Chapter 34

64 2 0
                                    

CHAPTER 34

JANESSA POV

' Drea ' umiiyak kong sabi
" Ate Nessa , umiiyak ka ? Anong nangyari ? " Nag aalalang tono ng boses niya
' Pwede ba tayong magkita bukas , ikukwento ko sayo lahat ' Sabi ko
" Sige ate no problem , see you tomorrow " sagot niya
' Sige Drea , sorry sa pang aabala ng tulog mo. Goodnight ' Sabi ko at ibinaba na ang cellphone ko

Nakatulog ako dito sa bangko yakap yakap ang unang gitara.

" Janessa , janessa " nagising ako sa tawag ni manang sa akin " lumipat ka na dun sa sofa , ako na ng magluluto " Sabi ni manang

' Tulungan ko na po kayong magluto manang , anong oras na po ba ? ' tanong ko
" 5 am pa lang , 7 pa ang pasok niyo diba ? Sabi ni manang
' Opo , sunod nalang po ako sa kusina , ibabalik ko lang po itong unan ' sabi ko kay manang

Pagpasok ko ng kwarto ay tulog pa din sila. Bumalik na ako sa kusina at tinulungan magluto si manang

" Bakit mugto yung mata mo Nessa , umiyak ka ba kagabi o puyat ka lang ? " Tanong ni manang
' ah Wala po ito , Hindi po kasi ako natulog agad e ' sagot ko kahit ang totoo naman ay umiyak talaga ako
" Wag mo nang itanggi na hindi ka umiyak iha , alam ko ang nangyari " Sabi ni manang at napatingin naman ako sa kanya

' Po ? Paanong alam niyo ? Gising po kayo kagabi ?? ' sunod sunod na tanong ko
" Hindi iha , pero alam ko ang totoo. Wag kang mag alala , magiging okay din kayo " Sabi niya at niyakap ako
' thank you po ' sabi ko

' ako na po ang magluluto nitong itlog , gisingin niyo na po si Jessica ' Sabi ko kay manang
" Oh Sige iha , sunny side up ang gusto niya " Sabi ni manang

Pumasok na siya sa kwarto at ginising si Jessica , ako naman niluto ko na ang sunny side up , nagluto din ako ng ham at bacon . Ipinagtimpla ko din ng gatas si baby Jessica

" Good morning ate Nessa "
' good morning baby , kumusta ang tulog mo ? ' tanong ko

" Okay lang ate , tulog pa sila mommy at daddy. Enjoy yata sila matulog sa kama mo e " Sabi pa ni Jessica

' Drink your milk , ako nagtimpla niyan ' sabi ko sa KAPATID ko
" Thank you ate Nessa " sabi niya

" Bilisan mo baby Jessica, pagkatapos maliligo na tapos sabay sabay na tayo kakain ha " Sabi ni manang
' Okay Yaya , ' at ininom na niya ang gatas

Pagkatapos maligo ni Jessica ay ako Naman ang naligo habang binibihisan siya ni manang .
Nagplantsa na ba ako ng uniform ? Hala ! Hindi pa pala .

Tinapos ko na ang pagliligo at lumabas na , gising na pala sila.
Pumasok ako sa kwarto at nagplantsa ng damit , inayos ko din ang kama pati na din ang mga gitara ko

Habang nagbibihis ako ay bumukas ang pinto at pumasok si Ms Janice e ang mommy ko pala , hindi lang ako sanay so Ms Janice nalang. Lumapit siya sa akin at inayos ang necktie ko " bagay pala sayo itong uniform , ngayon lang kita nakitang naka uniform ng ganito " Sabi niya
' Salamat po ' sagot ko

Parehas mugto ang mga mata namin.
" Tayo na sa labas at kakain na tayo " Sabi Ms Janice at pumunta na kame sa kusina

" Dito ka sa tabi ko ate Nessa , tabi tayo " tawag sa akin ni Jessica

Umupo ako sa tabi niya " Thank you dito sa food ate Nessa , Ikaw ang nagluto diba ? " Tanong ni baby Jessica
' Oo , nagustuhan mo ba ? ' tanong ko
" Yes naman ate , yummy ! " Sagot niya

Napatingin ako sa kanila , nakangiti sila . Enjoy na enjoy panoorin kung anong ginagawa at pinag uusapan naming magkapatid " Kain na po kayo ma'am " Sabi ni manang

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon