Chapter 21

77 3 0
                                    

CHAPTER 21

ANDREW POV

" Nessa , Nessa ! " tawag ko sa kanya pero nakita kong nawalan na siya ng malay, tumakbo agad ako palapit sa kanya kahit duguan din ako.

" Janessa , gising ! " sigaw ko, mabuti na lang at may mga pulis na dumaan at hinuli nila ang mga lalaking yun.

Andito kame ngayon sa ambulance papuntang hospital. Wala pa ring malay si janessa.

Pagkarating namin sa hospital ay ginamot agad kame, maayos na ako pero hindi pa din gumigising si nessa. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumawag na ako kay Dean.

" Hello Dean , nandito po kame ngayon sa hospital. Opo, Sige po hihintayin ko po kayo dito. " Sabi ko

'' Sir. " tawag ko sa pulis. " Heto po oh. "  Iniabot ko sa kanila ang cellphone ni janessa. " May ebidensiya po dito sa cp ng kaibigan ko nirecord po niya ang usapan ng mga lalaking bumugbog sa amin kanina. "

" Sige iho, kame na ang bahala." Sabi ng pulis

-

" Doc , kumusta po ? Maayos na po ba ang lagay ng kaibigan ko ? " tanong ko sa doctor

" Oo iho , hihintayin nalang natin na magising siya."

Pumasok ako sa kwarto kung saan nakahiga si Nessa , umupo ako sa tabi niya.

" Uyy Nessa , gumising kana jan oh, Uuwi na tayo ng manila diba ? Nanalo tayo sa competition isusurprised pa natin ang buong school 'di ba? Hindi lang trophy at award ang maiiuwi natin sa school pati na din pasa at sugat. Gising na. " Sabi ko na medyo naiiyak na. Oo, lalaki ako pero umiiyak ako, palagi mo na lang akong nililigtas kahit di pa man tayo lubos na magkakilala.

Nagdadrama ako sa tabi niya ng bumukas ang pinto.

" Dean "

lumapit siya sa akin at tiningnan ang mga sugat ko.

" kumusta ang pakiramdam mo ? Okay ka na ba iho ? Masakit pa ba ang mga sugat mo ? " tanong ni Dean

" okay lang po ako , nagamot na po lahat ng sugat ko. " sagot ko

" Si janessa ? Bakit daw hindi pa siya nagigising? Malaki ba ang sugat niya sa braso ? Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya ? '' Nag aalalang Sabi ni Dean

" Sabi po ng doctor ay okay na daw po si janessa " Sabi ko

'' Sige bibili lang muna ako ng pagkain niyo , yung mga pinamili niyo ay ilalagay ko ba sa kotse at yung cellphone ni janessa ay ako na din ang kukuha pagkatapos makita ang ebidensiya , bantayan mo nalang siya at baka magising na."

Alam kong nag aalala na sila mommy , tinawagan ko naman si Andrea kanina e. Naupo nalang ulit ako sa upuan sa tabi ni Nessa at nakatulog sa paghihintay na magising siya.

Medyo naalimpungatan ako ng may humawak sa kamay ko

"D-drew . . "

" Nessa ? '' napatayo ako sa inuupuan ko. " Gising ka na ! thank you Lord. nagugutom ka ba , anong gusto mo ibibili kita. "  Natatarantang tanong ko

"T-tubig lang ang g-gusto ko , N-nauuhaw na ako " Sabi niya

" Sige, saglit lang bibili lang ako ha '' Sabi ko

Halos liparin ko na ang bilihan ng tubig sa sobrang pagmamadali.

Bakit ba ang tagal ni Dean ? Sabi niya bibili lang daw siya ng pagkain pero bakit hanggang ngayon ay wala pa siya ?

" Nessa , heto na. "  sabay abot ko ng tubig sa kanya. "

'' okay ka na ba ? " tanong niya sa akin

He's Crazy In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon