JANESSA's POV
Nagulat ako ng may humila sa akin sa dilim, makakatikim sana siya sa'kin ng suntok ng makita kong si Andrew pala yun.
Bakit ba ako hinila nito dito at bakit siya may sugat at dugo sa mukha?
Nakatitig lang siya sa akin na tila ba nagulat din sa lakas ng pagkakahigit niya sakin at Jusko! 1 inch na lang ang pagitan ng mga labi namin.
"Ano ba?" sigaw ko sabay palo sa braso niya.
"Ssshhhh, h'wag ka maingay nand'yan na sila. " Sabi niya sa akin.
Hinigit niya headset ko at may narinig akong nag-uusap na mga lalaki.
"Asan na ba yun pare? Mukhang mabubulilyaso pa ang plano natin ah." Sabi ng isa
"Baka naman wala talaga siyang narinig." Sabi pa ng isa
Umalis na sila at hindi ko na narinig ang huli nilang sinabi.
Bumangon ako at inalalayan kong tumayo si Andrew.
"Sino ba ang mga yon?" tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.
Mukhang malakas ang pagkakasuntok sa kanya ng mga lalaking yun ah.
"Owe!" Bigla siyang nawalan Ng malay.
Tsk. Amoy alak.
Inalalayan ko siya habang nag hihintay na may dumaan na tricycle.
Ang bigat naman nito.
*Beep Beep*
''Kuya, patulong nga po." Sabi ko sa driver ng tricycle na sasakyan namin. Buti na lang may dumaan, imbes na maglalakad lang ako kasi sayang anf pamasahe e ngayon na-double pa tuloy.
"Bakit kasi pinag-inom mo ng sobra 'tong boyfriend mo iha." Sabi ni kuya driver
"Po? Ay kuya nagkakamali po kayo, Hindi ko po boyfriend 'to School mate ko po siya, nakita ko lang po siya diyan sa daan, may humahabol po sa kanya e tapos nakita ko siya duguan na."sagot ko
Aba! Ako? Girlfriend ng lalaking 'to??hmmmm HAHAHA nagpapatawa ba si kuya driver?
"Kuya, deretso lang po d'yan, dun po sa blue na gate." Sabi ko
Letcheee! Ang bigat niya talaga, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
Ginamot ko ang mga sugat niya. Mukhang napurohan nga, ang daming sugat at pasa mabuti na lang may first aid kit ako dito.
Pagkatapos kong linisin ang mga sugat pinalitan ko siya ng damit, may damit kasi akong panlalaki dito e pinalitan ko siya pero hindi ako nakatingin sa kanya, baka mamaya magising siya tapos isipin niya pinag nanasahan ko siya. Ngek!
Inalalayan ko siya at pinahiga sa kama ko, naku! Kung hindi lang ako mabait, iniwan ko na lang sana siya doon.
Sa sobrang pagod ko ay hindi na ako nakapag bihis, humiga ako sa sofa at nakatulog na.
-
Nagising ako na ako na yung naka kumot, e hindi ba nasa kanya yun kagabi.
Okay na kaya siya? Ano bang nangyari, bakit siya hinahabol ng mga lalaking yun?
Dahan dahan akong bumangon at pagtingin ko sa kama ay naka-upo siya sa gilid ng kama at nakatitig na naman sa akin.
"B-Bakit? " tanong ko
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...