Chapter 20

80 5 0
                                    

CHAPTER 20

JANESSA POV

Pagbalik namin sa hotel pagkagaling sa police station ay tahimik lang ako , sobrang dami kong iniisip. Nasaan kaya ang mga magulang ko ? Bakit nila ako  iniwan sa pinsan nila ? Bakit hinayaan nilang mamuhay akong mag isa ??  Hindi ako galit pero naiinis ako. Naiinis dahil hindi manlang nila ako hinanap o sadyang kinalimutan na nila ako.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko " oh , abot ni Andrew sa akin ng panyo. ' okay ka lang ba ? Bakit ka umiiyak ? tanong niya

" Wala to , may naalala lang ako " sagot ko
' Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin baka matulungan kita , andito lang ako kung gusto mo ng kausap ' Sabi niya ..

" Salamat ' Sabi ko at nahiga na sa kama. Nakatulog akong umiiyak !

' gising kana pala ? Dinalahan kita ng pagkain dito baka kasi ayaw mong bumaba e ' Sabi ni andrew

' salamat pero hindi ako nagugutom ' sagot ko
" Kumain ka mayamaya , bawal malipasan ng gutom baka magkasakit ka pa " Sabi ni Andrew

Tumalikod lang ako at hindi siya pinansin , wala talaga akong ganang kumain. Natulog nalang ako ng hindi nag dinner , paggising ko ng umaga may naamoy akong pagkain malapit sa tabi ko.

" Good morning Nessa , kumain kana hindi ka kumain kagabi e ibinalik ko nalang sa baba yung pagkain mo. " Okay kana ba ? May masakit ba sayo ? " Tanong ni Drew

Tinitingnan ko siya habang nagsasalita halata sa boses niyang nag aalala siya. " Okay lang ako , Pasensya ka na kung nag aalala ka man " Sabi ko

' Wala iyon ' tayo lang ang magkasama dito e tayo lang ang magtutulungan. Sabi pa niya

" Sige , maliligo na muna ako bago kumain. " Sabi ko

Kakalabas ko lang ng biglang nagsalita si Drew " Alam mo ba na tayo ang pangalawa sa pinaka mataas ang views , isang oras pa bago matapos ang botohan , Sana marami pa ang manuod Sana manalo tayo " Sabi niya

' mananalo tayo Andrew ! Ginalingan naman natin e ' Sabi ko

Ngayong tanghali na iaanounce kung sino ang mananalo , nandito na kameng lahat nag aabang kung sino ang mananalo , hindi nanaman mapakali si Dean Esguerra , malamig ang kamay niya
" Dean , wag po kayong mag alala , mananalo po tayo " Sabi ko
' Sana nga iha , magiging Kilala lalo ang ating paaralan kapag nangyari iyon. 'sabi ni Dean

' Hello again ladies and gentlemen ' Nakilala at malaman na namin kung sino ang nagwagi sa araw na ito ! Congratulations sa lahat ng lumaban at nakiisa sa paligsahang ito.

" The 2nd runner up is " Statefields University
" The 1st runner up is "
Montessori Professional College

Sigawan lahat ng taong sumusuporta sa mga eskwelahan nila.  Jusko ! Sino kaya ang mananalo ? ' magkahawak kamay kame ni Andrew " walang malisya to "

' And here we go , The Champion for this competition is none other than ST. DOMINIC UNIVERSITY 
Pagkarinig ko nun ' waaahhhh ! Nagyakapan kame ni drew at naiyak na din sa Sobrang saya ' tears of joy ' pati na din si Dean e umiiyak na sa Sobrang saya.

' yes ! We made it !'
Inalalayan ako ni andrew habang paakyat kame ng stage ! Hindi mawala Wala ang ngiti sa aming mga labi. ' hawak hawak na namin ngayon ang trophy ' yeah !

" Thank you , thank you so much sa inyong lahat . Thank you po "

Pagkatapos nun picture dito picture doon ang nangyari. " Proud na proud talaga ako sa inyong dalawa , Lalo na sa iyo janessa. Bago ka pa lang sa school pero nakapag bigay kana agad ng karangalan. ' Sabi ni Dean
" Mabuti itong si Andrew ay palaging nananalo ang team nila sa basketball "

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon