Chapter 14

73 6 0
                                    

SPOKEN WORD POETRY

JANESSA's POV


Hindi ko na alam kung anong nangyari sa party na yun, hindi naman ako interesado pero mukhang nagpakasaya naman sila.

Bahay, school lang naman ako palagi, minsan Gig at ngayon papunta na naman ako sa raket ko, kailangan kumita ng pera para mabuhay kahit mag isa lang.

"Good evening ma'am." bati ng guard sa akin

"Good evening din kuya." sagot ko

"Pasok na po kayo." Sabi niya

"Hi Miss Janessa, you're here, ready ka na ba magperform para sa mga broken hearted na balak ng maka move on?" Tanong sakin ng manager

"Opo naman madame." sagot ko

''Sige the stage is yours Nessa."

Pumunta na ako sa stage, grabi Ang daming tao ah.

"Hello everyone, I'm Janessa." Pakilala ko sa sarili ko at kumaway.

"Sino sa inyo ang nasaktan? Niloko? Ipinagpalit?  Iniwan? Taas ang kamay." Sabi ko

Halos lahat ng andito nag taas ng kamay sabay hiyaw pa.  "Mukhang tayong lahat dito naranasan yan ah."

"Gusto niyo na bang maka-move on? HAHAHA. Okay, para sa inyo 'tong SPOKEN WORD na ginawa ko."

''ISA HANGGANG LABING LIMA''

*ISA - Isa lamang akong simpleng babae na nais ka sanang gawaan ng tula

*DALAWA - dalawang beses kong pinag isipan kung gagawan ba talaga kita o hindi dahil baka ako'y masaktan lang

*TATLO - tatlong araw na ang nakaraan buhat nang gawan kita ng tula pero nag aalinlangan pa din ako kung itutuloy ko pa ba ito

*APAT - Apat na minuto akong nag isip hanggang sa naalala ko na naman lahat at

*LIMA - limang beses mo akong itinext noon pero hindi kita nireplayan dahil alam kong ako'y aasa nanaman

*ANIM - anim na patak ng sunod sunod na luha ang umagos buhat sa aking mga mata at namutawi ang sakit na nadarama

*PITO - Pitong beses kong kinalimutan ang lahat ng masakit na nakaraan pero bakit bumabalik at bumabalik pa din?

*WALO - ika walo ng buwang'yon noong napag pasyahan mo akong iwanan

*SIYAM - ika siyam na kinabukasan at

*SAMPU - Sampung buwan na sana tayo noong nagmamahalan pero dimo naipaglaban

*LABING ISA - Labing isang linggo na ang nakaraan bago ko tuluyang natanggap ang lahat pero bakit ganun pa din ?

*LABING DALAWA - ika Labing dalawa na ng umaga pero ako'y gising pa din at tumutulo nanaman ang mga di nagpapapigil na mga luha

*LABING TATLO - Labing tatlong beses kong pinag isipan na kung ipagpapatuloy ko pa ang kahibangan kong ito ay wala naman ako mapapala

*LABING APAT - Labing apat na minuto nalang bago mag alarm ang aking orasan at BOOM ! ako'y nagising at natauhan na

*LABING LIMA - Labing limang segundo akong napapalakpak at sa wakas. . . .  Ako'y naka MOVE ON na !

"Whoooooo!"  Sigawan ng mga tao

"Thank you guys, Sana maka-move on na din kayo." Sabi ko at umalis na ng stage.

It's already 10:00 pm, naglalakad na ako pauwi pagkagaling sa bar na yun, as usual nagsa-soundtrip ako naka-headset at medyo may rap yung kanta, pasayaw sayaw pa ako habang naglalakad at sinasabayan ko pa ng beatbox

"Boon bo tsik, Boom boom bo tsik."  Ng biglang may humila sa'kin sa dilim.

Waaahhhhh!



**

Nagising ako na ako na yung naka kumot, 'di ba siya yung kinumutan ko kagabi? Okay na kaya siya,ano bang nangyari? Bakit siya hinahabol ng mga lalaking yon??



AN :

Hello everyone, ang Spoken word poetry na nabasa niyo ay ako mismo ang gumawa. Maraming salamat sa patuloy na pag suporta, LabLab ko kayo 😘

           >🎸

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon