Chapter 26

70 2 0
                                    

CHAPTER 26 😍

ANDREW POV

Sobrang tagal ng byahe namin. Nakatulog na si Nessa. Palagi ko siyang tinitingnan para talaga siyang anghel na natutulog. Malapit na kame sa Pampanga , plano ko talagang pumunta dito maganda daw kasi yung hot air balloon sabi ni Drea.
Walang nakaka alam na andito kame ngayon sa Pampanga , kapag sinabi ko istorbo lang sila.

' gising ka na pala ? Malapit na tayo ' Sabi ko

Pagliko ng sinasakyan namin ay nakita kong nanlaki ang mga mata niya at namangha sa mga naglalakihang hot air balloon.

' Nagustuhan mo ba ? ' tanong ko
" Oo , " sagot niya
' Tara dun oh ' turo ko sa malawak na field , hinawakan ko ang kamay niya at hinila palapit sa booth.

' Sakay tayo dun mamaya ha !' Sabi ko
" Ha ? Ayaw ko takot ako sa mataas " Sabi niya

Hinawakan ko ang kamay niya " Hindi mo kailangang matakot , kasama mo naman ako " Sabi ko at niyakap siya

' Drew , hindi ako makahinga ' sabi niya at agad akong kumalas sa pagkakayakap. Palagi nalang siyang hindi makahinga kapag niyayakap ko siya , ganun ba ako kahigpit yumakap parang Wala ng bukas ? Pagkakataon ko na yun HAHAHA

" kain muna tayo " Sabi ko at niyaya siya sa malapit na kainan
" Anong gusto mo ? Tanong ko
' Kahit ano ' Sabi niya

Iniwan ko muna siyang nakaupo dun at nag order na ako. Burger at pizza ang palagi niyang kinakain sa canteen.

Binili ko lahat ng pagkain doon , Hindi ko alam ang gusto niya e. Bumalik na ako sa upuan at hinintay nalang namin yung pagkain.

" Ngayon ka lang ba nakapunta dito ? " Tanong ko
' oo , salamat nga pala ' sagot niya
" HAHA Walang anuman , seryoso ka masyado gutom ka na ba ? '' tanong ko kasi nakita kong parang malalim ang kanyang iniisip
' Hindi naman , may naalala lang ako ' sagot niya

Dumating na ang pagkain na inorder namin at kumain na kame
" Andami mo namang binili na pagkain , ubusin mo to ha ' Sabi niya
" Anong ako ? Tayo mag uubos nito , diko kasi alam kung anong gusto mong pagkain e " Sabi ko

Tumigil siya sa pag kain ng may biglang tumawag​ sa kanya. Tsk ! Wag naman sana yung kevin na yun , pero okay lang din naman pala. Ako naman ang kasama ni nessa dito eh.

" Hello beshy " Sabi niya

Yung best friend niya pala ang tumawag , pag sinabi ni Nessa kay Kheiara sasabihin naman ni Kheiara kay Lester na nandito kame . Patay ! Wala pa namang nakaka alam na andito kame ngayon.

" Bakit? Wag ka na pumunta sa bahay , Wala ako Jan may pinuntahan ako." May kasama nga ako , mamaya pa ako mauwi " Sige ingat din. " Sabi niya at binaba na ang phone

" Si Kheiara yun ? " Tanong ko
' oo , tinatanong kung asan ako , sa bahay daw sana siya matulog ' Sabi niya
" Sobrang close niyo talaga no ? Tanong ko
' oo , Kung hindi dahil sa kanila baka wala na ako ngayon .' Sabi niya

" Tara na dun oh " Sabi ko at niyaya na siya ulit palapit sa booth pagkatapos namin kumain.

" Sasakay po ba kayo ? " Tanong ng babae
' Oo , sagot ko
" Drew Ikaw na lang , ayaw ko takot nga ako. " Sabi niya
' Sige na Nessa , please. Ngayon lang , Sige na ' pagmamakaawa ko HAHAHA masisira plano ko e '
'S-sige ' sagot Niya

" Ma'am Sir , dito po kayo. Since mag jowa ho kayo , dito po kayo sa hot air balloon na hugis puso " Sabi ng babae
' ah ate , hindi ko po siya boyfriend , kaibigan ko po siya ' Sabi ni Nessa

" Kaibigan Lang ? Bagay pa naman kayo '' hihihi Parang kinikilig pa na Sabi ng babae sa booth

Inalalayan kame ng lalaking andun na sumakay. Tahimik lang si Nessa pero namumutla siya.

' okay ka lang ba ? Tanong ko tumango lang siya pero ramdam kong nanginginig ang kamay niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang pataas ng pataas ang hot air balloon.

