JANESSA's POV
"What the h...."
" Akala mo kung sinong may ari ng daan! Letchee! Bwisit!!" Inis na bulong ko, hindi pa nga nag-e-enroll e ganito na kaagad ang nangyayari. Kung nahulog ako sa hagdan, masasapak ko talaga yun.
G r r r r !
"Oyy beshy, anong ibinubulong- bulong mo d'yan? Parang may kaaway ka?" salubong ni Kheiara sa akin.
''Eh kasi naman muntik na akong mahulog sa hagdan, itinulak kasi ako ng lalakeng yon oh.'' Sabay turo ko sa mga lalakeng palabas na ng gate.
" Nakakainis talaga, panira ng araw!" bwisit na sagot ko.
" Ah kaya pala nagtatawanan sila, isa lang kaya yung hindi tumawa, Si crush. Omg! Gwapo niya talaga." Kagat labing sabi ni Kheiara na para bang kilig na kilig pa.
Hay naku, kilig na kilig na naman 'tong babaeng 'to, maya-maya sasakit na naman braso ko kakapalo, tsk.
"Halika na nga, mag-enroll na tayo doon yun oh, Hoy!" sabay tanggal ng headset ko.
"Ano ba?" inis na singhal ko .
"Sabi ko, mag-enroll na tayo. Bakit ba kasi palagi kang naka-headset? ang weird mo talaga."
"Ano? 'Di na nasanay sa'kin? Araw araw naman ako naka-headset kahit saan ako magpunta." sagot ko
"Sabi ko nga, kaya nga weird ka e. Tara na nga." sabay higit sa kamay ko.
Arayyyyy!
-"Thank you Lord at nakapag-enroll na rin sa wakas , haba-haba ng pila daig pa traffic e, Nakaka-antok." sabi ni Kheiara sabay hikab.
''Ang baho, nagtoothbrush ka ba?" pang-aasar ko
" Halaaa oo 'no, kaya nga ako natagalan kanina e, HAHAHA"
" Tara na uwi na tayo, marami pa akong gagawin. Dito tayo dumaan baka mamaya makita ko pa yung lalakeng yon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko."
"Dito na lang beshy, malay mo makita ko ulit si kuyang pogi, Ayieee !kinikilig ako." pa-cute pang sabi ni Kheia.
" Naku naku naku! Tigilan mo nga ako Kheiara, alam ko na 'yang style mong 'yan. Nililigawan ka no'nn 'no? Kilala kita, h'wagag kang magsi-sinungaling, uupakan talaga kita ng mga lima, Sige sige. "
"Oo na, siya yung kasama ko kahapon. Friend kasi ni mommy ang Mama niya, childhood sweetheart ko kaya 'yong cute na iyon. Last month lang kame nagkita ulit pero matagal na kame magka-chat." Mahabang paliwang niya.
"Pero teka!" Nagulat ako bigla niya akong hinila pabalik.
"Wait, Bakit mo alam 'yon? Hindi ko naman maalala na sinabi ko sayo yun ah?" Nagtatakang sabi niya
"I have my own ways." sabi ko sabay wink
Kumunot ang noo niya sabay sigaw ng
"BABAENG WEIRD!"
ANDREW's POV
Mag-eenroll na ako ngayon sa St. Dominic University, best friend kasi si Dad ang may-ari ng school na iyon kaya dun kame nag-aaral ng kapatid ko.
“ So-Sorry babe, i-im sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka pero hindi na talaga kita mahal, siya na ang mahal ko. S-sorry t-talaga ’’
"Bwisiitt!" napalakas pala ang pagkakasabi ko, napatingin tuloy sila sa akin.
" Oyy 'tol, wala naman akong ginagawa ah easy ka lang." sabi ni Lester
"Buti na lang Tito mo may-ari ng school na 'to, nauna tuloy tayong nakapag-enroll hindi na kailangan pang pumila." Dagdag pa ni Lester
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako pababa, nasa may hagdan na kame ng makita ko yung babaeng natamaan ng bola kahapon, hindi ko alam pero sa inis ko naitulak ko siya.
Wala nanaman yata ako sa sarili ko.
"Hoy ano ba!? Alam na daan 'to e pakalat-kalat, Alis! '' sigaw ko sa kanya
Bakit kaya palaging sa kanya ko ibinubunton ang galit ko.
"Pasensya na Miss, mainit lang ulo ni boss." narinig kong sabi ni Lester sa babae pero hindi ko na sila nilingon.
>🎸
BINABASA MO ANG
He's Crazy In Love With Me
Random[COMPLETED] ✓ Paano kung isang araw e 'yong lalakeng galit na galit sa 'yo noon kahit wala ka namang kasalanan sa kanya e biglang sabihin sa 'yo na, "Gusto kita, mahal na kita?" Maniniwala ka ba? Paano kung gusto mo maniwala pero takot ka ng magti...