CHAPTER 42 : VALENTINE'S DAY ( PART 1 )
ANDREW POV
Birth month ko na , tatanda na naman ako.
San kaya magandang dalhin si Nessa para idate ? Tatanungin ko na siya kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend , Sana mag yes siya.Busy ngayon ang mga estudyante , naghahanda sila para sa Valentine's party.
Si Eunice ang president ng school tutal jowa ni John si Eunice tinulungan namin siya mag ayos ng gagawing program. Akalain mo yun nagkagirlfriend si john HAHA kaya ngayon nagpakatino na siya , Ikaw ba naman ang boyfriend ang president hindi ka magpapakabait ?" Tol , Balita ko may guest daw na sikat na banda ? " Sabi ni lester
" Sino daw tol ? Tanong ko
" Silent Sanctuary daw sabi ng girlfriend ko " sagot ni John
Silent Sanctuary ? Favorite yun ni Nessa ah , perfect timing tapos habang tumutugtog ang banda tatanungin ko na siya. Sana naman pumunta siya kasi alam kong hindi hindi siya mahilig sa party e pipilitin ko siyang maka attend.
" Eunice este Miss President Sino pa ang pupuntang guest sa Valentine's party ? " Tanong ko
' Silent Sanctuary at syempre hindi mawawala ang Elastic Band no , idol ko kaya yung mga yun ! ' Sabi ni Eunice
" Elastic Band ? Diba yun yung banda ng kapatid mo tol ? '' tanong ni John
" Oo ' sagot ko
" Yung babaeng naka maskara kelan niya Kaya irereveal yung Totoong pagkatao niya , kung sino talaga siya ? " Tanong ni Lester
" Malay mo sa Feb 14 na , abangan natin ' sagot koNatapos na namin lahat Ng gawain kaya nag break time muna kame. Wala si Nessa , asan kaya siya ?
" Hinahanap mo si Sis nessa kuya ?" Tanong ni Drea sa akin na tatawa tawang nasa likuran ko na pala
" Oo, asan ba siya ? Tanong ko
" Kausap niya lang si coach Mark kanina dito e don't worry kuya papayag siya na makadate ka niya sa Valentine's HEHE " sabi pa Niya
" Tawagan mo ako kapag nakita mo na siya " sabi ko at naglakad na ako papuntang canteen para kumain pero bumalik ulit ako sa kapatid ko" Drea ' tawag ko sa kanya
" Oh kuya bakit ? ' tanong niya
" Kumain ka na ba ? Sabay na tayo ' Sabi ko
" Wow ! Kuya anong nakain mo ? HEHE libre ba ? ' tanong niya
" Oo tara na ' Yaya ko sa kanya
" Wow birthmonth lanh bumait na ? Sana laging February kuya. HAHA peace ' Sabi ni Drea" Baliw ka talaga " Sabi ko at inakbayan ang kapatid ko papuntang canteen
" Oh my gosh ! Ang sweet naman ni bebe drew ko ' sabi ni Megan
" Get lost my dear , akin lang si Baby Andrew ko ' sabi naman ni Trixie" Hoy ! Get lost get lost ka pa jan ! Back Of !! hindi papatol sa inyo ang kuya ko no ! ' sigaw ni Drea sa kanila
" Bakit Sino sa tingin mo ang magugustuhan ni drew sa janessa na Mahirap lang ? Walang pera ? Loser !! * Nessang losyang * Sabi nila na kinakanta kanta paSasagot na sana si Drea pero pinigilan ko siya " hayaan mo na sila kapatid , papangit ka Sige. Papansin lang yang mga yan sakin ' Sabi ko
" Bat kasi maganda at gwapo ang lahi natin kuya , yan tuloy pinag aagawan ka ! HAHAHA ' sabi ni Drea na ngayon ay tawa na ng tawa
" Abnormal ka talaga , kanina galit galitan ka tapos ngayon tawa ka ng tawa. Magkasama ka nga kay mommy magpa check up , baka may saltik ka na ' pang aasar koGanito talaga kameng magkapatid Minsan magka away , Minsan magkasundo. Kumain lang kame at pumunta na ulit sa last subject namin.
" Kuya may pupuntahan kame ni Nathan , nagsabi na ako kila mommy. Si ate Nessa nasa lugar daw na siya lang ang nakaka alam , yun ang reply niya sa akin e ' sabi ng kapatid ko
" Sige , mag iingat kayo at umuwi agad ha ' sabi ko
" E San ka pupunta ? ' tanong niya
" Pupuntahan ko si Nessa ' sagot ko
" Paano mo siya pupuntahan e siya lang daw nakaka alam nung lugar kung nasaan siya ngayon ' Sabi niya
" Secret ' Sabi ko at sumakay na ng kotse
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...