" Tingin ka sa paligid " Sabi ko at sumunod siya nakita kong medyo nawala ang kaba niya. Bumitaw siya sa pagkakahawak sakit at tumingin sa baba

" Ang ganda pala ng view dito sa taas " Sabi niya at nakangiti na siya
' whooooooooo ! Sigaw niya
" Drew halika rito , sigaw tayo " Sabi niya at " WHOOOOOOOOO " sigaw naming dalawa

Napakaganda ng moment na to ! Gusto ko ng umamin sa kanya pero kinakabahan ako , paano Kung ma reject ako ? Paano Kung mabasted ako agad ? Yaayyy ! Baka mapatalon laang ako dito. HAHAHA

Kinuha ko ang camera kong dala at vinediohan siya , natural na natural ang kanyang mga ngiti , Hindi plastic , Hindi pilit Lalo akong naiinlove sa kanya.

" Hooo ! Buntong hininga ko
Heto na talaga , aamin na ako . Malapit na kame bumaba e ilang minuto na lang.

" N-nessa " Sabi ko at lumingon siya sa akin ng nakangiti pa din

Patuloy lang gumagana yung vedio cam ko.
" May sasabihin sana ako sayo " Sabi ko ng nauutal
' ano yun ? '
" Hmm Sana wag ka magalit ha " Sabi ko
' ano ba kasi yun ? ' tayo Niya

" N-nessa , G-gusto K-kita " Pwede ba kitang ligawan ? '

Hawak ko ang kamay niya at nakatitig lang sa mga mata niya at siya ? Nakatingin Iang din sakin pero seryoso na na at hindi kumukurap.

KHEIARA POV

Kanina pa ako dito sa bahay ni beshy pero walang tao , saan ba yun nagpunta ? Tinawagan ko siya pero antagal sagutin.

" Hello beshy " sagot niya
' asan ka ba ? tanong ko
" Bakit ? " Tanong din niya
' andito ako sa bahay mo , asan ka ba ? ' tanong ko ulit
" Wala ako Jan , may pinuntahan ako " sagot niya
' Saan ? Sino kasama mo ? ' tanong ko
" May kasama ako , mamaya pa ako uuwi " sagot niya
' Sige , ingat na Lang ' Sabi ko

Sino kaya kasama nun ? Hindi naman Friday , Wala naman siyang gig
Hmmm , siguro may date sila ni Kevin , umamin na siguro yun.

Pabalik na sana kame sa bahay namin ng Makita ko si love na nasa court sa tapat may dala siyang bola.

" Love , tawag ko sa kanya
' oh love andito ka pa pala ' dito ka muna , hintayin mo ako. Sabay na tayo umuwi , ihahatid Kita ' Sabi ni Lester
" Oo love , Sige maglaro ka muna jan , may tatawagan lang ako. " Sabi ko

Hinanap ko ang number ni Kevin at denial

" Hello Kheiara , napatawag ka ? " Tanong niya sa akin
' asan ka ? ' tanong ko

" Dito ako sa bahay , may sakit si mama e Hindi ako makagala. Inaalagaan ko siya. Bakit ? " Sabi niya
' ah e akala ko kasi kasama mo si Nessa , Wala siya sa bahay e ' Sabi ko

" ANO ? Bakit asan daw siya ? Tinawagan mo na ba ? Sino kasama niya ? Anong oras daw siya uuwi ?? Tanong​ ni Kevin na tuloy tuloy
' oppsss , Kev kalma. Isa isa lang tanong ' Sabi ko
" Sabi niya may kasama siya , pero hindi sinabi Kung sino saka mamaya pa daw siya uuwi Kaya akala ko ikaw yung kasama niya , umamin ka na ba sa kanya ? " Tanong ko

' Hindi pa , natotorpe talaga ako e ' Sabi niya
" Bahala ka , kapag naunahan ka ng iba. Baka magsisi ka " Sabi ko
" Malapit na , naghahanda lang ako ng sasabihin. Alam mo namang hindi pa ako nag kaka girlfriend e HAHA ' Sabi niya
'' Sige na , text nalang kita kapag sinabi niyang nakauwi na siya " Sabi ko at binaba na ang phone

May naalala ako , hmmmm di Kaya siya ang kasama ni Nessa ? Pero saan sila nagpunta ?

" Love , Tara na uuwi na tayo sa atin " HEHE sabi ni Lester

Lumapit siya sa akin pero pawis na pawis , pinunasan ko ang pawis niya " wag ka magpatuyo ng pawis love , baka magkasakit ka " Sabi ko

" Ayy answeet naman ng girlfriend ko " Sabi niya at hinalikan ako sa noo

" Love , si Andrew ba alam mo kung asan ? " Tanong ko
' hindi nga love e , kanina ko pa siya tinatawagan , walang signal yung phone. Yayayain ko Sana maglaro e " Sabi niya

Kung Wala si Nessa at Wala din si andrew " Hindi Kaya ? Nagkatinginan kame ni love ' apirr ' HAHAHAHA magkasama siguro u yung dalawa. . .

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon