Chapter 52

49 4 0
                                    

CHAPTER 52

ANDREW POV

Naghanap ako ng magandang lugar para sa outing namin at plano syempre. Kinausap namin sila tita at tito para sa plano , handa na akong makasama siya habang buhay. Kinausap ko din ang mga kaibigan namin na tulungan akong gawin ang proposal. Kaya nga nawawala sila e kasi nag aayos kame ng mga gagamitin. Mabuti nalang at umaayon sa plano and lahat.

" Hoy Drew , tinatanong ni beshy kung nasaan ka. sabi ko tulog ka ' sabi ni Kheiara sa akin

" Naniwala ba ? Malakas pakiramdam nun e ' Sabi ko

" Hayaan mo na , magtampo siya o magalit mamaya e sasaya naman siya ' sabi pa ni kheiara

Inayos namin lahat ng mga kailangan , mga ilaw mga balloons pati na din ang banda at mga fireworks. 

" Tol , andyan na sila ' sabi ni Lester sa akin

" Sige papasukin mo na sa kwarto malayo sa kwarto natin ha , baka kasi makita sila ni Nessa ' sagot ko

" Kuya , pupuntahan na namin si ate Nessa , yung manager papuntahin mo sa gitna para dun puntahan ni ate Nessa " Sabi pa ni Drea

Plano kasi namin na galitin si Nessa para sugurin niya yung manager tapos andun na siya sa gitna , hindi kasi papatalo yun e ayaw niyang inaagrabyado ang mga kaibigan niya e

" Ano tol ? Handa ka na ba ? ' tanong ni Lester sa akin

" Oo naman 'tol , matagal na akong handa ' sagot ko habang pinagmamasdan ang singsing na hawak ko.

" Bumaba na sila ' Sabi ni John

" Sige , mga 7 start na tayo ha ' sabi ko excited na talaga ako

Si John ang nag aasikaso ng mga fireworks , si Nathan sa banda at Lester ang kasama ko nag vivideo kasi siya.

Nakikita ko na yung apat. Tinuro ni Eunice kay Nessa ang manager lumapit siya at nagsalita , lumingon siya sa mga kaibigan niya pero nagulat siya dahil wala na yung tatlo mabilis kasi silang nagtago papunta sa malapit na puno para kuhanin ang mga papel na may nakasulat na yes !

" Yung mga kaibigan ko kasi sir ' rinig kong sabi ni Nessa at bumaling ng tingin sa lalaki pero umalis na din ang manager ng hindi niya alam. Kumunot ang noo niya , tumingin sa paligid at ng nakita niyang mag isa lang siya ay nagtangka na siyang umalis pero bago pa siya makalayo ay sinenyasan ko na si Nathan para pailawan ang paligid tapos maglalakad na sana siya ulit pero tumugtog na yung banda ng kantang kinanta ni Nessa sa akin nung sinagot niya ako.

Unti unti na akong naglakad palapit sa kanya ng nakangiti at agad ko hinawakan ang mga kamay niya at isinayaw sabay sa tugtog.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya

" Ang ganda talaga ng girlfriend ko ' Sabi ko at inayos ang buhok niya , isinigit sa tenga niya.

Ilang minuto pa kameng sumayaw at nang matapos na ang kanta ay medyo Iumayo ako sa kanya ng konti , nakatingin pa din siya sa akin.

Tumingin ako sa gawi ni Andrea at plinay niya ang nirecord kong boses

" Janessa tend ko , Alam mo namang mahal na mahal kita ' ngayon palang naiiyak na ako

" Bata pa man tayo pero alam kong ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay , Ikaw lang at wala ng iba. I love you ' tumulo ang luha ko pero pinunasan ko din agad.

Tumingin siya sa akin kaya't tinuro ko ang langit , sinabi ko kasi kay John na kapag natapos na yung sinabi ko e sindihan na niya ang fireworks.

Tumingin siya sa itaas at nagulat ng biglang nagliwanag ang kalangitan na may nakasulat na " WILL YOU MARRY ME ? '

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon