Chapter 41

60 4 0
                                    

CHAPTER 41

KEVIN POV

" Palabasin niyo ko dito " sigaw ko habang kinakalampag ang pinto ng kwartong pinag kulungan sa akin.  Simula nung may kumidnap sa akin sa may school e hindi na ako nakakapasok dahil hindi ako makalabas sa kwartong Ito.

Tama nga ako , si daddy ang nagpakidnap sa akin at yung mga nakalaban namin sa basketball ang kumuha sa akin

Ilang araw na ang lumipas , pasko at bagong taon pero andito pa din ako.

" Oo papunta na kame jan " rinig kong sabi ni daddy
" Kasama ko lahat ng tauhan ko , kelangan nating mag usap para sa mga plano " Sabi pa niya

Kelangan kong makatakas dito , Sana walang bantay sa labas para makaalis ako agad pero paano e nakalock ang mga pinto ?

Wala na akong naririnig na ingay ng mga tao , Wala na yatang tao dito maliban sa akin

* Tok tok tok tok *

Napatayo ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

" Sir kevin , sir Kevin " tawag niya sa akin

' Yaya ? Buksan niyo po ang pinto ' Sabi ko

" Sandali lang iho , kukunin ko lang ang Susi ng kwarto mo " sagot niya

Nakahinga ako ng maluwag ng mabuksan ang pinto , niyakap ko si Yaya
" Thank you po , Yaya umalis na tayo dito tumakas na tayo hangga't Wala pa si daddy " Sabi ko

' pero sir Kevin nakalock po ang lahat ng pinto pati na rin mga bintana , itong Susi lang po ng kwarto niyo ang naiwan sa akin ' Sabi ni Yaya

Napakamalas na buhay talaga ito. " Ipaghahanda ko na lang po kayo ng pagkain " Sabi ni Yaya at pumunta na ng kusina habang ako naman ay naghahanap ng pwedeng daanan.  Sarado nga lahat at may guard pa sa labas.

Bakit ba ako kinulong ni daddy ? Dahil ba natalo ang mga tauhan Niya o baka dahil magsumbong ako sa mga pulis dahil sa organisasyon nila.

" Sumunod ka na lang sa daddy mo iho , matagal ko ng alam ang tungkol sa trabaho niya hindi lang ako nagsasalita dahil alam kong kapag ginawa ko yun ay idadamay niya ang pamilya ko " maluha luhang Sabi ni manang sa akin

Kumain na ako , Yung Kain ko na gutom na gutom para bang ilang araw akong hindi kumain.

Tumayo ako at pilit naghanap ng madadaanan , sa labas nakalock kaya diko mabuksan

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Yaya , nagpahinga na siguro dahil alam niyang wala naman talaga kameng pwedeng labasan dito.

Binuksan ko ang lahat ng mga kwarto at naghanap ng mga pwedeng maging ebidensiya. Lahat ay napuntahan ko na isa na lang ang hindi , ang opisina ni daddy.

Ginalaw galaw ko ang doorknob , hindi nakalock kaya't pumasok ako. Sobrang daming papel na nakakalat dito.
Mga listahan ng taong papatayin nila.
Hanap dito , hanap doon ang ginawa ko.

Binuksan ko din ang laptop na naiwan ni daddy na nakabukas sa ibabaw ng lamesa. Si coach Mark ? May organisasyon din siya ?

Mas Lalo akong nacurios kaya binuksan ko ang mga files , Kaya pala galit na galit si daddy ay dahil lahat ng masama nilang gawain ay nahaharang nila coach Mark. Ang organisasyon nila coach Mark ang nagliligtas kapag may hindi magandang ginawa ang mga tauhan ni daddy.

Yun ba yung sinabi ni Nessa Kay coach Mark dati kaya siya nagalit sa kausap niya ?
Naghanap pa ako sa mga drawer ni daddy at pagbuklat ko ng isang folder , nakita ko ang picture ni. . . . Bakit siya kasama sa mga ipapadukot ni daddy ? Siya ba ang matagal ng pinapahanap ni daddy ? Kelangan ko tong sabihin sa kanya , kelangan niyang malaman ang lahat ng plano ni daddy

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon