Chapter 19

85 4 0
                                    

CHAPTER 19 : BAGUIO

ANDREW POV

" Success " natapos namin ng maayos yung kanta pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali " ang galing pala talaga kumanta ni janessa " pero nagtataka ako. Bakit ? Bakit kaboses ni janessa yung babaeng naka mask sa bar ? Nagkataon lang ba na parehas silang mahilig sa gitara at magka boses pa kapag kumakanta o tama itong iniisip ko ?

Next day , pumunta agad ako sa may bulletin para makita kung sino ang napili " Sana kame , para kasama ko si janessa sa Baguio "
Bakit laging ganito iniisip ko ? Bakit gusto kong palaging nakikita at nakakasama siya ? " May gusto na ba ako sa kanya ? " Hmmm , Hindi ! Wala ! Gusto ko lang bumawi sa kanya , Tama ! yun lang yun .

Pagtingin ko kung anong number ang nakasulat pati na rin ang pangalan
" #8 Janessa & Andrew "
' haLa , kame nga yung napili '

May nakita akong parating ' janessa ' sumimangot ako para isipin niyang hindi kame yung napili , naka ready na yung camera ko para makunan ko ang reaction niya.
Tumingin siya sa bulletin board at nanlaki ang mga mata. " WHOOOOH ! sigaw niya   ' tayo ang napili ! Yes ! Nakangiti siyang talon ng talon at napayakap sa akin  " best feeling " HAHA ! cute niya pala ngumiti , pinatay ko na yung video baka makahalata siya.

" Ehemmm , ehemmm " napabitaw siya ng yakap sa akin ng may nagsalita sa gilid. Badtrip naman to oh , basag trip.

" Saya niyo ah , nanalo sa lotto ?" tanong ni Lester
" Hindi sa lotto tol , sa project HAHA taas grade namin nito " sagot ko

" Omg ! Beshy totoo ? Kayo napili ? haLa , so proud of you. Alam ko naman na kayo yung mapipili , Ikaw pa ! Sabi ni Kheiara

" Thank you "
' Nakita kitang ngumiti at yumakap kapa kay Andrew ' sabi ni Kheiara
" Ako ngumiti ? Hindi ah ! At sorry kung napayakap ako sayo , sobrang tuwa lang " Sabi ni Nessa

' okay lang , sagot ko '
Paano niyo ba nasulat yung kantang yun ? tanong ni Lester
[ Tanong mo Kay miss Author HEHE ] " si janessa nagsulat nun , Parehas kasi kame ng pinagdadaanan kaya ganun. Sagot ko

' may pinag huhugutan naman pala kaya magaling gumawa ng kanta , kame kasi pang inlove lang e. Sabi ni Lester

" Hindi kasi masyadong uso yun e , Hugot song ang uso ngayon. " Sabi ni Nessa

" Bitter lang talaga kayong dalawa." Sabi ni Kheiara

' Andrew , Janessa ' pinapatawag kayo ni Mrs. Ramirez. Sabi ni Eunice isa sa mga classmate ko

" Asan siya ?" tanong ko
' Andun sa Dean's office , kakausapin daw kayo e ' Sabi pa niya

" Guys , punta na muna kame ha !"

' Good morning Dean , Good Morning Prof ' bati namin ni Nessa

" Good morning din sa inyong dalawa " Kayo ang napili namin para maging representative ng school natin , limang school ang maglalaban laban para dun. Galingan niyong dalawa alam naming kaya niyo yan. ' Sabi ni Mrs Ramirez

" Kelan po kame pupunta ng baguio ma'am ?" Tanong ni nessa

" Sa isang araw na , kasama niyo si Dean Esguerra papunta dun " Sabi ni Mrs Ramirez

" Anong kanta po ang kakantahin namin ? Gagawa po ba ulit Kame ? Tanong ko
" Ou , parang Song Writing competition yun , habang kumakanta kayo mayroong nag vivideo tapos iuupload. Kung sino ang maraming views at share , siya ang mananalo. Paliwanag ni Prof

' Sige na , maghanda kayo ng kailangan niyong gamitin at susunduin nalang kayo ng sasakyan ko para sabay sabay na tayo papunta ng baguio.'

Araw araw ay dala namin ang gitara , nagppractice kame palagi ni nessa kapag vacant , hindi na din kame nakakasama ng tropa namin , palaging kameng dalawa lang magkasama para maghanda sa competition.

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon