaan ka talaga sa akin, kita na lang tayo bukas ha? Tinatawag na ako ni Mommy, sige bye!" Sabay baba ng phone.

Aba! Loko yun ah, hindi pa nga ako nagsasalita binaba na kaagad, Naku! naku! naku! Bahala siya.

* End of Chapter 1 *

A/N : Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading mga dyosa! Keep rockin'!

      >🎸
 

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon