Chapter 8

79 4 0
                                    

ANDREW's  POV

"Kuya, hindi nga pwede. Ang kulet mo naman." naiinis na sabi ni Andrea

''Sige na, sabihin mo na sa akin kung sino yon, imposible namang hindi mo siya kilala e ka-banda mo siya." Sabi ko

"Hindi nga pwede kuya, kaya nga siya naka-mask kasi ayaw niya na may makakilala sa kanya tapos gusto mo sasabihin ko sayo? " sagot ni Andrea 

Ano ba naman 'tong kapatid ko na 'to, tinatanung ko lang kung nong pangalan nung babaeng naka-mask na magaling kumanta e,ayaw pa sabihin.

"Kuya, bibigyan kita ng clue."

"Sige, ano?'' excited na tanong ko. 

Nabighani talaga ako sa ganda ng boses niya, naiyak pa nga ako sa kanta niya.

Langyaaa! Patama sa'kin e.

"Ahmm, babae siya. naka-mask, mahilig sa gitara." natatawang sabi ng kapatid ko

"Yung seryoso naman Drea, Akala mo naman nakikipag-biruan ako,seryoso kaya ako. "

"HAHAHA pikon! E bakit ba atat na atat ka na makilala siya kuya ha?? Hind ba may girlfriend ka na?"

''Wala na, wala na kami saka tinatanong ko lang naman e 'di ko naman liligawan, baka boses lang maganda do'n kaya siguro tinatakpan niya mukha niya kasi pangit siya." sabi ko

"Hala siya, grabe ka naman kuya, maganda kaya si ate Ja. . . . "

Napatigil si Drea sa pagsasalita.

Sayang, sasabihin na sana niya yung pangalane hindi pa natuloy, tsk!

"Muntik na ako do'n ah, heto na seryoso na talaga bro. Sa St. Dominic din siya mag-aaral este NAG-aaral, saka mahilig nga talaga siya sa gitara." Sabi ni Drea

'' O K A Y, Sige. Tara na, male-late na tayo, sakay na sa kotse ako magda-drive. "

" Mommy alis na kame, Lablab mwaaaahhhh."

 SCHOOL

 "Yow! 'tol." bati ni John sa'kin

"Magkaka-classmate tayo ah, eami na naman chicks nito, Whooo HAHAHA!"

"Ikaw na lang maghanap, hindi ako interesado." Sabi ko

"HAHAHA! Hindi ka pa din nakakamove-on kay Lexie 'tol o hinahanap mo pa rin yung babaeng magaling kumanta sa bar?" tanong ni John

Hindi ko pinansin ang tanong niya, nasaan ba si Lester?

"Nasaan si Vasquez 'tol?"

"Si Lester? Nandito siya kanina, pinuntahan niya yung girlfriend niya. Alam mo na transferee yun, baka pagtripan ng grupo nila Megan yun."

---


Boring ng klase, masungit yung Professor, nagpakilala lang yung mga transfer tapos. . .

'  Blah . . Blah...Blah ... '

wala na.

Dalawa pala yung transfer, yung isa 'di ko pa kilala pero yung isa ay yung babaeng laging nadadamay sa kainitan ng ulo ko.


BREAK TIME

"Kain tayo sa cafeteria."  yaya ni John

"Gutom ka na naman?" tanong ni Lester

"Kailan naman nabusog yan?" sagot ko sabay tawa

"Mauna na kayo mga 'tol, pupuntahan ko lang ulit girlfriend ko kasi pinabibigay ito ni Mama, alam nyo naman na mag-bestfriend mga nanay namin." paalam ni Lester

"Sige 'tol, gutom na talaga ako e." sabi ni John


CAFETERIA

Pagkarating namin ng canteen , maraming nagkukumpolan na estudyante.

" Mukhang may napagtripan na naman nga si Megan at ang grupo niya niya ah." Sabi ni John

Pagtingin ko kung sino, iyong transferee nga, binuhusan nila ng juice at tinapunan pa ng ketchup ni Trixie, isa sa kagrupo ni Megan.

"Oppsss, Sorry! HAHAHA! natapon, akala ko kasi trashcan e."

"HAHAHAHA!" tawanan ng mga ka-grupo niya.

"Hindi makakatagal dito yan." bulong ng isang estudyante

"Lahat na lang ng bago dito ginaganyan nila." Sabi ng isa

''H'wag ka nga maingay, baka pati tayo madamay e halika na." At umalis na sila.

"Ano? Hindi ka lalaban? Duwag pala 'to e! HAHAHA."

"Pasalamat ka 'te, nandito tayo sa school kung hindi kanina pa kita pinatulan, first day ko pa lang dito, kung papatulan kita ngayon baka matanggal pa ako sa school na ito.  HINDI KO NAMAN SISIRAIN PAG-AARAL KO NG DAHIL LANG SA INYO! at mukhang nagkamali ka ng binangga, kilalanin mo muna kung sino kinakalaban mo!" sabi nung Janessa

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya at halos lahat ng tao sa canteen ay hindi makapaniwala na mayroong sumagot ng ganoon kina Megan.

"Oh anong tinitingin-tingin niyo d'yan? Walang palabas dito!" Sigaw ni Trixie na mukhang inis na inis pa.


           >🎸

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon