Chapter 45

63 2 0
                                    

CHAPTER 45

ANDREW POV

Thank you Lord , marami ang nangyaring maganda sa buhay ko , sinagot na ako ng babaeng Mahal ko. Medyo nalungkot lang ako nung gabi kasi naalala ko na Birthday ko pala tapos wala manlang bumati sa akin . Sa sobrang pag iisip ko kung paano tatanungin si Nessa na maging girlfriend siya e nakalimutan kong Birthday ko nga pala. Hindi ko naman akalaing may pasurprise pala sila.

Pasukan na ulit , makikita ko na ulit ang girlfriend ko

" Good morning tend ko , sunduin kita dyan ha ' Sabi ko ng tinawagan ko si Nessa

" Good morning din , Sige. Dito na ako sa bahay nila mommy nakatira ' sagot niya

Lumipat na pala siya ?

" Sige , punta na ako dyan ' Sabi ko at nag drive na papunta sa bahay nila.

" Good morning po Tito at Tita ' bati ko kila tita Janice

" Good morning iho , si Nessa bababa na yun ' Sabi ni tita Janice sa akin

Nakita kong pababa na si Nessa , ang ganda talaga ng girlfriend ko.

" Good morning ' bati ko sa kanya at nagbeso pa

" Good morning din "

" Mommy pasok na po kame ' paalam ni Nessa kila tita

" Sige anak , mag iingat Kayo. Drew , Ikaw na ang bahala dito sa anak ko ha ' Sabi ni Tito Dominic sa akin

" Opo Tito ' sagot ko at lumabas na kame ng bahay , sumakay ng kotse at nag drive na papuntang school.

Pagdating namin ng school ay dumeretso kame ng canteen para kumain.

" Good morning po miss janessa ' bati sa kanya ng mga tindera sa canteen

" Good morning po ' Sabi niya at ngumiti

" Anong gusto mo tend ko ? Tanong niya

" Ikaw , ikaw yung gusto ko e ' Sabi ko at ginulo ang buhok niya

Ngumiti siya ' loko !

* KRING KRING *

" Hello tol . Oo andito kame sa canteen , Sige punta na lang kayo dito kakain din kame ' Sabi ko  hinahanap kasi nila kame

Umupo kame at hinintay sila Lester

" Hi Nessa , kakain din ba Kayo ? ' tanong ni Eunice na kararating lang kasama si john

'' Oo , Tara dito tayo sama sama na tayo dito sa isang table ' sagot ni Nessa

" Hi guys '  bati ni Kheiara sa amin

" Late ka ? Tanong ni Nessa

" Hindi , bumalik Lang ako kasi naiwan ko report ko ' sagot ni Kheiara

Kumain na kame at kwentuhan saglit bago magsimula ang first class namin .

" Guys , pasok na tayo parating na si Ms Ramirez ' sabi ni Eunice Kaya dumeretso na kame sa room at nagklase na.

Nangangalahati pa lamang ang klase ng may dumating na lalaki at inexcused si Nessa , bakit kaya Sino yun ?

" Miss Fuentabella , excuse ka saglit ' Sabi ni Prof Ramirez

Lumabas na si Nessa at kinausap ang lalaki

" ANO ? Sabi niya nakasimangot siya at galit , beastmode na naman girlfriend ko ah.  Kakatapos lang ng klase namin ay lumabas na agad si Nessa at pumunta sa tambayan , si coach Mark yun ah ? Akong nangyari sa kanya , bakit may mga sugat siya ?

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon