CHAPTER 53 : THE WEDDING
JANESSA POV
A year later . . .
Busy kameng lahat sa paghahanda , isang linggo nalang at ikakasal na ako , hoooo ! I can't wait na.
Okay na lahat , wedding gown , church , foods , best location for reception , lahat. Hinihintay nalang talaga yung saktong araw.
Nakaupo lang ako sa kama ko , nakatingin sa bintana hawak ang gitara na niregalo sa akin ni drew nung nakaraang pasko.
* Tok tok tok tok *
" Anak , pwede ka bang makausap ? Tanong ni mommy pagpasok niya ng kwarto ko
" Oo naman mommy ' sagot ko
Umupo siya sa tabi ko , inilapag ko muna ang gitara sa ibabaw ng kama ko.
Kinuha ni mommy ang suklay sa harap ng salamin ko at umupo ulit sa tabi ko. Hinaplos haplos ang buhok ko at sinuklayan
" Hindi ko nagawa ito sa iyo noon anak ' sabi ni mommy sa akin
" Pwede niyo po naman gawin ngayon mommy ' Sabi ko
" Masaya ako na dumating ka sa buhay ko anak , yun nga lang sa paghahanap ko sa daddy mo , hindi kita naalagaan noong bata ka pa iniwan lang kita sa pinsan ko. ' Sabi pa ni mommy
" Mommy , kalimutan mo na yun , nakaraan na yun e ' Sabi ko
" Masaya akong nakakita ka ng lalaking kagaya ni andrew anak , panatag ang kalooban namin na siya ang magiging asawa mo ' sabi ni mommy kaya naiyak ako
" Nasaktan din ako mommy noon , niloko ako ng ex boyfriend ko ' sabi ko kay mommy
" Pero paano mo naman nakilala si Andrew anak ? Tanong ni mommy
" Ewan ko ba mommy sa simula e galit na galit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya , Yun pala broken hearted siya kaya sakin nabubunton ang galit at ang masaklap pa mommy yung ex ko e kakambal ng ex niya ' kwento ko kay mommy
HAHAHA the more you hate , the more you love pala ang kwento niyo anak ' Sabi ni mommy at niyakap ako
Siguro nga , Kung iisipin ko lahat ng nangyari sa amin noon , simula sa pambabato niya ng bola sa akin , sa pag tulak Niya sa akin sa hagdanan nung enrollment. Hindi mo talaga aakalain na magkakatuluyan kame . Pinag tagpo at itinadhana nga talaga kame para sa isa't isa.
SOMEONE'S POV
It's may 8 ! Araw ng kasal nila Andrew at Janessa.
Umaga pa lamang ay nagising na agad si janessa , hindi kasi siya nakatulog ng maayos dahil sa Sobrang excited.
" Sobrang ganda talaga ng bride , nakaka inggit ang pagka dyosa niya ' Sabi ng baklang taga makeup ni jaessa
" Ay thank you naman meme ' Sagot ni Nessa
" Grabi ka naman meme , yung bride lang ang maganda ? Paano naman yung mga abay ? ' sabi ni Kheiara
" Oo nga ' sang ayon ni Eunice
" Ay nagseselos naman ang mga bruha ! Syempre maganda din kayo pero mas bongga ang face ni ateng bride no ? ' sabi ng bakla
" Pagbigyan , ikakasal na e yieee ' kinikilig na sabi ni Eunice
" Parang kailan lang para kayong aso't pusa , ngayon ikakasal na kayo , so happy for you beshy ' sabi ni Kheiara at niyakap ang best friend niya.
" Pwede ko ba makausap saglit ang anak ko ? Tanong ng mommy Janice niya pagpasok niya ng kwarto
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...