Chapter 27

68 2 0
                                    

CHAPTER 27

ANDREW POV

Nanatili lang kame sa ganoong pwesto. Nakatingin pa din ako sa kanya.

" N-nabigla ka ba ? Sorry ! Hindi ko na kasi mapigilan ang nararamdaman ko. " Sabi ko

' O-okay lang , Hindi ko naman hawak ang puso mo. Wala akong magagawa kung yun ang nararamdaman mo. ' sagot niya
" S-so , payag ka nga na liligawan kita ? " Tanong kong excited na kinakabahan sa magiging sagot niya.

' O-oo , S-sige ' pero wag ka munang umasa na sasagutin Kita agad. Just prove me that you love me , sa tingin ko naman e hindi ka mahirap mahalin. Alam mo naman ang pinagdaanan natin pareho.' Sabi niya
" Talaga Nessa ? Pumapayag ka ? Thank you ! Sabi ko at niyakap ko ulit siya.
' at isa pa ' Sabi niya at napabitaw ako " ano yun ?" tanong ko
' tigilan mo ang kakayakap sa akin , hindi ako makahinga e ' Sabi niya at napatungo ako sa hiya
" Oo , S-sorry. Yun nalang ang nasabi ko

Pagbaba namin ng hot air balloon ay may lumapit sa amin na babae
" Ma'am Sir " picturan ko ho kayo jan para remembrance sabi niya at pumwesto kame sa tabi ng malaking hot air balloon na hugis puso.

' uuwi na ba tayo ? ' tanong niya pagsakay namin ng kotse
" Kung gusto mo na umuwi , uuwi na tayo pero kung hindi pa. Punta muna tayo sa mall dito" Sabi ko
' Sige , Ikaw bahala ' sagot niya pero sa labas nakatingin

Ramdam kong naiilang siya sa akin.
" Nessa , Kilala mo ang kapatid ko diba ? Tanong ko
Wala akong maisip na ibang topic e gusto ko pa siyang makausap.

' oo , kaibigan ko siya. Bakit ? ' tanong din niya
" Ah diba may banda sila ? Kilala mo ba yung babaeng nakamask ? Tanong ko sa kanya at dahan dahan siyang napatingin sa akin
' Bakit mo tinatanong ? Gusto mo ba siyang makilala ? ' tanong niya

Hala ! Bakit ko pa ba natanung yun , nagseselos ba siya kaya ganun reaction niya ?

" Ah nagagalingan lang ako sa kanya. Magaling siyang kumanta e diba ? Parang Ikaw , medyo magkaboses nga kayo e " sagot ko at nakita ko siyang napalunok

' ah e , andito na tayo oh ' pag iiba niya ng topic. Bakit Kaya ?

Pumasok na kame ng mall at dumeretso agad sa arcade
" Basketball tayo " Sabi ko at nag nod lang siya
' ako na ang bibili ng token ' Sabi niya

" Paramihan tayo ng score " sabi ko
Natawa lang siya na para bang sinasabi niya na matatalo niya lang ako

' matatalo ka lang sa akin ' Sabi niya
Sinasabi ko na nga ba e
" Okay lang matalo ako Basta panalo ako sa puso mo " Sabi ko at ngumiti
' corny mo ' Sabi niya sabay palo sa braso ko

Nagstart na kame maglaro , ako muna ang tumira puro shoot nung una pero nung malapit na matapos ang oras ay puro sablay na. 100 lang yung score ko

' ako naman , watch and learn ' Sabi niya at itinuro pa ang mata niya at ang mata ko.

' and Go ! Nagstart na din siya mag shoot ng bola. Napanganga ako dahil sa bilis ng pagshoot Niya ng bola. Ilang minuto palang pero kalahati na agad ng score ko ang score niya. Puro pasok at walang sablay. Napakalupet ! Game over ! 200 agad ?

" Ang galing mo talaga " Sabi ko
' Sabi ko naman sayo e ' Sabi niya sa akin at umirap pa kunwari na para bang inaasar pa ako

Kain muna tayo bago umuwi " Sabi ko
' malayo pa ang byahe natin e .
' Sige , 5:00 na oh ! Gagabihin na tayo sa daan. ' Sabi niya

Pagkatapos namin kumain ay nagbyahe na agad kame pabalik sa Manila. Medyo traffic pa sa daan kaya nag iba kame ng way. May daan naman ditong iba e.

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon