"Tao po, dito pa po ba nakatira si Flor?" tanong ng isang babaeng sa ayos at tindig pa lang ay alam mo ng may kaya sa buhay.
"Sinong Flor ang hinahanap niyo ginang?" tanong ng matandang nakatambay sa katabing tindahan."Si Melaflor Perez ho, dito pa ba siya nakatira?" Tanong ng ginang
" Ay oo, d'yan pa rin nakatira si Flor , hintayin mo lalabas din yan." Sabi ng matanda
* Tok tok tok *
"Sandali lang." sabi ng babaeng nasa loob ng bahay.
Bumukas ang pinto.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ng babae
"Ate Flor."
"J-Janice? I-Ikaw na ba yan? "
"Oo ate, namiss kita. Kumusta kayo? " mangiyak ngiyak na tanong ni Janice
"Okay lang kame kahit papaano nakakaraos kahit mahirap ang buhay." sagot ni Flor
"Nasaan siya ate? Gustong gusto ko na siyang makita, Maganda ba siya? Magkamukha ba kame? halos 20 years din akong hindi nakauwi, Miss na miss ko na siya, nagkita na kami ng Papa niya nagsasama kame matagal na, pwede mo ba siyang tawagin ate? Nandyan ba siya sa loob?" excited pero kinakabahang sabi ni Janice
" S-Sorry janice, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya."
ANDREW's POV
" Kalimutan mo na yan , Sige sige maglibang, h'wag ng magpakahibang dapat ay itawa lang ang problema sa babae dapat 'di iniinda hayaan mo sila na maghabol sayo ' di ba? "
Kanina pa yan kinakanta ng tropa ko, paulit-ulit na lang, tsk.
"Hayaan mo sila na maghabol sayo? eh pano ako hahabulin nun e may mahal na nga siyang iba." Sabi ko
" HAHAHA! " tawanan nila.
''Walwal tayo sa friday doon sa bar na bagong bukas." sabi ko
"Sige 'tol, dadamayan ka namin, basta may alak may pusong wasak." pang-aasar pa nila.
Friday night.
''Sa'n ang lakad mo? " tanong ko sa kapatid ko
"Kuya, may gig ako ngayon kasama ang mga ka-banda ko, ikaw saan ka pupunta?" tanong ni Drea
"Lalabas lang kame nila Lester, pupunta kame sa bagong bukas na bar doon, nagpaalam na ako kina Mommy, mamaya magsumbong ka na naman niyan e. "
'' Hindi kaya ako nagsusumbong bro, sabay na ako sayo doon din kame tutugtog e 'wag kang mag-alala nagsabi na din ako kay Mommy at Daddy." sabi ni Andrea
-
''Wazzup 'tol, ano? Tara simulan na natin. HAHAHA!" sabi ni Lester
"Oo nga 'tol, ihanda mo na yang sikmura mo, wala lang sukahan ha. HAHAHA!" pang-aasar ni John, isa sa mga tropa ko. " A-Ah hi Drea." bati pa nito sa kapatid ko.
Hindi naman pinansin ni drea si john at tumalikod.
"Bro, punta na ako doon ha baka hinahanap na nila ako." paalam ni Drea
" Pinupormahan mo ba ang kapatid ko?" sinuntok ko ng pabiro si john.
"Grave ka 'tol, nag-HI lang ako e Pinupormahan agad? takot ko nalang sayo. HAHAHA!"
Medyo lasing na kame at ngayon bumabalik na naman yung sakit, ang sakit makita na yung babaeng mahal mo e may mahal ng iba.
F.L.A.S.H.B.A.C.K
Papunta ako sa bahay ng girlfriend ko na si Lexie pagkagaling sa pag basketball, makikipag ayos na ako, mayroon kasi kameng hindi pagkakaintindihan.
Pagkarating ko palang sa tapat ng bahay nila ay nakita ko si Lexie, nakita ko siyang may kayakap na lalaki.
"ANO TO!? Siya ba!? Siya ba yung ipinalit mo sakin!? Kaya ba ayaw mo ng maayos 'to? Kaya ba biglang hindi ka na nagparamdam? Haaaa!? Sumagot ka!" Parang nag-init na ang ulo ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
" S-Sorry babe, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka pero hindi na kita Mahal, siya na ang mahal ko. Hindi mo kasi ako pinahalagahan, minsan mas inuuna mo pa ang barkada mo kaysa sa'kin, I'M SORRY." Sabi ni Lexie
Pagkasabi ni Lexie noon, umalis na ako kaagad, siguro nga ako talaga yong may kasalanan, ako talaga yung mali.
Kaya 'wag kayong magtaka kung bakit laging mainit ulo ko, broken hearted ako mga p're kaya tuloy pati taong walang kasalanan, nadadamay sa kainitan ng ulo ko.
END OF FLASHBACK
Napatigil ako sa pag reminisce ng masakit na pangyayaring yun ng biglang may nagsalita sa entablado.
"Magandang gabi po sa inyong lahat, kami nga po pala ang ELASTIC BAND sana po magustuhan niyo ang aawitin namin, Thank You!" sabi ng isang babaeng naka-mask na may hawak na gitara at mukhang siya rin yata ang Vocalist, katabi niya ang isang lalake at sa likod nila nandoon 'yong kapatid ko at isa pang member ng band.
Nagsimula ng tumugtog ang banda at ang babaeng naka-mask ang kumanta.
"I found a love for me. Darling just dive right in, follow my lead."
Natulala ako, ang ganda ng boses niya.Ano kayang pangalan niya??
>🎸
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...